Revealed

1797 Words
Chapter 19 Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang exam. Nagmamadali ng magpasa ang mga classmate ko ng test paper nila. Makikita mo halos sa mukha ng lahat ang relief. Parang mga nabunutan ng tinik sa dibdib hayyss. Thank God! Nagkayayaan pa ang iba sa City Mall sa San Nicolas na parang mga nakawala sa hawla kung kumilos dahil sa pagmamadali na makaalis. May naalala tuloy ako ng marinig ang mall na iyon. Niligpit na rin namin ni Nick ang mga gamit at lumabas ng room. Sabay kaming nagtungo sa office ng council. Excited na kami sa meeting, pagkapasok namin ay naroon na rin sina Ali at Julian. "Mabuti at narito na kayo" sinalubong kami ni Ali habang nasa likod naman niya si Julian. "Tara, nagreserve na kami ng upuan para sa ating apat" how thoughtful naman talaga ang dalawang ito. Kaya ng tingnan ko si Nic ay sobrang kinikilig. Abot hanggang bones. Nasa second row kami nakaupo, bandang kanan sa dulo. Napapagitnaan kami ng dalawang boys. Nasa kanan ko si Ali, sa kaliwa ko si Nic na katabi naman si Julian. Magsisimula na ang meeting. Inumpisahan ito sa panalangin, may naglead ng prayer. "Good morning everyone!" masiglang bati sa amin ni Mr. Principal. "May idea na ba kayo kung tungkol saan ang meeting ngayon?" walang sumagot "Anyone?" Nagkatinginan kaming magkakatabi. Nagkibit ng balikat ang iba bilang tugon. "I am giving you all a reward! Magkakaroon tayo ng swimming sa isa sa mga resort na pag-aari ng mga Zoriaga" Nang mabanggit ang apelyidong iyon ay kinabahan ako. Please sana po hindi siya iyon. Everyone cheered but not me. Masyadong occupied ang utak ko ng mga bagay tungkol sa kanya o sama ng loob ba iyon kasi matagal siyang hindi nagpakita? Almost three weeks, kaya ba ganito na lang kung kumabog ang puso ko? I need a distraction right now. Nagpapanic na ang utak ko. Wala akong maisip kundi ang katabi ko "Ali, sasama ka?" tulalang sabi ko habang dahan dahang tumitingin sa kanya. Napatingin din siya bigla sa akin ng may bakas ng pagtataka sa mukha dahil sa panginginig ang boses ko. "Are you alright?" Tanong niya "Namumutla ka" dugtong pa nito "Ha?" napanganga pa ako sa kanya sa nagtatanong na mga mata, obvious ba ang kaba ko? "May dala ka bang tubig?" nag-aalala niyang tanong sa akin "W–wala" kumurap-kurap pa ang mga mata ko sa kanya habang sinasabi iyon. "Bibili lang ako saglit, just wait here okay?" napatango ako. Hindi na namin halos maintindihan ang mga pinag-uusapan doon sa harapan. "Everyone meet the son of the owner and the new CEO of Zoriaga group, he's also studying in San Nicolas University, please welcome Mr. Adam Zoriaga!" Syett nilamon na ako ng kaba habang ang iba ay malakas na pumalakpak ng maipakilala ito. "Ali!" tawag ko sa kanya. Sana marinig ako. Laking pasasalamat ko ng lumingon ito sa akin sa nagtatanong na mga mata "Sama ako" humakbang siya pabalik sa akin at hinawakan ang braso upang igiya ako patayo at para maalalayan na rin sa paglalakad kasi parang pati tuhod ko ay nanghihina na rin. ** "Pasensiya kana Ali ha bigla kasing sumakit ang ulo ko. Ngayon ko lang yata naramdaman lahat ng pagod. I feel so exhausted. Nasobrahan yata ako sa pag-aaral" natatawa kong sabi. Nakatingin ako sa mukha niya. Nakapatong ang aking baba sa aking kamay habang nakatukod naman ang siko sa mesa. Nakapangalumbaba ako in short, na parang depressed talaga akong tingnan. Napangiti siya ng slight sa sinabi ko. Magkatabi kami ngayon dito sa upuan sa may bench sa ilalim ng puno. Hinawakan niya ang isang kamay ko na malayang nakapatong din sa ibabaw ng mesa. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi na nagreact. "Eve, lagi mong iingatan ang sarili mo, paano nalang kung magkasakit ka? Mas mahirap iyon" nakatitig na siya ngayon sa aking mga mata. "Who's sick?!" Omg! Nanigas ako sa kinauupuan ko. Sa boses palang ay alam ko na kung sino ito. Oh please...huwag ngayon. "Adam!" isang boses na naman ang aking narinig at alam ko rin kung kanino iyon, kay Kris. Para silang magkasintahan na may LQ waaah. Nagtataka kaming napatingin ni Ali sa kanilang dalawa. Inalis ko ang pagkakapatong ng baba ko sa kamay at si Ali naman ay inalis ang pagkakahawak sa kamay ko. "Eve, are you alright?" lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso, at dahan dahang itinayo. "Adam, I am telling you if Tita Amalia finds out about this, siguradong magagalit iyon!" galit na sabi ni Kris ng ganap ng makalapit. "Adam please, leave me alone" mas natakot yata siya sa sinabi ko kaysa sa sinabi ni Kris dahil nakita kong namilog ang mga mata niya at medyo napasinghap pa. "What are you saying, Eve?" nakita kong lumamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Pero nawala rin iyon ng nilingon ang aking katabi "Thank you for making Eve feel better" tumango pa ito ng sabihin iyon kay Ali "It's fine, anything for Eve will doesn't matter to me" sagot nito. Sa narinig ay nakipagsukatan ito ng titig kay Ali. Ako na lang tuloy ang nahiya dahil sa akin ay mukhang pag-iinitan pa niya si Ali. "Adam, what are you doing here?" singit ko para maputol na ang titigan nila. "I want to talk with you, Eve" tumingin ito kay Ali "In private" dagdag pa nito "Adam!" sigaw ni Kris na super OA (over acting) sa pandinig ko. Parang takot talaga siya na makapagsolo kami ni Adam. Napalingon kaming tatlo sa kanya dahil sa lakas ng sigaw niya. Bakit kaya ganito na si Kris ngayon? Sila na ba? Ang possesive niya ah "Kristin, will you please stop shouting at me!" may gigil sa boses nito habang nakatitig ng masama kay Kris. "But Tita said that you should stop talking with her or seeing her either" kalmado na ito this time. "For what? Go home now Tin and stop bothering me! You're desperate and a nagger!" Nabigla ito sa sinabi ni Adam at napayuko nalang dahil sa pagkapahiya. Tinalikuran siya ni Adam na humarap naman muli sa akin. Nang makabawi si Kris ay muli niyang inangat ang mukha. Sakto namang nagkasalubong ang mga tingin namin at saglit na nagkatitigan. Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin at parang maiiyak na. Yumuko nalang ako, para hindi ko makita ang sakit sa mga mata niya, hindi ko kaya. Alam ko na masama ang loob niya sa akin. Ako ang tunay na dahilan kung bakit nararanasan niya ito ngayon. I know her feelings towards Adam, pero bakit ganoon? Bakit hinahayaan ko pa rin ang lalaking ito sa paglapit sa akin? Kung bakit naman kasi hindi makita ng lalaking ito na may pagtingin sa kanya si Kristin, bulag ba ito? Kung pwede ko lang maibalik sa dati ang lahat ay ginawa ko na. Patawad Kris... hindi ko alam na si Adam ang iyong nagugustuhan at maaaring ngayon ay mahal mo na rin... "Hindi mo dapat sinabi iyon kay Kris" pangaral ko dito. Nakaupo na kami sa bench ngayon. Umalis na muna sina Ali at Kris dahil naki-usap si Adam na gusto niya akong maka-usap ng sarilinan. "I didn't know neither, maybe I'm just sick of her" iyon ang katwiran niya. "Why? What's wrong with that? She was just concern about you" sabi ko "No! You don't know it all. It's about my mom, she...she want her to be my–ahhh no! It can't be! I won't allow it to happen! Trust me" hindi ko maintindihan pero pursigido siyang baguhin kung ano ang nakatakda na mangyari sa kanila ni Kris. Huminga ako ng malalim, kahit hindi niya sabihin ay alam ko na kung ano iyon "Why not?" lakas loob kong tanong "No.way. Let's not talk about her" madiing bigkas niya. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. "Eve, can we eat lunch together?" maya maya ay sabi niya na tumingin pa sa relo sa bisig. Napansin ko na tanghalian na pala. Dapat ay nasa bahay na ako ngayon at nagpapahinga. Baka hinihintay na ako ni nanay. Pero alam naman ni nanay na katatapos lang ng exam at maaaring may ipagawa pa ang teacher namin tulad ng pagtse-check ng test paper ng mga estudyante sa iba't ibang section. "Paano si Kris? Baka hinihintay ka niya" iniisip ko ito kanina pa kaya gusto ko ng tapusin ang pag-uusap na ito. "I don't care about her. Eve, all I want is to be with you alone... I miss you so damn much that I want to hold you in my arms right now. Even with these people around" napangiti ako sa mga sinabi niya. Hindi ko pa agad na-absorb ang ibig niyang sabihin. Kaya naman namilog ang mga mata ko ng matanto iyon "Don't you dare!" napangisi naman siya sa sinabi ko. ** "Nick, niyaya niya akong mag-lunch gusto mong sumama?" nagpaalam ako kay Adam na babalik muna sa office ng council upang yayain si Nic na sumama "Hindi na, baka maka-istorbo lang ako doon sa privacy ninyo" nakangiti nitong sabi. Medyo kinikilig pa pero huwag ka may kasamang pag-irap iyon. "Paano ang usapan natin? Di ba promise ko sa iyo na ngayon ko sasabihin ang tungkol kay Kris?" hininaan ko ang boses ng banggitin ko ang pangalan nito. Hinila ko sa isang sulok si Nic para siguradong walang makakarinig sa amin. "Parang alam ko na bestie kung bakit nagkakaganoon si Kris. Gets ko na" malungkot nitong sabi. "Ha? Paano? I mean hindi ko pa naman sinasabi ah" nagtataka ako kung paano niya nalaman o sadyang mabilis lang ang pick-up nito? "Nakita ko best. Nang umalis kayo ni Ali kanina ay nagmamadali rin si Adam na sundan kayo. Halos hindi pa nga niya nasisimulan ang mga sasabihin niya. Nagpaalam nalang bigla kay Mr. Krisologo, kaya si sir nalang ang nagtuloy ng mga sasabihin niya dapat. There, I get an idea dahil sumunod din si Kris at nagtalo sila ng konti habang palabas. That revealed the story. Kris has a thing for Adam. You know how my mind works right?" napatango ako sa sinabi ni best. Kakaiba talaga siya nangingibabaw ang pagka-witch haha! "Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Adam bestie?" tanong nito sa akin "Hindi ko rin alam best. All I know is hindi ko siya kayang tanggihan" malumanay kong sabi dito. "Kung wala naman, sana hayaan mo nalang sila ni Kris" medyo lumungkot ang boses niya pagkasabi niyon. Siguro labag din sa kalooban ang sinabi. "Concern lang ako sa iyo best, nag-aalala ako na baka sa bandang huli ay masaktan ka lang" dugtong pa nito. Nakikisimpatya ang mga tinging ipinukol niya sa akin kaya napayuko ako "Alam ko bestie, alam ko kung saan ako dapat lumugar. Pero kasi hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya kayang iwasan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD