Chapter 16
Nakarating na kami sa tapat ng bahay "Bye love have a good night sleep and dream of me" malambing niyang sabi but before I open his car door he kiss me fast on my cheeks and another one swift kiss on my lips. Napapikit ako saglit at sinamyo ang bango ng kanyang hininga.
Pagkatapos niyon ay napangiti ako at bumaba na sa sasakyan niya. Pagkasara ko ng pinto ng kotse ay pumasok na agad ako sa loob ng gate namin. Narinig ko pa ang ugong ng sasakyan niya na paalis na kaya naman ay tuloy-tuloy na rin ako hanggang sa makapasok na sa loob ng bahay...
Kailangan ko ng bumangon, alas-sais na. Naligo muna ako at nagbihis na para sa pagdalo sa misa ngayong araw. Pagkababa ko ay nakabihis na rin sina nanay at tatay. Binilisan ko ang pagbaba sa hagdan at nang makarating sa lamesa ay isa isa kong hinalikan sa pisngi ang aking pinakamamahal na mga magulang.
"Oh anak! Mag-almusal muna tayo bago umalis" sabi ni nanay "Opo!" masigla kong sagot at umupo na sa tapat ng lamesa. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa simbahan. Ganito ang bonding namin nila nanay at tatay tuwing linggo.
Kung minsan naman ay nakikita namin sila Ate Carmela at Ate Mary doon sa simbahan. Sana ganito nalang palagi iyong wala kang problema at alalahanin. Mga alalahanin...naalala ko si Adam. In the near future maaaring magkaroon ako ng problema kapag nakipagkita pa rin ako sa kanya.
Umusal ako ng panalangin habang nakaluhod at nakatitig sa Kanya "Panginoon ko pakiusap gabayan Niyo po sana ako sa tamang landas. Kailangan ko po Kayo sa buhay ko. Huwag Niyo po sanang hahayaang mawalay ako sa Inyo... Amen.
**
Monday, maaga akong gumayak dahil sabi nga nila...kung sisimulan mo ang Lunes na late ay buong linggo ka rin daw na late. Maaga kaming nakarating sa school ni Nick "Wala pa yata si Kris" sabi ko habang inililibot ang paningin sa paligid.
"As usual, lagi namang late iyon" si Nick "Malapit na magtime–" hindi ko na natuloy ang sasabihin kasi nakita ko na siya bungad ng pintuan ng room namin. Tahimik itong umupo sa tabi namin ni Nick. Nagkatinginan kami ni Nick nagsesenyasan kung sino ang unang magtatanong.
Kakausapin na sana ito ni Nick pero dumating na ang guro namin sa unang subject. Naging busy na kami sa buong umaga na iyon hanggang sa magtanghali na. May sumundo kay Kris, member of mean girls ng school namin.
Nagtataka na kaming mag-bestie kung bakit simula pa noong prom ay hindi na ito kumikibo sa amin. "Saka nalang natin kausapin Nick, baka may problema lang sa pamilya" pero parang tutol din ako sa sinabi ko.
"Kung may problema siya, dapat niyang sabihin sa atin hindi iyong deadma lang tayo sa kanya" naiinis na sabi nito. Naglunch kami na hindi kasama si Kris kasi hindi na talaga siya lumapit sa amin. Nanatili siya sa kabilang table at kasama ang mean girls
"Eww! That ahas, I mean duh?!" Pairap na sabi ng isa sa mga new found friend or nff 1 ni Kris. Hindi ito kumibo at nagkibit balikat nalang. "If I were you girl I will slap her face na" sabi ni nff 2, tatlo lang naman sila kaya kapag nagsalita ang pangatlo ay nff 3 na ang itatawag ko, hindi naman na kumibo si Kris.
Nagkatinginan kaming mag-bestie, may kaaway ba sa school itong si Kris? Natapos ang lunchtime na hindi na namin na nakausap pa si Kris. Iyon ang umpisa ng lunes namin hanggang ngayon na friday na ay tuluyan na ngang lumayo sa amin si Kris.
"Nakakalungkot naman bestie, dalawa na lang tayo ulit" snack break namin at nasa bench kami malapit sa gym, hindi masyadong mainit dahil nakasilong iyon sa malaking puno ng Acacia. "Hello girls" sabay kaming lumingon sa nagsalita, si Julian.
Lumaki ang mga mata ni bestie ng lumingon sa akin at kinurot-kurot na naman ako. Kinikilig ang bruha "Oh! Hi Julian" ako na ang bumati dito dahil speechless ang witch friend ko. Umupo ito sa katapat na upuan "Kamusta na? Na-miss ko kayo ah"
Masiglang bati nito, ibang section din kasi si Julian at si Ali ay nasa higher section. Kamusta na kaya siya? "Heto medyo busy malapit na kasi ang exam next month na" ako ulit. Aba ang bestie tameme ano walang special participation!
"Yup! Kailangang magreview para makapasa" sabay tingin nito kay Nicky "Monica may gagawin ka ba bukas?" tanong nito, huh?! I need to be outta here. I will give them some privacy hehe! "Rest room lang muna ako, excuse me" sabi ko at dali-daling niligpit ang gamit at lumayas na sa harapan nila.
Haay buhay parang life. I'm happy for you bestie. Gumana agad ang utak ko... There's a scenario of a wedding bells may kinakasal. Pinagsalikop ko pa ang aking mga kamay at inilagay iyon sa ilalim ng aking baba at nakatingala sa langit habang iniimagine ko na ikinakasal silang dalawa prrrrttt!
Time out! Ang bata mo pa para mag-isip ng ganyan Eve duh! Para tuloy akong baliw na pangiti-ngiti habang naglalakad. Sandali, napahinto ako. Saan ba ako dadalhin ng mga paa ko? Papunta na pala ito sa parking area.
Pero bago pa ako lumingon doon ay lumingon akong muli sa dalawa at muli ring napangiti. Sana ito na ang simula ng love story ni bestie. Support talaga ako sa love team nila. Abot tanaw ko pa sila habang umuupo si Julian sa binakante kong upuan sa tabi ni Nicky. Aba, dumadamoves kaya natawa ako. Mukhang alam ng loko na hindi na ako babalik! Haha!
"Love, did you miss me?" Ang boses na iyon? Para akong tinuklaw ng ahas sa kinatatayuan at parang namanhid ang utak ko at labi. Baka guni-guni ko lang? Try mo kayang lumingon, no! Kakatakot! Nagpanic na ang utak ko, kung anu-ano na iniisip ko.
"Because I miss you so d**n much!" muling may nagsalita at nasa likuran ko na siya ngayon. Ramdam ko ang presensya niya...naaamoy ko ang familiar niyang pabango. Napapikit ako, ang bango...ang sarap langhapin ng amoy niya.
Ano kaya ang brand ng pabango niya? Naputol ang mga iniisip ko ng hawakan niya ako sa braso upang iharap sa kanya. Bigla akong napadilat at bigla ring nanlaki ang mga mata waaahh. Natawa siya sa reaksiyon ko "Hello to you love" ngiting labas ang pearly white teeth niya omg!
Gusto kong himatayin hala! Huwag kang mag-inaso diyan Eve, si Adam lang iyan. Si Adam na nagmamahal na yata sa iyo. I'm not sure though. "Wala kang klase? I mean bakit nandito ka?" tanong ko. Nasa bench kami ngayon malapit sa parking area at malilim din dito dahil may mga puno.
"Why? Don't you want to see me?" sandali akong hindi nakasagot "Hindi naman sa ganoon. Nagtataka lang ako kung bakit nandito ka" hindi pa rin ako makapaniwala na narito siya in flesh and blood. "I need to see you. I miss you so much love" sa sinabi niya ay parang may humaplos sa puso ko.
"Hayyss whatever" itinirik ko nalang ang mga mata ko dahilan para mapatawa siya. "You make my day" sabi niya "May last subject pa ako e, nag snack lang kami ni Nicky" tumango siya "I see. I will wait then 'til you're done with your class" huh?!
"Why? You don't have to" kontrabida din ako madalas sa sarili ko ano "Eve look, I came here all the way from school just to be with you so please don't kill me by your rejections" hala seryoso na si kuya! Nagtitigan kami. Nakikiusap ang mga mata niya. Then that's it! I give up!
Tumunog ang bell, tapos na ang klase namin "Eve mauna ka ng umuwi" tumaas ang kilay ko ng tingnan si Nic. Kakaiba iyon ah "Ano kasi...si Julian" mahinang sambit nito haha! Natatawa ako sa mukha niya parang basang sisiw.
Wahahaha! Hindi ko na napigilan ang tawa ko at itinuro siya "May date kayo?" "Hindi ko alam, pero kasi sabi niya ihahatid daw niya ako" parang hirap siya mag explain, hindi niya alam na binibiro ko lang naman siya.
"Hindi ba ako pwedeng sumabay? Promise hindi ako magsasalita. Magkwentuhan lang kayo okay lang sa akin" tukso ko pa "Basta! Huwag ka nga, kanina ka pa ha" lalo naman akong natawa sa kanya.
"Actually, okay lang no problem with me" hindi ko na sinabi na nag-aabang din sa akin si Adam "Thank you bestie! Nandyan na siya bye!" nagmamadaling nagbeso sa akin ang bruha that turned into a prinsesa ang peg.
Tumingin ako sa pinto, nakita ko si Julian. Tumango ito sa akin kaya tumango din ako at kumaway. Kuuh ang bestie ko nagdadalaga na. Ihahanda ko na ang sarili ko kasi baka madalas na itong mangyayari.
Pumunta ako sa Rest room para i-check ang sarili. Dèjà vu. Malapit na ako sa parking lot ng mapansin ko ang mga mean girls doon, meaning? Nandyan din si Kris? "Ay bagay sila girls di ba? Ang gwapo" si nff 1. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila.
"Hmp! Naiinis ako doon sa ahas niyang friend!" si nff 2 "Kung ako lang sasabunutan ko talaga ang babaeng iyon" si nff 3. Nakatalikod ang tatlo sa akin. Ang sarap pagkakaltukan grrr! Mga echosera. Hindi nila namalayan na may tao sa likuran nila "Ahem!" nag-slow motion pa sila habang lumilingon sa akin...