Chapter 18
Habang nakasakay ako sa sikad ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Adam. Mahal ko na yata talaga ang taong ito pero ano ba ang alam ko, masyado pa akong bata para matukoy ang kahulugan ng pagmamahal.
Kailangan ko pa ng mahabang panahon. Kailangan ko pang matapos ang pag-aaral ko. May mga pangarap pa ako na dapat punuan. Una sa lahat ang makatapos ng pag-aaral, makakuha ng magandang trabaho, makapag-ipon, maibigay sa magulang ko ang luho na deserved nila.
Hanggang doon lang muna, and the rest will follow. Pagkarating sa bahay ay almost seven na "Nay? Tay?" naabutan ko sila sa sala at hindi mapakali halatang hinihintay ako "Anak, bakit ngayon ka lang? Nag-aalala na kami ng tatay mo" sabi ni nanay habang nagmamano ako sa kanila.
"Pasensya na po, kumain kami sa labas ng mga kaibigan ko, treat nila" waah convincing kaya? "Oh! Nakakain ka na pala! O siya sige, anak magpahinga ka na. Kami nalang pala ang kakain ng tatay mo, tayo na Carlito" yaya nito kay tatay.
Ang nanay talaga hindi man lang gumamit ng malambing na tono. Napakamot na lang sa ulo niya si tatay. Natawa ako sa reaksyon nito. Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nilabas ko ang kwaderno at nag-aral.
Malapit na ang fourth grading exam kaya dapat na palagi akong magrereview. Kailangan kong makakuha ng mataas na marka. Stepping stone ko ito para makakuha ng scholarship sa college. Isang taon na lang, konting tiis at magiging college na ako.
Dumaan ang weekends. Ibinuhos ko muna sa paglilinis ng bahay sa umaga. Pagkatapos ay mag-aaral naman sa buong hapon. As usual, pagsisimba at family bonding kapag Linggo. Hindi ko na napapansin ang araw. March na pala.
Puro review at long test or long quiz ang ginagawa namin sa school. At kapag nasa bahay naman ako ay tutulong lang ng konti kay nanay sa pagluluto at pagkapos ay kakain na. Then, mag-aaral na naman ng mga notes at hindi ko na namamalayan na nakakatulugan ko na ang pagrereview.
Hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni Nicky sa school dahil focus talaga kami sa examination na darating. Tense din yata siya dahil last grading period na. Sunog-kilay lang ang peg ng bestie ko haha!
Isang himala at mukhang magiging ka-kumpetensya ko pa yata siya sa pagiging isang ulirang estudyante!
**
This is it! First day of exam, Thursday. Natulog ako ng maaga kagabi para maging maganda ang gising ko ngayon. I check my sling bag kung kumpleto na– ballpen? Check. Yellow pad and intermediate pad? Check.
Bumili lang ako ng tingi tutal naman ay four subjects lang ang exams ngayon. Nagdala din ako ng pencil and eraser baka kailanganin mabuti na ang handa. Girl scout ako e laging handa! Ayos na pala ang lahat ng needs ko, dinagdagan ko nalang ng pulbos at spritzer.
Kapag ganitong exam ay small bag lang ang gamit naming mga mag-aaral. Kinuha ko ang wallet at panyo at inilagay din ito sa loob ng bag ko. Pagbaba ko ay nasa hapag-kainan na ang nanay at tatay "Good morning po!" masiglang bati ko, I kiss each of them.
"Hmm, mas good ka pa sa umaga bunso at siempre mas maganda" sabay halakhak ni tatay. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Pampa good vibes niya siguro sa akin."Eve, anak good luck sa exam" sabi naman ni nanay at niyakap pa ako.
"Salamat 'nay!" sabi ko "Kailangan mo ng panggastos bunso?" si tatay "Hindi na po, binigyan na ako ni nanay" napatango nalang si tatay at napatingin kay nanay. Hindi pa naman oldies ang mga parents ko. Actually they are on their early forties.
Ang tatay halata talagang inlove kay nanay. By the way he looks at her ay puno ng pagmamahal. Basta pag dating sa parents ko alam ko ang salitang pagmamahal pero kapag sa sarili ko blangko ako, ewan. Huwag ng pilitin basta iyon na iyon ah!
Paano kasi nahuhuli ko ito minsan na nakatitig kay nanay tapos mapapatingin siya sa akin tapos mahuhuli din niya akong nakatingin sa kanya at ngingisi haha! "Eww, 'tay!? Duh!" Ganyan ang madalas kong sabihin kapag nahuhuli ko siya at pagkatapos ay tatawanan lang niya ako.
"Nay, tay, alis na po ako. Dadaanan ko pa po si Nicky" tumayo na ako at muling humalik sa kanilang mga pisngi "Okay, ingat ka anak" tumango ako sa kanila nanay at lumabas na ng bahay.
Nasa school na kami ngayon ni bestie "Hindi na talaga tayo pinapansin ni Kris" sabi ni Nick. Nakita kasi namin ito na dumaan kasama ang mean girls. Mabuti nalang at hindi na nila ako ginulo simula noong ma-guidance kami. Hindi ko na rin sinabi pa kay bestie ang nangyari dahil baka resbakan pa niya ang tatlo at lumala pa ang sitwasyon.
And most of all, thanks to him, hindi ko na siya nakita simula noon. Miss mo? Busy iyon hayaan mo na, exam pati ngayon. Iyon ang isipin mo i-set aside mo muna iyan. Yes may tama ka na naman self. Nakarating na kami sa room.
Isang himala tahimik ang lahat, halatang mga tense. "May dumaan bang anghel Nick o nagkamali tayo ng room na napasukan?" "Hmn mukhang hindi naman tayo naliligaw, ito talaga ang room natin" ako naman ay parang detective na sinuri ang buong room.
Nag gesture pa ng baril sa kamay at inisa-isang tinutukan ang mga kaklase. Natawa ang iba kong kaklase na na-appreciate ang joke ko. Samantalang ang iba naman ay seryoso at hindi ngumingiti. Well I guess wa-epek ngayon ang sense of humor ko kasi ang iba ay tense talaga.
Sakto naman na dumating na ang aming teacher. Actually, ang aming adviser ang magbabantay sa amin sa buong duration ng exam. Sumisilip din naman ang ibang teacher namin sa ibang subjects pero saglit lang. Sasabihin lang nila ang mga instructions sa pagsagot sa test papers.
Minsan naman inuutos nalang nila sa mga estudyante ang paghahatid ng test papers. "Okay everyone! Your time starts now!" sabi ni teacher matapos maipamahagi ang test papers, this is it. Tahimik ang buong building. Lahat ay seryoso kapag ganitong may exams.
Maikli lang ang oras ngayon kasi exam. Eleven-thirty uwian na namin. Nag- snack lang kami kanina ni Nicky at ngayon nga ay patapos na kami. Apat na subject ngayon at bukas ay apat ulit. "Okay pass your papers" sabi ni mam.
Matapos ang itinakdang oras sa pagsusulit. Kung sino ang nasa huling upuan ay siyang unang magpapasa ng papel niya sa kaharap na kaklase. Hanggang sa makarating lahat ng papel sa harap at kung sino naman ang nasa unahan ay siya namang tagakolekta at iaabot sa teacher.
Minsan naman ay mismong si teacher na ang kumukuha sa mga estudyanteng nasa harapan na upuan. Hayyss natapos din. Bukas naman ulit, last nalang. Thank God nakaraos din sa unang araw ng pagsusulit.
"Pasyal tayo best?" aya ni Nic sa akin "Nah, bukas nalang pagkatapos ng test" tanggi ko. Tiyak na hindi naman kami mag-eenjoy dahil kailangan pa naming mag review para sa apat na subjects bukas. "Sige, tapusin nalang muna natin ang exam" sang-ayon ni Nic.
Naglalakad na kami palabas ng gate "Eve!" napalingon ako sa tumawag. Si Ali?! "Hatid na namin kayo" si Julian? Abah! Magkasama ang dalawa ah! Nagkatinginan kami ni bestie at napangiti sa isa't isa "Oo bah!" sabi ko. Miss ko na rin kasi si Pres Ali.
Gusto ko siyang maka bonding kahit sandali. "Kamusta ka na Eve? Hindi na kita nakausap after the prom, masyadong busy na" may lungkot sa boses niya ng sabihin niya iyon or parang regrets? Dahil ba hindi niya ako naihatid?
"I'm good pres, medyo busy din kasi di ba puro review at long tests plus mga projects. Ang dami talagang gawain after the prom" kwento ko na parang sobrang pagod talaga ako. "Yeah, specially at our sections mas maraming pinapagawa ang teachers" tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Tara! Bili tayo ng ice cream!" yaya ni Julian. Tutal mainit naman kaya pumayag kami ni bestie. Pumasok kami sa isang convenience store na malapit na rin sa sakayan ng jeep. May mangilan-ngilan na ding estudyante ang mga nakapila doon. Bumibili ng refreshments.
And guess what? Nandoon din sila Kristin at mean girls. Kapag sinuswerte ka nga naman kung sino pa iyong mga taong iniiwasan mo ay siya pang nagpapakita sa iyo. "Girls, look who's here. Dati ahas lang ngayon two-timer na" si nff1 na may kasama pang pagtirik ng mata.
Kahit mahina lang ang boses nito ay umabot pa rin iyon sa pandinig ko. Alam kong ako ang tinutukoy nila pero deadma nalang ako. "Hey shhh, lower your voice" mahinang sabi rin ni nff2. Nagbulungan pa silang tatlo habang pasulyap-sulyap sa amin.
Pumila sila Ali at Julian. Samantalang kami naman ay umupo nalang sa pandalawahang upuan na meron ang store na iyon. Nagsi-serve din ang store na iyon ng rice meal. Nakapila din ang apat, si Kristin at ang mean girls, bago may naka-dalawang pagitan sa kanila.
"Bakit ganyan si Kris? Nakakasama ng loob" himutok ni Nic "Ahh kasi Nic... pwede bukas nalang nating pag-usapan after the exam? Sasabihin ko sa iyo ang dahilan" tumingin ito sa akin ng may pagtataka sa mukha "Bakit hindi pa ngayon? Anon'g pagkaka-iba no'n? Gusto ko ngayon ko na malaman"
Sumeryoso ito pero hindi ako nagpatinag. "Kailangan ko ang iyong pang-unawa ngayon Nic, Bukas I promise you, sasabihin ko ang lahat" nagpapaunawa ang tingin na ibinigay ko sa kanya. Lumabas kami ng store na iyon na bitbit na aming kanya kanyang icecream.
Nagtungo kami sa waiting shed upang doon na ubusin ang aming icecream. "Bukas sabay ulit tayo ha?" hirit ni Julian, hindi muna kami sasakay ng jeep hangga't hindi nauubos ang icecream. Nagkatinginan kami ni bestie, agad pumasok sa isip ko na may pag-uusapan kami ni Nic bukas.
"Ahmn, pasensya na pero kasi may mahalaga kaming pag-uusapan bukas, importante. Siguro next week nalang okay?" Although alam kong magiging malabo na iyon kasi tapos na ang exam. Malamang ang iba niyan ay hindi na papasok.
Pero mga officers kami maaaring may ipapagawa pa sa amin ang mga guro. "Bestie, bukas ha tell me everything, nalulungkot din kasi ako sa inaasal ni Kris, kahit naman papaano ay napalapit na siya sa atin kaya gusto ko talagang malaman ang dahilan" sabi nito at yumakap pa sa akin.
"Makakaasa ka best" sabi ko habang mahinang tinatapik ang likod niya. Maya-maya ay bumaba na ito, tinanaw ko nalang siya habang papasok sa kanilang gate. Naisip ko na hindi ko dapat paglihiman ang aking bestie na simula pa noong pagkabata ay very supportive sa akin, she deserves to know.
**
Second day of exam. Bago mag-snack time ay may officer ng student council ang pumasok sa room namin "Eve, Monica and Kristin, may meeting mamaya after the exam sa office ng council. Pinapatawag lahat ng officers ni Mr. Krisologo" sabi nito sa amin.
Walang idea na in bad terms kami pero hindi ipinahalata. Pumunta na kami sa canteen para bumili ng snack. May thirty minutes break kami. "Curious ako sa meeting natin" si Nic habang sinusubo ang chips na binili at sinabayan din ng pag-inom ng softdrinks.
"Yeah sana good news" sagot ko naman. Bakit parang biglang may sumingit na lungkot sa isipan ko. Ano kaya itong nararamdaman ko? Parang may empty space. Ganito siguro talaga kapag patapos na ang exam.
Iyong last day na ay doon mo ramdam ang lahat ng pagod at paghihirap mo. Simula sa review hanggang sa mismong araw ng exam. Iyong last day na ay saka bubuhos lahat ng emotions mo. Na parang maiiyak ka na at gusto mong sumigaw ng "At last, natapos din!"
"Two more subjects to go! Malaya na tayo sa hell week! Yes!" sigaw ni Nic "Yeah!" Naki-cheer na rin ako with matching nakataas ang dalawang kamay habang nakakuyom ang kamao. Sign of victory...