"H-hello.." Sa inaantok pang boses. Nakahiga pa ako noon. "M-maam, kailangan niyo pong pumunta dito kaagad..!" Napakurap ako at bigla yatang nawala ang antok ko ng marinig ang boses ng secretary ko na parang nanginginig. "What happened?" Bigla akong napabangon. "K-kasi ma'am...!" At bigla na lang itong umiyak. Bigla akong kinabahan sa 'di malamang dahilan. "Ano bang problema? Bakit umiiyak ka?" Gusto ko mang mainis dahil sa kabang nararamdaman ko, ngunit pilit ko pa ring kinakalma ang sarili. "M-may napirmahan ka ma'am na.." Napasabunot ako sa ulo at hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa pag-iyak nito. Pansin ko rin ang panginginig ng boses nito. Ano bang pirma ang tinutukoy nito? At kailangan pa nitong umiyak. Bigla kong nahaplos ang sariling braso ng maramdaman ko

