A Dinner With You

1774 Words
Chapter 17 Tumaas ang kilay nila sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Well.Well.Well. Look who's here, ang ahas na friend" si nff1 "What?!" nabigla ako sa sinabi nito, ako ba ang tinutukoy nila? "Oo ikaw nga, tingnan mo ang dalawa. Iyan ang sinisira mo" nff2 "Excuse me. Wala akong sinisira ha" Umirap ako bah, akala ba ng mga ito ay uurungan ko sila neveh! "Kung ako sa iyo, back-off" si nff3 , isa isa talaga silang nagsasalita ha from nff1 to nff3 hindi ko kasi alam mga name nila. "Wait sino ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ko na naguguluhan "Well-" sabi ni nff1. Habang umiikot sa akin na animo'y isa akong uri ng bacteria sa microscope na sinusuri niyang mabuti "Kristin and that gwapo there is nagkakamabutihan na when you enter the picture" pagpapatuloy nito sa sinasabi habang nakahalukipkip at patuloy pa rin sa pag-ikot sa akin. Hindi ba siya nahihilo? kasi ako nahihilo na sa kaiikot niya. "Aba talaga?" sabi ko "Oo 'day, kaya kung ako sa iyo ay lalayo nalang ako" pinandilatan pa ako nito ng mata aba't mapagdesisyon siya ha "At sino ka naman para sundin ko? Nanay ba kita, ikaw ba nagpalaki sa akin?!" pang-aasar ko dito. "Aba't lalaban ka ha!" tinulak ako nito ng malakas dahilan kaya napasalampak ako sa semento at pinalitan pa nila akong tatlo. "Hey! What are you doing?!" galit na sigaw ni Adam ang sumunod na narinig ko. Nahintakutan yata ang tatlo kaya tumabi sila at binigyan ng daan si Adam. "Eve, are you alright?" dinaluhan ako nito at dahan dahang itinayo. Samantala, speechless ang tatlo "Are you three bullying her? I'm gonna sue you all!" galit na talaga ito "Adam no! I mean it's alright hindi naman masakit e" naawa ako agad sa kanila dahil sobrang galit talaga sa kanila si Adam. Dahil sa akin iyon kaya nakonsensya agad ako. Nakakatakot din palang magalit ang lalaking ito waaah. Kinuha niya ang kamay ko at sinuri, nang makitang mamula mula iyon ay napamura ito. "D**n no! I won't tolerate this thing. Look at your hands" Kumuha ito ng panyo sa bulsa at pinunasan iyon. Habang ginagawa niya iyon ay napatingin ako kay Kris. Nahuli ko ito sa akto na masamang nakatitig sa ginagawa ni Adam. Naramdaman yata niya na nakatingin ako sa kanya kaya inangat niya ang tingin sa akin. Matagal kaming nagkatitigan. Galit ang sa kanya at simpatya ang nasa akin. Nararamdaman ko ang kanyang sama ng loob. Inirapan niya ako at sabay tumalikod sa akin. Ngayon alam ko na... alam ko na kung bakit siya lumayo sa amin ni Nicky. Dahil gusto niya si Adam. Paano na ito? Ano ang gagawin ko? Dahil ba kay Adam masisira ang pagkakaibigan namin? Maraming katanungan ang gumugulo sa aking isipan sa mga oras na ito. Makakaya ko ba na isuko ang lalaking ito? Bahala na, kailangan ko munang makausap si Kris. Kailangan ko munang marinig ang panig niya bago ako magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat. Pero paano ko gagawin iyon kung palagi nalang itong umiiwas sa akin? Hindi ko napilit si Adam na palagpasin na lamang ang nangyari. Kaya heto nasa guidance kaming apat. Nakaupo sa mahabang mesa, nasa gitna ang guidance counselor at nasa magkabilang panig naman ako at ang mean girls. Nasa labas lang nitong opisina si Adam baka lumala lang ang gulo at madiin pa ang mga mean girls na ito. Kawawa naman sila at isa pa ayaw ko rin siyang masali sa gulo. Ano nalang ang sasabihin ng parents niya kung sakali. "I received a report that you three girls were bullying Miss Claro here, is it true?" Seryosong tanong nito sa tatlo. Hindi nakasagot ang mga girls. Bawal kasi ang magsinungaling dito at kung itatanggi nila malalaman pa rin iyon kung iimbestigahan at siguradong doble parusa. "Miss Claro, may I see your hand?" utos nito kaya napilitan akong itaas ang mga kamay. Ang lalaking iyon napaka tsismoso. Konting galos lang naman ang nangyari "Oh, mabuti nalang at konting galos lang ito" sabi pa nito habang sinisipat ang mga kamay ko. "Ma'm okay lang naman po ako, malayo naman po ito sa bituka" medyo ngumiti ako para mawala ang tensyon sa paligid. "See girls paano nalang kung hindi mabait itong si Eve? Malaking kaso ang bullying. Maaari kayong ma- expelled sa school na ito. I hope this will be served as a lesson and warning to you all. Kung maulit pa ito ay ipapatawag ko na ang mga parents n'yo" mahabang paliwanag nito. "As of now, apologize to her and promise that it won't be happen again or else disciplinary action will be given to the three of you" natakot naman ang tatlo "Ahmn Eve, I'm sorry hindi ko na uulitin promise" sabi ni nff1 na siyang tumulak sa akin, tumingin naman ako sa kanya at tumango. "Yeah, hindi na namin uulitin" magkapanabay na sabi naman ni nff2 at nff3, makahawak kamay pa habang patango- tango sa akin "Okay" iyon nalang ang nasabi ko. "You may leave now, I really hope that this won't be happen again" pagkasabi niyon ay nagshakehands pa ako sa kanila tanda ng aming pagkakaayos. Paglabas ko ng pinto ay nakaabang na si Adam sa akin "What happened?" tanong agad niya "Okay naman, nagkaayos na kami" sabi ko "Good, I don't want you getting hurt love. If anyone do, I'll make sure to make them pay the price" hayyss grabeh maka protect sa akin huh "I have no say on this" Napangiti siya at hinawakan ako sa braso. Nagtungo kami sa parking, sa kotse niya. "Can we have some coffee?" Wow, sosyal. Tiningnan ko ang relo, past five na. "Hindi ako pwedeng magtagal, saan ba banda iyan?" tanong ko na nagpangiti sa kanya. Ang cute talagang ngumiti, akala siguro niya tatanggi ako. "Well, it's not that far, a ten minutes drive" sabi niya "Okay" kinabit ko na agad ang seatbelt ko. Unti-unti na akong nasasanay sa kanya, ganoon pala talaga kapag napapalagay na ang loob mo sa isang tao, feeling at home na ang peg. Huminto ang kotse niya sa isang class na coffee shop. Oh, nga naman buhay ng mga RK (rich kid) lalo nitong pinagtitibay kung gaano kalaki ang agwat namin sa isa't isa. Need ko na bang tumabi behind the lines na tanging sila lamang ang makakadaan? Heto na naman ang aking kalungkutan dinadalaw na naman niya ako huhu. Napansin yata niya ang pananahimik ko "Hey, don't you like it here?" malumanay na boses ang gamit niya. He hold my chin up and found my sad eyes, baka kung anu-ano na naman ang itanong nito kaya bigla kong iniba ang mood ko "No, i mean may naalala lang ako, tara na" masigla kong sabi . "Wait" sabi niya ng tatanggalin ko na ang seatbelt ko. Lumapit siya sa akin tiningnan ang mukha ko na parang binabasa hanggang sa titigan niya ako sa aking mga mata. Bumaba ang tingin ko, hindi ko matagalan ang mga titig niya. Nakita ko ang mga kamay niya na nakahawak din sa seatbelt kung saan nakahawak din ang mga kamay ko. "Let me" naamoy ko ang mabango niyang hininga ng tumama iyon sa aking mukha. Napapikit ako, naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sa labi ko. Na-miss ko ito, naiiyak ako sa sobrang kaligayahan dahil sa tuwing hinahalikan niya ako ay nawawala ang agam- agam ko na hindi kami bagay. Nalulungkot talaga ako sa isiping iyon. Napapamahal na ba siya sa akin? Hindi pwede Eve... hindi mo pwedeng ipakita ang pagmamahal na sinasabi mo. Kaya mo iyan matapang ka naman di ba? "I miss you love" lumayo siya ng konti upang sabihin iyon at muli rin akong hinalikan pagkatapos. Narinig ko ang pag click ng seatbelt hayyss salamat naman. "Do you want to eat dinnner? They serve dinner here" alok niya pero dapat akong tumanggi kasi iyon naman talaga ang nararapat. "No I'm fine, a coffee will do" sagot ko "It's past six, we can have an early dinner, please join me" gosh! akala ko ba magkakape lang naiinis na naman ako. Nasasayang ang effort ko na mag ingles hindi naman pala niya maiintindihan ang ibig kong sabihin walang epek, ba'la.ka.dyan. "Bakit hindi ka ba kakain sa inyo? mas masarap kasabay ang pamilya, doon ka nalang kumain sa inyo" sabi ko "Nah! It's okay here, I want to have a dinner with you" ahh kaya naman pala, gusto pala niyang kumain kasama ako "Fine" sagot ko na nagpangiti na naman sa kanya. Napapansin ko na ngumingiti siya sa tuwing napapapayag niya ako sa gusto niya hayyss, dapat ba palagi akong papayag para palagi siyang nakangiti? Tinawag niya ang waiter para ibigay ang order namin. Gusto ko din namang tumagal ng konti ang oras na magkasama kami. Steak with bread and a side dish of french fries hmmnn yummy! Plus wedge salad with elegant blue cheese dressing! ang dami! mauubos kaya namin ito? Naglagay pa ng flute at sinalinan iyon ng wine. "Ahmn Adam ano iyan?" sinundan naman niya ng tingin ang hinayon ko. "White wine for me but for you I prefer a non-alcoholic drink, they called it club soda" hmm "Okay" satisfied ako sa sagot niya. Nabusog ako sobra, imbes na magkakape lang sana kami ay naging dinner ang usapan waahh. Pagkatapos naming mag dinner ay niyaya ko na agad siya na umuwi kasi hindi ako nakapagpaalam kay nanay, baka mapagalitan ako. Sinabi ko nalang na ihatid niya ako doon sa dati niyang binabaan sa akin. Sasakay nalang ako ng padyak para hindi ako paghinalaan nila nanay at tatay. Sasabihin ko siempre na kumain ako sa resto with a friend pero hindi ko sasabihing lalaki ang friend na iyon. Need ko na namang magsinungaling ngayon, please po pasensya na sa gagawin ko, wag po sana kayong magalit sa akin, patawad po. "Eve–" pinutol ko ang sasabihin niya kasi nagmamadali na talaga ako "What?" tanong ko "Where is my kiss?" huh? "But you'd kissed me already!" nagmamadali na talaga ako kasi nga gabi na "Adam please masyado ng late ang uwi ko" Nakita kong nalungkot siya at nagpaawa epek pa kaya lumapit nalang ako at hinalikan siya sa pisngi. Natuwa siya pero hindi sapat, hinila niya ako at hinalikan sa labi. Napapikit naman ako syett ano ba ang ginagawa mo? Matapos niya akong halikan ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Always take care of yourself for me huh. Though I'm not here as often as I want, but let me know if something's bad happen okay? I need you to be safe always love" tumango ako sa sinabi niya, dama ko ang sincerity sa boses niya, mahuhulog na yata talaga ako sa lalaking ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD