Dumating na nga ang araw ng pagtungo nila sa Malolos. Isinilid na niya sa kanyang maliit na travel bag ang ilang gamit niya. Napagkasunduan nilang sa magkita-kita na lamang sa mismong resort. Summer short at black drifit shirt ang napili niyang suotin. Dahil doon ay lumitaw na naman ang natural niyang kakisigan lalo pa at kumapit sa balat niya ang tela ng suot. Pagkuwan ay isinuot na n'ya ang branded sunglass niya sa unang pagkakataon. Regalo pa sa kanya ng dating nakarelasyon ang sunglass. Sayang din naman kasi dahil naka-stock lang sa kanyang cabinet. Hindi na siya maaalangan na suotin dahil wala naman na sa bansa ang nagbigay niyon. Nag-migrate na sa Canada. May halaga rin iyon. At kung siya ang tatanungin ay hindi niya iyon bibilhin sa ganoong halaga. Mas pipiliin pa niyang bumili na l

