Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Lalo na ngayon na may malaking proyekto na pinag-aaralan ang bawat team. Mabilis kong dinampot ang telepono. "Yes?" "Mahal ko.." Bigla akong napaupo ng tuwid. Binitiwan ko rin ang ballpen na hawak-hawak ko. "Husband ko..!" nakangiting bigkas ko. "Kumusta ang mahal kong asawa? Miss na miss na kita." Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. "Ayos lang ako, asawa ko. Sobrang miss na miss na rin kita. Uuwi ka na this Sunday, hindi ba?" tanong ko. Nang marinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya. "May problema ba, asawa ko?" nag-aalalang tanong ko. "Wala naman, mahal ko. Pero kailangan ko lang manatili muna rito nang isang linggo pa. Medyo marami pa akong dapat intindihin. Kung puwede nga lang umuwi na ako at sobrang miss na miss na ki

