Nakatitig ako sa tatlong anak ko na payapang natutulog. Isang taon na rin ang mga ito. Malilikot at sobrang kukulit. Ang lulusog din na siyang pinanggigigilan ng mga magulang ko at magulang ng asawa ko. Ang nagbibigay ng kasiyahan sa puso ko. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit madalas tumulo ang luha sa mga mata ko. Sa tuwing nakikita ko ang mga ito, nakikita ko ang asawa ko. Kamukhang-kamukha ng dalawang lalaki ang ama nito. Sa akin naman nagmana ang nag-iisang prinsesa namin. Clinton Herson, Charles Herrero and Princess Claire Isabella. Ang mga pangalan na binigay ko sa triplets. Sinundan ko sa pangalan ng asawa ko at pangalan ko rin. Si Charles ang kuhang-kuha nito ang kabuuan ng mukha ng asawa ko. Kaya sa tuwing niyayakap ko ito, napapaiyak na lang ako bigla. How I wis

