Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa. Mahimbing na itong natutulog. Ngunit bakas sa magandang mukha nito ang paghihirap. Ang mga mata nitong magang-maga na lalong ikinagagalaiti ko sa galit. Alam kong wala itong kinalaman sa mga nangyari. At naniniwala akong hindi ito magagawa ng asawa ko sa akin. Ang traydurin ako. Kahit pa may ipinakitang video sa akin na kasama nito ang gagong lalaki na iyon, hindi pa rin ako maniniwala na may pinirmahan ang asawa ko. Alam ko kung gaano ako nito kamahal. Walang kaalam-alam ang asawa ko na habang wala ako sa Pilipinas, pinapasubaybayan ko pa rin ito sa mga tauhan ko. At base sa mga information na binigay sa akin, hindi sadyang nagkita ang dalawa. Base sa Secret Agent ko, mukhang planado ng lalaking Z

