Magaan ang pakiramdam ni Vince nang magising siya dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Bumangon na siya at nagtungo muna sa kusina upang magsaing sa kanyang rice cooker niya. Pagkatapos ay nagtungo na sa banyo. Kinuha ang toothpaste at nilagyan ang kanyang toothbrush. Pagkatapos ay diretso na siyang naligo. Matapos niyang maligo ay nagtungo na siya sa kusina upang kunin sa refrigerator ang pabaon sa kanyang ulam ng kanyang ina. May adobong baboy, paksiw na bangus, kalderetang kambing at marinated chicken na ipiprito na lamang niya kung sakali ang ipinadala sa kanya ng kanyang ina. Napili niyang ulamin ang adobo kaya naman kinuha na niya ang kawali at inilagay lamang ang kalahati ng laman ng food keeper. Iyong kaya lang niyang ubusin ang iniinit niya. Habang iniinit niya ang adobo ay nagsa

