Nanatili kami ng ilang araw sa Boracay. Ngunit di na nasundan pa ang namagitan sa amin ng asawa ko. Sa kabila ng hindi ito nag-ungkat sa nangyari sa amin, hindi ko rin naman ito nakitaan ng galit. Ngunit pansin kong nawala ang pagiging palangiti nito. Kung kausapin man ako, pormal iyon at parang walang kulay. Para bang wala man lang namagitan sa amin, kahit meron naman. Ngunit alam ko namang nakainom ito ng may mamagitan sa amin. Hindi ko nga alam kung nagsisisi ba ito sa mga nangyari. "Mahal ko, may gusto ka bang ipaluto?" malambing kong tanong sa asawa. Kararating lang namin dito sa condo. "Wala. Lalabas ako, kasama ang mga kaibigan ko," wika nito ng hindi lumilingon sa 'kin. "Pero kararating pa lang nati--" "May problema ba?" Pagpuputol nito sa sasabihin ko. Hindi ko naiwasang

