Isabela
After i-anounce nang judge na hindi guilty si Mr Valdez ay napangiti na ako. Ang kaninang kaba ko ay napalitan na ng saya. Another success for my carreer. Nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin nang mahigpit at panay ang pasasalamat nito. Nang makita kong si Mr Valdez ito ay tinapik ko lang ang likod nito at nginitian.
"I just want to celebrate this day. Dahil sa'yo, nalinis ang maruming imahe na tinatak nila sa utak ng mga tao. It's all in me. Kahit sino ang gusto mong isama ay ayos lang. Bring all your friends with you, ako ang bahala." masayang sabi nito nang tuluyan na itong kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Okay, sabi mo, eh. I'll be bringing my team and my friends. Huwag kang magulat kasi madami sila." sambit ko.
"It's okay. The more, the merrier, Atty." nakangiting sabi nito sa akin. Kinuha ko ang attache case ko at humarap sa kabilang panig. Nakipagkamay ako sa abogado nila na agad naman nitong tinanggap. Pagkatapos nun ay sabay-sabay na kaming lumabas ng court room nina Mr Valdez at iba ko pang kasama.
Dahil maaga pa ay kailangan ko munang umuwi. Magpapahinga muna ako at magbibihis para mamayang gabi. Inihatid naman ako ni Mr Valdez at Lewis sa aking sasakyan. Nang makapasok na ako ay nagpasalamat ako sa dalawa at huling tumingin kay Lewis.
"Ikaw na bahala magsabi sa team natin. Pati na din si Judge Owen at ang girlfriend nito. Magkita na lang tayo sa..." nang maalala ko na hindi ko pa pala alam kung saan ang punta namin ay napatingin ako kay Mr Valdez. Napansin naman nito ang ibig kong sabihin kaya siya na ang nagtuloy ng sinabi ko.
"Fourth Dungeon Bar, sa may Timog. We will be there with my friends at seven. Hintayin na lang namin kayo." nakangiting sabi nito na tinanguan ko lang.
"Narinig mo naman siguro 'yon, Lewis. Ayoko 'yong tatawag ka na naman sa akin dahil nakalimutan mo kung saan. One call from you para magtanong. Sinasabi ko sa'yo, I would rather lie down on my bed than to go. I'm serious." nakita kong napakamot ito sa kanyang batok habang nakapeace sign.
"Noted, Atty!" sumaludo ito sa akin.
"Okay, bye. Mauna na ako, see you." sabi ko bago ko itinaas ang bintana ng kotse at paandarin na ito paalis. Nakita ko pa sa side mirrot ko na nakatayo silang dalawa at nakatingin sa papaalis kong sasakyan.
Bumalik na lang ang tingin ko sa daanan at tinungo ang daan pauwi. Pagdating ko sa bahay ay si Inang ang naabutan ko. Agad akong lumapit dito nang nakangiti at humalik sa kanyang pisngi.
"Ang saya ata ng anak ko ngayon." nakangiting tanong ni Inang sa akin.
"Siyempre naman, Inang. Naipanalo na naman ng anak niyong abogado ang kasong hawak niya. Nanalo kami Inang at ang saya ko." tuwang tuwa na sabi ko kay Inang. Nakita ko namang proud itong ngumiti sa akin.
"Ang layo na ng narating mo, Isabela. Proud na proud ako sa'yo. Kung andito lang ang Tatang niyo, paniguradong proud din siya sa inyong magkakapatid." hinaplos nito ang pisngi ko at niyakap ako. "Magluluto ako ng pancit, anak. Magcecelebrate tayo."
Napanguso ako, "Inang bukas na lang po. Magcecelebrate kasi kami sa labas at gastos po ng kliyente ko. Kasama po lahat ng kateam ko sa firm." sabi ko.
"Sige, bukas na lang anak. Dadagdagan ko pa ang iluluto ko. Sasabihan ko din ang mga kapatid mo para hindi sila lumabas bukas." masayang sani ni Inang nanikinangiti ko.
"Gustong gusto ko 'yan Inang. Kung wala lang akong lakad ngayon ay gugustuhin kong dumito na lang. Huwag na lang kaya akong pumunta doon, Inang. Hindi naman ako umiinom ng alak, eh." nag-iisip na sabi ko kay Inang na ikinaani ko ng pitik sa aking noo.
"Aray naman, Inang." nakangiwing sambit ko.
"Pumunta ka doon sa party niyo. Huwag kang ganyan anak. Ikaw ang abogado niya tapos hindi ka pupunta. Ano na lang ang mararamdaman ng kliyente mo kung hindi ka niya nakita doon. Thanks giving 'yon, Anak na para sa'yo tapos hindi ka pupunta." panenermon nito sa akin.
"Oo na po, Inang. Aakyat na po muna ako para magpahinga. Mamayang seven pa naman ang party kaya makakapagpahinga pa ako." paalam ko kay Inang na tinanguan niya.
"Sige akyat ka na, Anak. Babalik muna ako ng kusina para magluto." niyakap ko muna si Inang at humalik sa pisngi nito bago ako nakangiting umakyat ng hagdan at pumasok sa aking kuwarto.
Nakangiti akong humiga sa aking kama. "Another success again. Tatang para po sa inyo lahat ng ito." sambit ko habang nakatingin sa kisame. Naalala ko kasi lahat ng sakripisyo ni Tatang noong nabubuhay pa ito. Kahit sa pamamagitan lang ng pagiging successful ko, ang maisukli ko sa lahat ng 'yon. At gusto ko ring ipakita kay Ate Katherina na worth it ang pagtatrabho nito ng malayo sa amin dahil heto ako ngayon. Sikat at pinipilahang abogado sa Pilipinas.
Ini-alarm ko muna ang phone ko bago ko tinanggal ang heels ko at humiga sa kama. Wala pang ilang minuto akong sumuot sa kumot ng pumipikit na ang aking mata. Wala pa kasi akong matinong tulog simula pa noong isang araw. Nakatulog akong may ngiti sa aking mga labi.
Nagising ako sa tuloy-tuloy na pagtunog ng aking phone. Sigurado akong hindi alarm 'yon dahil special ringtone 'yon para kay Lewis. Tinatamad kong kinuha ang phone ko sa side table at sinagot ito.
"I told you, I'm not going there if you call me to ask where it was, Lewis. You ruin my sleep." iritadong sambit ko dito.
"Ehemmm! Just in case you lost time, Atty Isabela Macabagbag. Your an hour late. Ikaw na lang po ang kulang." dahil sa sinabi nito ay napamulat ako at napatingin sa oras sa phone ko.
"Damn! Masyadong napasarap ang tulog ko. I'll be there in a bit. Sorry," hinging paumanhin ko at mabilis na pinatay ang tawag at nagmamadaling pumasok sa banyo.
Mabilisan akong naligo at nagmamadaling nagtungo sa dresser ko. Kumuha na lang ako ng kahit anong dress na makuha ko at pati sapatos na din. Mabilis akong nagbihis habang bitbit ko ang heels ko palabas ng dresser. Umupo ako sa upuan at sinuot na ang heels ko. Humarap ako sa salamin at blinower ang aking buhok at hinayaan na lang itong nakalugay. Nag-apply lang ako ng konting pressed powder at lipstick.
Nang makita kong maayos na ang hitsura ko, mabilis kong hinablot ang bag at phone ko sa side table bago nagmadaling lumabas ng kuwarto.
Si Ate Katherina ang nadatnan ko sa salas na nanonood. Mabilis akong humalik dito at nagmamadaling nagpaalam. Kumakaway pa ako habang mabilis na naglalakad palabas ng bahay. Sasakay na sana ako sa sasakyan ko ng mapatampal ako sa aking noo.
"I forgot my key! f**k! Ngayon pa bang nagmamadali ako. Kainis naman!" maktol ko. Imbes na bumalik pa sa loob ay mas pinili ko na lang magpatawag ng taxi. Ilang minuto lang ng dumating na ang taxi at lulan na ako nito patungo sa bar.
Pagdating ko doon, kompleto na silang lahat at ako na lang talaga ang kulang. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila.
"The sleeping beauty is here. Buti naman at hindi mo kami pinaghintay ng matagal?" nakangiting sabi ni Lewis na inirapan ko lang.
"I'm sorry. I didn't hear my alarm clock. Nasobrahan ako sa pagtulog." hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. Napatingin ako kay Mr Valdez ng magsalita ito.
"Akala ko ay hindi ka na pupunta. Para pa mandin ito sa'yo." nakangiting sabi niya.
"I'm sorry, Mr Valdez. Hindi naman ako nang-iindiyan kaya huwag kang mag-alala." nakangiting sabi ko dito.
"I'm not your client anymore, Isabela. Caine will be much better."
I sigh and smile. "Okay, if you say so. Saan ako uupo? It seems na walang bakanteng upuan?" nakangiwing tanong ko sa kanila na agad namang ikinatayo ni Caine.
"Dito ka na lang. Magpapakuha na lang ako ng isa pang upuan." sabi nito. Naglakad naman ako palapit sa kanya at agad na umupo.
"What do we have here?" tanong ko habang tinitignan ang alak sa harapan namin.
"Ngayon ka lang iinom kaya dapat fair lahat. Kung ano ang nasa harap natin, 'yon ang iinumin nating lahat. No buts." deklara ni Lewis na ikinalunok ko. Lahat ng drinks sa harapan namin was a hard drinks. Baka kung saan ako pulutin nito. Buti na lang at iniwan ko ang aking sasakyan.
"O--kay." pagsang ayon ko pero makikita mo ang pag-ngiwi sa aking mukha. Napatingin ako sa aking tabi nang may mag -ayos ng upuan at tinabihan ako.
"At dahil late ka ng isang oras at kalahati. You should finish this in an instant." seryosong saad ni Lewis na sinang-ayunan ng lahat. Nakita kong sinasalinan nito ng alak ang baso. Nang mapuno niti iyon ay agad nitong iniabot sa akin.
"Hindi kaya ako maknock down agad dito? Sinasamantala mo ang pagkakataon, Lewis, ha. Humanda ka sa akin kapag hindi ako nakabangon nito." inirapan ko siya. They all cheered for me habang nakatitig ako sa isang baso na punong-puno ng alak. My God! Kaya ko ba ito?
Uminom ako ng konti at napangiwi. "f**k! Is this even allowed to be drink. It taste poison!" bulalas ko at ibinaba sa mesa ang baso. Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko.
"Ganyan talaga 'yan, Isabela. After how many shots. Mawawala din 'yang pait na 'yan. You have to drink it all to be fair." kumindat pa ito at dumukwang para kunin ang alak sa harap ko at iabot sa'kin.
Huminga muna ako ng malalim, "Goodluck to me." kinakabahang bulalas ko at ininom ng diretso ang alak." nang maubos ko, halos ubuhin ako habang nakangiwi.
"Drink this to erase the bitter taste." napatingin ako sa basong ini-aabot sa akin ni Caine. Agad ko namang kinuha ito at ininom. Tama ito, nawala ang pait na nalasahan ko. Pwede naman palang may pantulak sa alak na 'yon, eh.
"Thank you, can I have another glass of this. Parang 'di ko kakayanin kapag plain ang iinumin ko, eh." request ko dito na ikinangiti niya.
"Sure, Isabela." pagsang-ayon nito at tumawag ng waiter. Nang lumapit ito ay agad itong nag-order ng isang pitsel ng juice na 'yon. I smile at him dahil nakita ko ang concern sa mata nito.
"Thank you so much."
"Maliit na bagay lang 'yan kumpara sa nagawa mo sa akin. Kung hindi mo kaya ay pwede ka namang hindi uminom." sabi nito na inilingan ko.
"That's not fair. Ako ang nagtawag sa mga 'yan. Hindi papayag ang mga 'yan kung hindi ako iinom. I know them all. Kaya ko naman. Just incase na malasing ko. Andiyan naman si Lewis na maghahatid sa akin." sabi ko at tumingin sa umiinom na Lewis sa katapat ko. "Di ba, Mr Braganza?"
Nagulat pa ito ng tinawag ko siya. "Oo nalang kahit hindi ko naman narinig ang sinabi mo." sagot nito at uminom sa alak niya. Napailing na lang ako.
"Sabi ko ipaparape kita kay Anya mamaya." tumatawang sambit ko na ikinalaki ng kanyang mga mata at nagprotesta.
"Aba! Hindi na kita ihahatid kapag nalasing ka! Sinasabi ko sa'yo! Bahala ka diyan!" sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko.
"Hindi na ito mabiro. Joke lang, 'di bale wala ka namang magiging problema kay Anya. She's beautiful, hot, magaling ding abohado katulad natin. Matagal nang may gusto sa'yo. Ano pa bang hahanapin mo?" tanong ko dito. Anya is a close friend of us. Hindi daw ito makakasama dahil may lakad daw sila ng pamilya niya.
"Tsk!" inis na sabi nito at hindi na ito tumingin sa akin. He's pissed, si Anya lang ang nakakapagpagalit dito ng sobra. "Stop that nonsence, Isabela. Kung ayaw mong magwalk out ako." iritadong sabi nito na ikinataas ko ng aking kamay na parang sumusuko.
"Okay, okay, relax. Wala kang kaaway, Lewis. Ang OA mo. Uminon na nga lang tayo." suhestiyon ko dito at kinuha ang baso kong may laman na naman pero this time ay hindi na puno.
We drink and drink and drink. Hindi ko na namamalayang lasing na pala ako. I just feel that I enjoyed the night. Akala ko ay hindi pa ako lasing dahil hindi pa naman ako nahihilo. But when I stand para pumunta ng CR, napaupo agad ako dahil naramdaman ko ang pagkahilo ko. f**k! Ito na ata ang tama ng alak na 'yan. Kaya ko pa ba? Ang plano kong paggamit ng restroom ay naantala nang abutan na naman ako ni Zamara ng alak. Agad ko naman itong kinuha at nakipagcheers pa dito bago inisang lagok ang laman. Bahala na si Batman mamaya.