Natatawa si Vince sa tuwing maaalala niya ang babae na ni hindi niya nalaman ang pangalan. Bakas sa mukha nito ang dismaya sa kanya kaya naman nasisiguro niyang hindi na siguro muling magkukrus ang landas nila. Sumigla ang pakiramdam niya ngayon dahil sa nangyari sa kanila ng babae. Nakaraos siya. "Hello, nasaan ka na, Man? tanong ni Hero sa kanya mula sa cellphone. "On the way na'ko, Man. Don't worry. Darating ako," sagot niya.. kasalukuyan na siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan "Siguraduhin mo lang. Baka magwala si Gian sa Lunes pagbalik natin sa trabaho. Alam mo na. Hindi ka titigilan noon," paalala nito sa kanya. "Oo na." Tinapos na niya ang tawag. Makalipas ang kulang isang oras na biyahe ay nasa harapan na nga siya ng Villa. Natanaw niya ang mga kasamahan na nasa waiting are

