Kumalat sa buong media ang tungkol sa proyekto na pinirmahan ko raw. Naging sikat pa ang pangalan ko sa isang kasinungalingan. Nagkagulo ang lahat. Maraming mga reporters ang naka-abang sa kompanya ni daddy at hinihintay akong lumabas. Wala akong ginawa kun'di ang umiyak. Hindi pa umuuwi ang asawa ko. At hindi ko rin ito makuntak. Hindi ko alam kung anong iniisip nito. Pero alam kong mahal na mahal ako nito. Kaya naniniwala ako na hindi ito basta maniniwala. Pero paano ang video na kasama mo ang lalaking iyon? "Dad, anong gagawin ko?" Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko. Lalo na ang makita sa ibaba ng building ang maraming reporters. "Wag kang mag-alala, anak. Malalaman din natin kung sinong traydor sa kompanya natin." "Pero dad, paanong nangyaring mismong kamay ko ang pum

