Cellphone

1902 Words
Chapter 21 Beef Caldereta with rice, mashed potato, and corn muffins! Iyan ang mga inorder niya. Pagkalatag niya ng mga pagkain sa lamesa ay nagtungo siya sa ref para kumuha ng white wine at sparkling soda. Nang maayos na ang lahat ay kumain na kami. "Eve, Do you have a phone?" he ask while we eat "No" maikli kong sagot "Why? How can I call you?" tanong niya ulit "You don't have to call me" sabi ko "But I want to hear your voice everyday. How can we talk if you don't have a phone?" Ang laki ng problema niya ha! Ayoko ng cellphone noon pa. Kontento ako na wala iyon. "I can't come here often love, specially right now that my father appointed me as the new CEO of the company" nagkibit-balikat nalang ako, it's not my problem anymore. "I will buy you a phone" suggest niya "No way! Ano ka sugar daddy ko? Palagi mo nalang akong binibilhan ng kung anu-ano" pairap kong sabi sa kanya "Anything Eve, I will provide anything or everything just for you" napabuntong- hininga na lamang ako sa sinabi niya. Hangga't maaari ayaw ko ng binibilhan niya ako ng kung ano ang maisipan niya para sa akin. Ayokong masanay sa kanya, ayoko siyang abusuhin. "No need Adam, I really don't need it. If you want I will give you my father's phone number for you to call me?" tumitig siya sa akin ng sabihin ko iyon. "Seriously? You want me to die, that fast?" napahagalpak ako ng tawa sa sagot niya sa akin. May sense of humor din pala ang loko, takot din pala sa tatay ko waaahaha "I'm serious Eve, I will buy you a phone" ang kulit! Paulit-ulit "And how can I explain that to my parents? Wala pa akong trabaho para makabili ng phone" katwiran ko sa kanya. Tumahimik siya at nag-isip, pagkatapos ay sinabi. "Do you want me to give you a car and a body guard instead? Huh?!" "Ano?! Are you insane?!" Nanlaki ang mata ko at napalakas ang boses. Ano na naman kaya ang pumasok sa utak nito at nakaisip ng ganoon. "Hmp! You always doing that! It's not fair" "Doing what?" maang-maangan pa ito, ni-reverse psychology ako eh. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa Mall para bumili ng cellphone "What kind of unit do you like?" he ask pero irap lang ang sinagot ko kaya tumawa ang loko. "Anything but a cheaper brand" wala talaga akong kagana-gana. Bahala na, basta kailangang maitago ko ang phone kay nanay at tatay. Siempre hindi pa rin ako ang nasunod, mamahaling phone pa rin ang binili niya. Pinalagyan pa niya ito ng case at tempered glass. Binilhan din niya ako ng sling bag na kasya ang phone at wallet. Umupo kami sa isang bench matapos makabili "I will put my number here–nah! Maybe I should put your number first on my list" parang shunga ito na nagsasalita mag-isa, bahala.siya.diyan. bad trip ako ayaw ko siyang kausapin. "There, done!" sabay abot sa akin ng phone na binili niya. Tiningnan ko muna ito ng masama. Naging apoy ito sa paningin ko na kung hahawakan ko ay siguradong mapapaso ako. Inirapan ko ulit siya habang inaabot ang phone. "Hey, don't get mad. I am doing this so that I can check out on you in case of something happened" "Whatever!" natawa na naman siya kasi tumirik ang eyeballs ko, kinurot nalang niya ang pisngi ko. "You're so cute" binola pa ako. Tiningnan ko ang oras, alas-kuatro na pala "Ihatid mo na ako pauwi baka magtaka na si nanay kung bakit wala pa ako sa bahay" biglang gumuhit ang lungkot sa mukha niya. Pero sumunod naman siya. Naglakad na kami palabas ng mall at nagtungo sa kanyang sasakyan. Tahimik kaming nagbiyahe. Nandito na kami ngayon malapit sa kanto ng Bangga Baybay. As usual medyo malayo kami sa kanto."Thanks for this" itinaas ko ang paper bag kung saan nakalagay ang cellphone at sling bag na binili niya. "But no thanks kasi ikaw naman talaga ang may gusto nito e, sige na, I'll go ahead bye!" Nagmamadali na akong lumabas pero nahawakan niya ang braso ko "Wait!" hinila niya ako at biglang hinalikan sa labi...matagal... Tinatanggal niya ang pagkakahugpong ng seatbelt ko at ipinalit doon ang mga kamay niyang sabik na yakapin ako. Naghiwalay kami para makakuha ng hangin. Sapat na siguro iyon dahil halos pangapusan na ako na hininga mabuti nalang at huminto siya. "Always remember the things I've been telling you okay?" tumingin ako sa mga mata niya at tumango. "Take care for me, love" then he kiss the top of my head down to my nose, cheeks and back to my lips again. "So sad, we've always been running out of time. But with a li'l faith, I promise to spend my whole time with you" hindi ako umimik mas gusto ko ang pakiramdam ng nakayakap ako sa kanya ngayon. Pinapakinggan ang t***k ng puso niya. Oh oras...bakit sadyang napakabilis mo? Inaamin ko na gusto ko rin na humaba pa ang pag-uusap namin para makilala ang bawat isa. Nakababa na ako sa kanyang sasakyan. Pero feeling ko naiwan pa sa loob niyon ang aking puso at diwa. Binilisan ko nalang ang paglalakad dahil baka magbago pa ang isip ko at balikan siya. Nagdidilig na ng kanyang mga halaman si nanay ng dumating ako. Ito ang madalas niyang gawin tuwing hapon. Lumapit ako dito at yumakap "Kamusta ang exams?" tanong agad nito ng humarap sa akin "Okay naman po" medyo matamlay kong sabi "Sige na magbihis ka na at magpahinga, mukhang napagod ka" natawa ito habang hinahagod ang buhok ko "Sige po" at humakbang na ako papasok ng bahay. Kinagabihan ay tumawag si Adam sa akin "Bakit?!" Iyon agad ang bungad ko sa mahinang boses. Naiinis ako mabuti nalang at naka-vibrate ang phone. Hindi ko nilagyan ng tone para hindi makakuha ng atensyon. "I miss you" he said then I heard him sigh. "Please Adam kung wala ka namang importanteng sasabihin ay text text nalang, okay?!" mahina lang ang boses ko. Mabuti at nasa baba pa sila nanay. "I'd rather call than to text you love, I want to hear you voice" hindi ako nakaimik. "Hey, are you still there?" nagtatakang tanong niya akala yata iniwan ko na waah "Yes, what are you doing?" iyon nalang ang naisip kong itanong "Thinking of you..." huh! Nabigla yata ang puso ko. Potek! Kinilig ako waahh "What?" Gusto kong ulitin niya ang sinabi. Napapangiti talaga ako nito. "Nevermind" he chuckled. Hindi ko na siya kinulit at iniba nalang ang topic "By the way, you are taking up Business Ad, right?" "Yes" sagot niya "Ah, I thought Engineering like Kuya Mateo" sabi ko "Why? Do you prefer a guy with an Engineering course?!" huh! Ano na namang himig yan. Iisipin ko talagang nagseselos siya sa tono ng pananalita niya e. Pero siempre hindi ko sasabihin iyon "Huh! No, I was just asking. I thought you two have the same course" iyon talaga ang point ko "Yeah, of course, let's forget about Mat" parang nagkaroon siya bigla ng mood swings. "Okay, maybe we end the call now" nang-iinis na sabi ko kunwari "Hell no! Eve! I have something to tell you" hayys taong ito. Natatawa nalang ako, tinatakpan ko ang bibig upang hindi matawa at hindi mahalatang joke lang naman ang lahat. "What about?" seryoso ang tinig ko ngayon. "About the Student Council's forthcoming swimming, you're coming right?" kuuhh oo nga pala "Maybe? I didn't know the details yet. I will ask Nicky tomorrow" mabuti pinaalala niya. Halos makalimutan ko na dahil sa cellphone na yan! "I'm planning to give the council a free accomodation at our resort" kung magsalita akala mo tatakbo sa eleksiyon. Ang dami kaya namin tapos libre lang "I have no say on that, but then I will ask Nicky first" "Okay" ang tipid ng sagot "Ano may sasabihin ka pa?" naiinip na ako. Gusto ko ng ibaba ang tawag na ito at baka umakyat na sila nanay dito sa taas. Siguradong magtataka kung bakit nagsasalita ako ng mag-isa. I heard him sigh, ang tagal sumagot mahirap ba ang tanong ko? "Eve" pangalan ko lang ang sinabi niya. "Yes?" "I will have a tight schedule next week and might even come to Manila" medyo na-allert ako sa sinabi niya pero kunwari wala.ako. paki.hmp! "And?" I maintain my serious voice as in nakikinig talaga ako sa mga sinasabi niya. "I will miss you, always bring your phone with you. I will call anytime, okay?" bilin niya sa akin. Tumango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita "Sige, sinabi mo e" kahit papaano ay nalungkot din ako sa nalaman. Siguro tapos na rin siyang mag-take ng finals kaya magma-Manila. "Sagot lahat ni Adam best!" masayang balita sa akin ni Nicky kinabukasan. "Huh?! Bakit naman? Di ba ang school natin dapat ang magpo-provide?" takang tanong ko "Yes, pero si Adam na mismo ang nagsabi na wala na daw dapat alalahanin. Kaya nga tuwang-tuwa si Mr. Krisologo" paliwanag ni Nic. "Ah okay" napaisip na naman ako. Ang galante talaga niya...bakit mahuhulog ka na ba Eve? Huh? Hindi pwede! Napakurap ang mata ko sa naisip, napatingin si Nicky sa akin "Bakit?" tanong niya "Ah wala, kailan pala ang swimming natin?" tanong ko. Baka kulitin ako nito kung ano ang iniisip ko mahirap na waah. "On Wednesday, 7am ang call time. So by six, alis na tayo dito" tumango tango ako "Gusto nga ni Adam two days accomodation pero tumanggi ang ating principal. Tama na daw iyong uuwi tayo sa hapon" dugtong ni Nic. Nanghihinayang sa offer ni Adam. Nag-vibrate ang phone ko. Kakaakyat ko lang sa kwarto "Hello" sabi ko "Eve..." narinig ko na naman ang malungkot niyang tinig "Yes?" Hindi siya sumagot "Adam? May problema ba?" tanong ko "I miss you love...if only I could bring you everytime I go, then I would" Napalunok ako sa sinabi niya, parang may nagbara sa lalamunan ko. Tumikhim muna ako para mawala iyon bago magsalita "Where are you? Nasa Manila ka na ba?" I ask "Yes" sagot niya "Please don't be sad. You can call me anytime you want. I promise to bring my phone so that in case you miss me–" binitin ko ang sinasabi. "Hear me, Ehem" kunwari ay may inaalis ako na nakabara sa lalamunan ko para kumuha ng magandang tono "I'm only one call away... I'll be there to save the day... Superman got nothing on me... I'm only one call awayyy" Pumiyok pa ako sa bandang huli kaya humagalpak siya ng tawa sa kabilang linya, hala, nabaliw na yata. Hinintay ko muna na humupa siya sa katatawa bago ako nagsalita "Wala ka bang bilib sa boses ko?" Natawa na naman siya "Adam!" kunwari ay naiinis na ako pero ang totoo masaya din ako kasi napatawa ko siya. "Yes? Ahmn love, it's good! Your voice was good, I'm impressed" pero tawa pa rin siya ng tawa kaya naasar ako "Hmp! Hindi na nga ako kakanta, I will never ever sing a song for you again, tseh!" Natatawa na naman siya pero pilit din na pinapaseryoso ang boses "No love, I won't get tired of your voice specially when you sing. You have a quality and unique voice that I've ever heard in my whole life. From now on I will be your number one fan" hmp! Bolero, pero deep inside kinikilig ako, haha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD