Isabela
Nagising akong mabigat ang aking ulo. As I roamed around my eyes, napamulagat ako dahil hindi ito ang kuwarto ko. Nang may gumalaw sa aking tabi, mas lalo akong napamulagat. Nang makilala ko kung sino ito ay umusok ang bunbunan ko at sinigawan ito.
"What the f**k are you doing here?!" pasigaw kong tanong sa katabi ko sa kama. I know, I'm intack because I can't feel pain down there.
At ang hambog, nginitian lang ako habang nag-iinat ng dalawa nitong kamay. "Good morning, My Dear Wife." nakangiti nitong bati sa akin na ikinataas ko ng kilay sa kanya.
"Don't you call me that. Baka gusto mong lumipad sa labas ng bintana at magkandalasog-lasog?" inis na tanong ko dito. Tinaasan ko ito ulit ng kilay nang nginitian niya lang ako at umupo sa kama.
Napaiwas naman bigla ang tingin ko dahil half naked ang katawan niya. "Put on your damn t-shirt. You asshole!" sigaw ko dito at hindi man lang nag-abalang tumingin dito.
"It's all yours, Wife. My body, my nakedness, my soul, even my heart." may sasabibin pa sana ito nang naguguluhan akong tumingin dito at itinaas ang kamay ko para patigilin siya.
"Wait! Wait! Wait!" pagpapatigil ko at kinunutan ito ng noo. "Kanina ka pa wife nang wife sa akin. And for your info! I don't want your body, your nakedness or your damn soul. Hindi kita type. Hinayupak 'to!" inis na sigaw ko dito at tumayo na sa kama.
Masakit ang ulo ko dahil na rin siguro sa alak na nainom ko kagabi. I didn't even remember what did I do before I passed out last night. Nang mahanap ko ang bag ko ay akma na sana akong lalabas ng pintuan nang magsalita ito at lumapit sa akin.
"Baka naman gusto mong malaman ang nangyari kagabi, Wife?" tukso nito. Nang tumingin ako dito ay nakita ko ang pag-ngisi niya.
"Stop that f*****g wife of yours. Baka hindi ako makapagtimpi at maitapon ko sa'yo itong frame na nakasabit dito sa dingding." babala ko dito na ikinangisi niya lang ulit.
"I know you can't do that to me, Wife. Hindi mo sasaktan ang asawa mo." nakangisi ulit ito habang sinasabi niya 'yan. Nang maglakad ito palapit sa may drawer at may inilabas ito mula doon na folder ay napakunot ang noo ko.
"Asawa? Are you f*****g kidding me!" sigaw ko dito.
"Yes and no." sagot nito at lumapit ito sa akin nang nakangiti. Nang iabot niya sa akin ang folder ay tinignan ko lamang ito sa kanyang kamay.
"Ano 'yan?" pagtataray ko dito kasabay nang pagtaas ng aking kilay.
"See for yourself, Wife." hindi ko pa rin inaabot ang hawak nitong folder bagkus ay sinamaan ko lang siya nang tingin. Bakit parang kinakabahan ako habang tinitignan ko ang ina-abot niyang folder?
Nang mahalata nitong wala talaga akong balak abutin, agad nitong hinila ang kamay ko at inilagay dito ang folder.
"Wala akong panahon na makipag-biro sa'yo, Mr Valdez. What is this?" tanong ko at iniangat ang folder na hawak ko.
"Just read it." kibit balikat nitong sabi sa akin at pumasok ito sa pinto sa kaliwang banda ng kuwarto. Napansin ko na panglalake ang kuwarto na kinaroroonan ko. Nang makita ko sa dingding ang mga picture nang lalake ay nakompirma ko na nasa kuwarto nga niya ako.
Sinimangutan ko ang larawan nitong nakangiti at dahan-dahang binuksan ang folder. Tumambad sa akin ang marriage contract na pirmado ko.
"What the f**k!" gulat na mura ko habang binabasa ang nilalaman ng marriage contract. That's my name and sign. As I scan the papers, nakita kong legal ito at naganap ito kagabi. What the f**k did I do? Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.
Nang mag sink in sa utak ko ang pangyayari kagabi ay napamura nalang ako nang napamura dahil sa frustrasyon.
"f**k! f**k! f**k! Isabela! What did you do?! You're f****d up!" bulong ko sa sarili ko pero may diin ang bawat bitaw ng salita ko.
Naglakad ako sa malapit na sofa at nanghihinang napaupo doon. I can't believe what just I do. I just offered a marriage last night and wed in the middle of the night. Dahil may kasama kaming judge kagabi ay ito ang nagkasal sa aming dalawa. Napahilamos nalang ako sa aking mukha at napayukong nagmura.
"f**k! Paano ko ipapaliwanag ito sa mga kapatid ko at kay Inang." frustrated kong tanong sa sarili ko.
"Puwede namang ako na ang magpaliwanag sa kanila, Wife." tinignan ko siya ng masama at inirapan ito.
"Stop that wife thing, Caine! I'm irritated. Don't push me to my limit dahil baka hindi kita matantiya!" seryoso kong saad dito habang masama ang tinging ibinibigay ko dito.
"I have the right dahil asawa na kita." nakangiti nitong sabi at lalapit sana siya sa akin nang patigilin ko ito.
"This is insane! Don't you dare come near me! I'm going!" sumusukong sambit ko dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko. Mabilis kong isinukbit ang bag ko at nagmadali nang lumabas ng kuwarto nito. Narinig ko pa ang sigaw nito bago ko naisara ang pinto.
"I'll wait for you to come home, Wife!" napabuntong hininga nalang ako at diretso nang naglakad paalis.
Pagkalabas ko ng building ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay. Habang lulan ng taxi ay isa-isang nagbalikan sa isip ko ang ginawa ko kagabi. Hindi ko maimagine na nagawa ko ang lahat ng 'yon.
"f**k that alcoholic drinks!" I murmured as I close my eyes and think what to do next. "Maybe an annulment can do." sambit ko pero agad akong umiling. "Hindi ako papanigan ng judge kapag nagkataon kahit sabihin pa nating lasing ako nang mangyari 'yon. Ako ang nagsimula ng kalokohang 'yon. So, I guess, it was all my fault." malungkot kong sambit at napatampal na lang sa aking noo.
Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tanong na gusto nilang malaman, eh, bakit pa kasi tungkol sa kasal pa. Tsk! Now, I'm trapped with my own karma. Geeezzz! Paano na lang kaya ito? Paano kapag nalaman nina Inang ang tungkol dito?
"I know for sure na magagalit sila kapag nagsinungaling ako. Pero hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang tungkol sa naganap sa akin." napapabuntong hininga na lang ako habang kausap ko ang aking sarili. Hindi ko na nga namamalayang nasa tapat na pala ako ng bahay kung hindi pa ako inimporma ng driver. Agad akong nagbayad at bumaba na.
Wala ako sa sariling naglalakad papasok hanggang sa makarating ako sa loob ng bahay. Dire-diretso lang ako, hindi ko alam na nasa salas pala ang mga kapatid ko kasama si Inang at Kuya Marco.
"Ate!" sigaw ni Kasandra sa tenga ko at kinalabit pa ako. Nagulat talaga ako sa pagsigaw niya kaya napahawak na lang ako sa tenga at dibdib ko.
"Bakit ka ba sumisigaw, Bunso?" gulat pa ding tanong ko saka tumingin dito. Agad naman akong tumingin sa tinitignan nito. Napanguso na lang ako nang makita kong kompleto silang lahat na nakaupo sa salas.
"Kanina ka pa namin tinatawag, Ate, pero parang lutang ka diyan at dire-diretso ka lang na naglalakad papasok. May problema ba, Ate?" nag-aalalang tanong nito sa akin na ikiniling ko.
"Pagod lang ako at puyat sa party kagabi, Bunso. Okay lang ako. A little headache." sambit ko. Nang hawakan nito ang kamay ko ay tuluyan na akong napangiti.
"Kanina ka pa namin hinihintay, Ate. Nagluto kami nila Inang ng pablow out mo. Proud na proud talaga kami sa'yo, Ate. Ang galing-galing mo talaga." yumakap ito sa akin at ngumiti.
"Siyempre, ginalingan ko talaga. Ayoko kayang madis-appoint kayo sa akin." sambit ko at ngumiti kina Inang nang makalapit na kami sa kanilang lahat. Isa-isa silang lumapit sa akin at niyakap ako habang kinocongratulate nila ako. Masaya ako dahil napakasupportive ng pamilya ko sa akin. Bigla tuloy akong naguilty dahil gusto ko munang ilihim sa kanila ang tungkol sa pagkakaroon ko ng asawa in an instant.
"Manalo ka man o matalo, Anak. Proud pa din kaming lahat sa'yo. Lalo na ang Tatang mo." nakangiting sabi ni Inang. Nang mapatingin ako sa kanilang lahat ay tumango sila isa-isa. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Huwag ka ng umiyak, Ate. Basta lagi mong tatandaan na andito lang kami na laging sumusuporta sa'yo." nakangiting sambit din ni Pamela at lumapit ulit sa akin at pinunasan ang luha ko. "Pumapangit ka tuloy, Ate, kapag umiiyak ka." narinig ko ang pagtawa nilang lahat kaya napatawa na lang ako at napanguso.
"Di bale, Pamela. Kapatid naman kita kaya okay lang na pumangit ako kasi isa lang ang ibig sabihin nun." I paused and smile. "...kapag kasi pangit ako, pangit din kayong lahat." sabi ko at kinindtaan pa silang lahat.
Narinig ko ang sari-sari nilang reklamo na nakapagpatawa kay Inang at sumenyas ang kamay nito pataas para patigilin kami.
"Tama na 'yan. Halina at magsikain na tayo sa hapag. Kanina pa naghihintay ang pagkain." aya ni Inang sa amin at nauna nang naglakad papasok sa kusina. Nagkatinginan naman kaming magkakapatid at napangiti na lang sa isa't-isa. Even if we don't utter a word. Alam namin sa sarili naming nagkakaintindihan kami kahit sa tingin lamang. Mahal na mahal ko sila ng sobra.
Sunod-sunod kaming pumasok sa loob ng kusina. Napatulala na lang ako nang makitang ang daming pagkain na nakahain sa mesa. Pagtingin ko sa kanilang lahat ay ngumiti lang sila sa akin. Agad akong lumapit kay Inang at yumakap.
"Thank you, Inang. Mahal na mahal po kita." naglalambing na sambit ko at kumalas na.
"Walang anuman, Anak. Basta para sa inyong lahat, hindi ako mapapagod.
Ganyan ko kayo kamahal. Kain na tayo?" nakangiting aya ni Inang sa akin at hinaplos ang aking pisngi.
Agad akong tumango at ipinaghila muna si Inang ng upuan at pinaupo ito bago ako umupo sa upuan ko. Nagsimula na kaming kumain habang nagku-kwentuhan. Natahimik ako bigla ng magtanong sila kung kumusta ang party na nilaan ng kliyente ko sa akin.
"Ayos lang naman. Enjoy naman kaming lahat." napapakamot ng batok na sagot ko sa kanila na ikinangiti lang nila. Nagpatuloy ang kuwentuhan namin hanggang sa matapos na kaming lahat na kumain. Nagpresinta akong maghugas pero pinigilan nila akong lahat.
"Magpahinga ka na sa kuwarto mo, Isabela. Kaya na nina Manang ang hugasan. Magpapahinga din muna ako sa kuwarto ko." sabi ni Ate Katherina sa akin. Nag alala naman ako nang makita kong napapikit ito.
"Ayos ka lang ba, Ate?" nag-aalalang tanong ko at lumapit dito. Naramdaman ko namang lumapit silang lahat sa gawi ni Ate. Nakita ko na lang na yakap na ni Kuya Marco si Ate at inalalayan na ito.
"Okay lang ako. Ano ba kayo. Medyo nahilo lang ako ng konti, pero konting tulog lang ay mawawala din ito." paninigurado nito sa amin.
"Sure ka, Ate? Pwede ka namang tignan ni Pamela." sambit ko at tumingin kay Pamela. Nakita ko naman ang pag aalala din nito.
"Oo, Ate. Pwede naman kitang tignan. Baka bumaba or tumaas ang dugo mo. Para makasigurado tayo." nakita ko ang pagtango ni Ate sa amin.
"Sige, pero sa kuwarto na lang. Gusto kong humiga dahil inaantok na talaga ako." sabi nito na ikinatango naming lahat. Inalalayan naman siya ni Kuya Marco pataas. Pero nang malapit na sila sa hagdanan ay agad na pinangko ni Kuya si Ate paakyat hanggang sa makarating sila sa kuwarto nito.
Nakasunod naman kaming lahat dahil gusto muna naming masigurong maayos ang kalagayan nito. Hindi din ako makakatulog kung alam ko na may nararamdaman itong kakaiba sa katawan niya. I'm worried at mapapanatag lang ako kung susuriin siya.
Pagkatapos kunin ni Pamela ang blood pressure nito at sabihing normal naman. Napahinga talaga ako nang maluwag. Minabuti na lang naming iwan sila sa kuwarto nito para makatulog at makapagpahinga siya. Kanya kanya na kami ng pasok sa aming kuwarto. Nang makapasok na ako ay agad akong humiga sa kama ko at tumitig sa kawalan habang iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin.