"Dahil 'di ako masaya sa pagsasamang ito." Mabagal akong napailing. "Nagsisinungaling ka, mahal ko." Pinilit kong huwag mabasag ang boses ko. Nang matawa ito ng pagak. "Seryoso ka ba talaga diyan? Nakikita mo naman siguro ang sitwasyon nating dalawa--" "Pero naging masaya ka sa akin, mahal ko." "Iyon ang akala mo." Napatiim-bagang ako habang pinipigilan ang emosyon. "Hindi maganda ang birong ito, mahal ko.." At pilit pa akong ngumiti rito kahit na unti-unting umiiyak ang puso ko habang nakatitig sa asawa. Nang mabilis itong umiling sabay buntong hininga ng marahas. "Hindi ako nakikipagbiruan, Clark. Akala ko, totoong magiging masaya ako, pero hindi. Kahit tinuring kitang isang kaibigan, ganoon pa rin e. Nagsawa rin ako kaagad at napagod. Dahil siguro iba ang hinahanap

