Pagbaba ng babaeng katabi niya ay agad na may tumabing lalaki sa kanya. "Miss, pwedeng makipagkilala?" agad na wika nito sa kanya. Hindi naman ito preskong nagsalita at mukhang mayabang. Hindi ito super gwapo pero neat itong tingnan at maganda ang katawan. "Ako nga pala si Glen Del Rios," pakilala nito sabay abot ng palad nito sa kanya. "Ah, okay. Ako naman si Andrea Nacpil." Wala siyang balak na sabihin dito ang totoong pangalan niya. Ayaw lang niya itong isipin na bastos siya. "Nice name, bagay na bagay sa'yo." "Hindi naman," mababa ang loob niyang wika rito. Nagsimula na itong nakipagkwentuhan sa kanya. Pagngiti-ngiti lamang siya sa sinasabi nito habang ito ay enjoy na enjoy naman sa kakakwento. "Siyangapala, Andrea. Pwedeng kunin ko ang cellphone number mo?" "Hah? Wala ako'ng ce

