Chapter 38 Ganito rin si Adam noong nakaraan, noong magselos siya dahil may lalaking humalik sa akin at kitang-kita niya pala kami. Hindi ko napansin ang nakaparada niyang sasakyan sa malayo. Si Charlie ang kasama ko noon at humalik sa akin. Hindi lang niya nakilala kasi madilim noon. Sa takot ko ay hinawakan ko sa kamay si Charlie kaya nilingon niya ako "Ta-tara na, h-hatid mo na ako" sabi ko na medyo nanginginig ang boses. Naramdaman yata niya kaya pinisil niya ang palad ko. "I'm the boyfriend, kaya ako ang dapat na maghatid" sabi nito at muling sinalubong ang mga titig ni Adam "And what about Kris? Hindi mo ba siya ihahatid? Siya ang fiancee mo" sabi nito na tumingin saglit kay Kris "She has her car and her driver, so, don't worry that she can't go home" Napahiya si Kris sa sinabi

