"Ah? O-oo. Mayroon nga. Alam mo na. Investment," sagot niya. "Hindi naman siya ganoon kalaki. Sakto lang." Hindi na rin siya magtataka kung malaman niyang may ideya ito na kinuha lamang niya ito sa katrabahong si Hero at pinabayaran sa kanya ng hulugan. Swerte siya dahil may ganoong tulad ni Hero na handang ibigay na hulugan ang isang property nito. "Hulugan pa hindi ba?" muling usisa nito. "Oo. Pero kaya ko naman ang monthly," sagot niya. "Katunayan nga ay may savings pa akong naitatabi." "Gusto mo bang bayaran na ng cash ang condominium mo?" "Ha? Gusto ko man ay wala akong pang-cash sa ngayon, Nannette." "Pahihiramin kita. Sige!" "Hah?!" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Nagbibiro ka ba, Nannette? Malaking halaga iyon. Fifteen million." "Hindi ako nagbibiro, Vince. Willing

