Gigil na gigil siya sa inis. Kahit pala walang maalala ang lalaking ito ganito pa rin niya ako itrato. Kahit may nakita na itong litrato naming dalawa, hindi pa rin niya ito makumbinsi. Halata iyon sa bawat tingin nito at sa bawat galaw nito. At napatunayan niya iyon ng hindi man lang ito natuksong angkinin siya. Kahit pa ipinakita niya na ang kaluluwa niya rito, wala pa ring saysay! At 'di siya makapaniwala na ganito ito ka-tapat sa asawa nito kahit wala itong maalala! Dapat pala ang ginawan ko ng masama ang babaing iyon! Gusto niyang sumigaw sa galit at pakiramdam niya kahit may amnesia na ito parang may hinahanap pa rin ito. At hindi naman siya papayag sa bagay na iyon! Mabubulok kami rito sa Italy! Hindi ko rin hahayaang may maalala ito. Gagawin ko ang lahat mailigaw ko lang a

