Chapter 36 "It's okay Eve, I can spare my time with you, anyway, what can I do for you?" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya, umiral ang hiya at parang gusto ko na lang umuwi. "Ahmn, huwag na lang kaya, It's complicated, I think next time na lang when you're not busy" "Are you sure? Why not today? I'm here fresh and blood" napangiti ako sa sinabi niya, nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba o hindi "Don't hesitate, come on tell me" he encouraged. Nag-aalangan na talaga ako, kanina gusto ko na pero ngayon umaatras ako. Naisip ko kasi na hindi ko pa siya lubusang kilala para pagkatiwalaan ng mga problema ko. At saka nakakahiya din kasi, kakakilala ko pa lang sa kanya ay hihingi agad ako ng pabor...grabe ka Eve, mahiya ka naman. Humarap ako sa kanya,

