Isabela
We were playing a truth or dare game. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan kami ng may-ari na mag ingay dito. Madami namang tao sa paligid pero parang wala silang paki. Nang tumigil ang nguso ng botelya sa akin ay napachuckle ako.
"It seems that our beloved Attorney is in the hot seat now. So, Attorney? Is it a truth or a dare?" nakangising tanong ni Zamara sa akin.
"Hmmm... I'd go for truth, ayokong pasayawin niyo ako." I laughed and waited for the question. Ayokong magaya sa iba na pinasayaw sa gitna ng dance floor. So embarassing.
"So who's gonna ask?" taas kamay na tanong ni Zamara sa mga kasama namin.
"I will!" nakangising sigaw ni Lewis.
"I'm warning you Braganza, be nice to me. Ayusin mo ang itatanong mo sa akin." babala ko dito at sinamaan siya nang tingin na tinawanan niya lamang.
"Here it is, it's just a simple question to ask. Madali lang para sa iyong sagutin ito." panimula nito then paused for a bit. "What wedding will you prefer to have?" he asked. Napaisip naman ako sa tinanong nito.
"Nah, I'm not planning to be wed soon. So, I wouldn't answer that." tinaas ko pa ang kamay ko para patigilin sila.
"That's unfair, Isabela!" reklamo nilang lahat na ikinatawa ko. "Kung hindi mo sasagutin, it's better for you to do the dare." dagdag pa nila. No way on earth na sasayaw ako diyan.
"Stop!" pinatigil ko ulit sila sa pagrereklamo at nagsalita ulit. "Okay, I'll answer. I would love to wed in any places basta midnight. Yung saktong sasapit na ang alas dose at mag-a-I do kami sa isa't isa. That would be the best and perfect wedding for me." sagot ko sa tanong nila. Napansin ko na hindi sila makapaniwala sa sinagot ko.
"That's ridiculous! Sino naman ang magpapakasal sa alas doseng 'yan. Cinderella lang ang peg, Isabela?" tumatawang sambit ni Lewis. Tumingin ako dito at inirapan siya. Ngayong sumagot ako, hindi naman sila naniniwala. Kaloka mga 'to.
"It was a very fantastic, exciting and adventurous wedding, diba, guys?" tanong ko sa mga kasama ko. Kung hindi umiiling, o kaya naman ay nakangiwi, karamihan sa kanila ay nag-iiwas nang tingin sa akin. Napatingin ako sa nakangiting si Caine nang magsalita ito.
"That would be a great wedding!" sang-ayon nito na ikinamulagat ng lahat.
"See... Buti pa si Caine, gusto din ang ganoon. Are you guys don't see it amazing?" bulalas na tanong ko sa kanila. Umiiling-iling naman silang lahat.
"Why don't you two try this on your own later?" tanong ni Ever na ikinatingin ko.
"That's a great idea! Kung papayag si Caine as my midnight groom." I was chuckling while saying that. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Caine sa sinabi ko. Pero nang makabawi ito ay nakita ko ang pag-ngisi niya.
"Then ask me, Isabela." hamon nito. Tumayo ako at bigla na lang napahawak sa upuan nang muntik na akong matumba. s**t! Lasing na ata ako? Pero nakakapag-isip pa naman ako ng maayos.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong lumapit kay Caine at nagpakandong dito habang ang isang kamay ko ay nakakapit sa leeg niya. At ang isa naman ay tinuturo ang dibdib nito.
"That's an easy peezy for me to ask you to be my groom." bulong ko dito.
"Then ask me. Malay mo tumanggi ako." bulong din nito sa tenga ko.
"Don't you dare turn me down, Caine. Sinasabi ko sa'yo." babala ko.
"Just ask me, Isabela. Dami mong satsat. Ask me or I'll turn you down." hindi makapaghintay na bulomg nito sa akin. Puro naman hiyawan ang mga kasama namin. Pero wala na akong pakialam sa sigawan nila.
"Shut up!" pagpapatigil ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at muntik nang matumba. Buti na lang ay nahapit ako ni Caine palapit dito. Mas lumakas naman ang hiyawan ng mga kaibigan ko sa nakita nila.
"Sshhh..." pagpapatigik ko sa kanila habang ang daliri ko ay nasa aking bibig. "I"m trying to propose here." reklamo ko sa kanila na nakapagpatigil sa kanila sa pagtawa.
"Are you serious about that, Isabela?" nagtatanong sa sabi ni Lewis sa akin.
"Ssshhh ka lang diyan Braganza. Ang ingay mo!" iritadong saway ko. Nakita ko ang paglapad ng ngiti nito.
"Andito naman si Judge Owen na magkakasal sa inyo mamayang alas dose kapag napa-OO mo si Mr Valdez. Marami kaming pipirma as witness. Bahala na si Judge ang magfile bukas. May dala ka naman sigurong mga certificates diyan Judge?" tanong ni Lewis kay Owen. Parehas kaming nakatingin dito at hinihintay ang sagot nito.
"Of course! Nasa sasakyan ko." nakathumbs up na sagot nito sabay kindat sa akin. "Do your proposing, Atty Isabela. Baka magbago na isip niyan."
"How can I propose? Ang iingay niyo." kumakamot ng ulong sabi ko na ikinatawa nilang lahat.
"Huwag na kasi kayong maingay diyan para makapagpropose na siya. One hour and twenty minutes before twelve. Marami ka pang oras, Attorney." sigaw ni Ever.
"Oo ang kulit. Shut up na kayo. I'm trying to focus in here." pagtingin ko kay Caine ay hindi ko alam kung matatawa ako o hindi dahil hindi maipinta ang mukha nito na para bang nakangiwi. Am I that awful? Tsk!
"Caine Valdez, will you be my midnight groom?" diretsahang tanong ko dito. Bumalik na ang ngiti sa labi nito nang marinig niya ang tinanong ko. " Ano na ang sagot mo?"
"Such in a hurry, Babe?" nakangising tanong nito sa akin at mas ipinulupot pa ang kamay nito sa bewang ko at pinaupo ako sa kanyang lap. Hindi ako umimik para hintayin ang sagot niya. Nakamata lang ako sa kanya habang naghihintay ng sagot.
"Ano na?" inaiirita ko nang tanong dito na ikinatawa nito.
"Youre forcing me to answer." tumatawang sabi nito.
"Just say yes! Mahirap ba 'yon?" tanong ko dito.
"Yes, Babe. Tama na ang pag-aalboroto mo. Payag na ako." hinaplos nito ang mukha ko.
"Parang napipilitan ka pa sa sagot mo, ah." nakangusong sabi ko.
Tumawa ito, "No, Babe. I would love to be your groom."
"Then let's do it! Cheers!" sigaw ko at kinuha ang baso ng alak ko at nakipagtoast sa kanila.
"Cheers!" sabay-sabay nilang sigaw. "To our Midnight bride and groom!"
Inisang lagok ko ang laman ng baso ko. Napansin ko ang pagpipigil ni Caine sa kamay ko habang nagsasalin ulit ako ng alak sa aking baso. Halos hindi na ako makatayo sa pagkakaupo ko sa kanya. Parang nag-eenjoy na nga ako sa yakap nito sa akin.
"Tama na, Isabela. Your drinking too much." sambit nito na inilingan ko.
"I'm okay, Caine. Don't worry. Saka ikakasal pa tayo mamaya." nginitian ko ito at hinalikan sa kanyang pisngi na ikinatigagal nito.
"Is my midnight wedding ready for tonight? I want it outside. By the light of the moon. That would be so romantic. Isn't it, Caine?" nakangiting tanong ko dito at inihilig ang ulo ko sa kanyang dibdib dahil nahihilo na ako. Pero kaya ko pa.
"Iuuwi na kita. Lasing ka na." suhestiyon nito na inilingan ko.
"Hindi pa ng tayo kinakasal. Just wait a little bit longer." sabi ko dito at nagmulat ng mata at tumingin kay Lewis.
"Is my wedding ready?" nakangiting tanong ko dito na ikinangiti din niya pabalik.
"Of course your highness. We will be out in just a bit of time. Inaayos na ng iba ang lahat." sabi nito at kumindat pa. Napansin ko nga na kumonti kaming nandito sa loob.
Inihilig ko na nang tuluyan ang katwan ko sa dibdib ni Caine. Hilong-hilo na ang mundo ko. Hinayaan naman ako ni Caine. Nanatili ako sa ganoong puwesto hanggang sa ginigising na ako ni Caine. Lalabas na daw kami.
"Can't open my eyes." nanatiling nakapikit ang mata ko.
"You have to open it, Babe. Wala naman sigurong kinakasal nang nakapikit?" pabirong sambit ni Caine sa akin.
"Okay, just a minute." sabi ko at pinilit na magmulat.
"Akala ko ba gusto mong mag I DO saktong alas dose? Baka hindi mo na magawa 'yan kapag hindi pa tayo lumabas. Tayo na lang ang nandito." sa sinabi nito ay napamulat agad ako. Kaso sinapo ko naman ng ulo ko dahil sa pagkahilo.
"Let's go," aya ko dito.
"Okay, kaya mo pa bang maglakad?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
"Hindi naman ako imbalido para hindi makapaglakad." nakasimangot na sabi ko dito at tumayo na pero nang makatayo ako ay muntik na akong matumba. Buti na lang talaga ay mabilis ang kamay ni Caine sa pagsalo sa akin.
"Stubborn. Let me carry you." suhestiyon nito.
"No." matigas kong sabi. "I wanted to walk." pinal na sambit ko dito. Wala naman itong nagawa nang magsimula na akong maglakad pero pasuray-suray nga lang. Nang makarating kami sa labas ay napa-wow talaga ako.
Nagawa nilang pagandahin ang likod ng bar sa isang oras lamang. Simple but fabulous.
"Ang ganda." bulalas ko. Nang makita nila kaming dumating ay pinatigil nila ako sa dulo ng upuan at hinila si Caine papunta sa harap. Nangingiti ako dahil ang altar namin ay inilatag na mantel na puti. We have a carpeted floor and thank God its red. Napatingin ako sa mga bulaklak. It's the flowers from the all the tables inside.
Pagtingin ko sa mga kasamahan ko ay nakangiti silang nakaupo sa mga nakaayos na upuan. And when the song begin to play. Nag-umpisa na din akong maglakad. Dahil nahirapan akong maglakad, tumigil muna ako at humawak sa upuan saka ko tinanggal ang heels ko at binitbit na lang ito papunta sa harap.
I was chuckling while walking down patungo sa tapat ni Caine at ni Owen. Nang makarating ako sa tapat ni Caine ay agad niya akong hinapit sa bewang na ikinangiti ko.
"So possesive and I love that." mahinang bulong ko dito at inamoy pa ang leeg nito. I feel him stiffed.
Kinuha ko ang kamay ni Caine sa likod ko at inilagay ito sa harap namin habang magkahawak ang aming kamay.
"It's almost midnight. Start the ceremony, Owen." utos ko na ikinatawa nito. Halata ding lasing na kaming lahat but it worth the fun. Atleast I've experience to be wed under the moonlight.
"Just wait. A little bit minutes more, Isabela. Nagmamadali ka masyado. Atat magka-asawa?" tanong ni Owen na tinawanan ng mga kasama namin.
Napapeace sign na lang ako. Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa magsimula na itong magsalita. Nakikinig lang kaming dalawa habang magkahinang ang aming kamay. Nang tinawag nito ang pangalan ni Caine ay parehas kaming napatingin dito.
"Do you take Isabela Macabagbag to be your lawful wedded wife, to have and to hold, for richer or poorer, in sickness and in health, till death do you part?" nakatingin ito kay Caine habang sinasabi nito ang mga katagang 'yan.
"I do," nakangiting sagot ni Caine kay Owen. Tumingin naman sa akin si Owen at ako naman ang sunod nitong tinanong.
"Do you take Caine Valdez to be your lawful wedded husband, to have and to hold, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do you part?"
"I do," sagot ko din at tumitig sa mga mata ni Caine. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko habang magkahinang ang aming mga mata.
"By the power vested in me, I now pronounce you Mr and Mrs Caine Valdez. You may now kiss the bride."
Nagpalakpakan ang mga kasama namin at naghiyawan.
"Kiss... Kiss... Kiss..." sabay-sabay nilang sigaw habang pumapalakpak.
Nang hinaplos ni Caine ang pisngi ko ay awtomatikong napapikit ang aking mata. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay totoo ang kasal na nangyayari sa amin.
When his lips pressed mine. Hindi ako nakagalaw dahil pakiramdam ko ay may binuhay ito sa loob ko. Nang gumalaw ang labi nito at kagatin ang pang-ibabang labi ko ay napaawang ang bibig ko. That's when he enter his tounge to mine and kiss me more passionately. Naramdaman ko na lang na kusa na rin akong tumutugon sa mga halik nito.
Napaigtad na lang ako ng bigla nalang may magpaputok ng poppers sa tabi namin. Awtomatikong napahiwalay ako kay Caine. Nang magtama ang paningin namin ay napangiti kaming dalawa sa isat isa.
Isa-isa nila kaming kinamayan at kinograts. May pinapirma pa sa amin si Owen bago kami tuluyang bumalik sa loob at itinuloy ang kasiyahan. Nakailang shots pa ako hanggang tuluyan nang bumagsak ang depensa ko. Nakayakap na ako kay Caine habang ito naman ay nakapulupot ang dalawa nitong kamay sa aking katawan.
Lasing na lasing na ako at hindi ko na kaya pang tumayo. My world is spinning round and round like a fast caroussel. Ang huling natatandaan ko na lang ay ang pagbuhat ni Caine habang nagpapaalam sa mga kasama namin. That's the end of everything in my memory.