"Excuse me lang, girls. Mukhang hindi niyo naman yata kayang bilhin ang mga narito sa estante. Baka naman gusto niyo akong bigyan ng daan," walang pakundangan niyang sabi sa mga ito. "Napakayabang mong talaga, Carmela!" hindi napigilan ng isa ang galit sa tinuran niya. "If I know hindi mo naman pera ang pinambibili mo ngayon dito!" Humawak sa dibdib si Carmela at umatras ng bahagya habang nakatingin sa nagsalita. "Kilala niyo ako?" Tiningnan niya isa-isa sa mukha ang apat na babae at kunwari ay kinilala. "How come na kilala niyo ako pero sa talas ng memorya ko sa tao ay hindi ko kayo makalkal sa isip ko. Saka ikaw!" Dinuro niya ang babaeng nagsabi sa kanya na hindi niya pera ang ginagamit niyang pambili. "Ano'ng sinabi mong hindi ko pera ang pinambibili ko ngayon dito?" "Talaga naman ha

