Chapter 37 Itinaas ni Charlie ang isang kamay para makita siya agad ng mga ka-brunch date niya today. "They are family friend, matagal ng magkaibigan ang mga pamilya namin, mga kaibigan ko sila though bihira na lang kami magkita, ipapakilala kita" mahinang sabi niya sa akin, ngumiti lang ako bilang tugon. "Hey man!" nag-bump fist pa ang mga ito "Hello Charlie" sabi naman ng babae na nagbeso pa sa kanya. The voice were familiar, actually the two voices were familiar. Umangat ang tingin ko sa lalaking bumati sa kanya, Oh my! hindi ako makagalaw sa pagkagulat. Bakit dito pa? At bakit ngayon pa? Agad-agad magkikita kami? Ang bilis naman! Hindi ako makapaniwala, this is an opportunity, ngayon ko na ba isasagawa ang mga plano ko? Huwag muna Eve...maghunos dili ka. "Eve..." halos bulong na lang

