Tulala ako habang nakatingin sa kawalan. Ang tahimik na gabi na siyang lalong nagpapalungkot sa akin. Para akong nangungulila sa hindi ko malamang dahilan. Sa kabila na asawa ko raw ang babaeng kasama ko ngayon, hindi ko maramdaman ang kasiyahan. Para bang may kulang sa akin. Para akong nalulungkot at may hinahanap. Kaya naman hindi ko ito magawang angkinin dahil sa nararamdaman ko. 'Di ko alam na sa kabila na asawa ko nga ito, hindi ko maramdaman ang matinding pagnanasa na dapat nararamdaman ko bilang isang lalaki. Para akong napapaso rito sa tuwing magpapakita ito ng motibo. Alam ko naman na nasasaktan ko ito, pero hindi niya ako masisisi. Wala akong matandaan at ang puso't isip ko ay nasa kaisipan kung sino ba ako at paano ko maaalala ang nakaraan ko. Nakakapagtaka nga at kahi

