"Ano? Nalunok niyo na ba ang dila niyo?" tanong ni Carmela sa mga babae. "Kanina lang eh narinig ko pa lang ang pangalan ko na binabanggit niyo. Hindi ako mapagmalaking tao sa totoo lang pero anggaling ano? Para pala talaga akong artista sa paningin niyo. Laman ako ng tsismis niyo!" Hinaplos niya ang buhok sa harapan ng mga ito. "Angganda ko kasi!" "Mayabang ka din talaga! Kabud ka lang maganda pero masama talaga ang ugali mo. Kung gaano ka kaganda ay ganoon kasama ang ugali mayroon ka! Pinatunayan mo lang sa amin ngayon na totoo ang lahat ng akusasyon sa'yo!" "Akusasyon?! So, mayroon pa pala kayong natitirang amor sa akin. Ibig sabihin may doubt din kayo na mali ang lahat ng balita tungkol sa akin? Salamat," matamis ang ngiti na wika niya sa mga ito. "Ay, basta! Ngayon alam mo na ang

