Isabela
Weeks passed, marami kaming pinagkaka abalahang parehas. I don't know kung bakit halos hindi na kami nagkikita ni Caine sa bahay. Lagi itong out of town at lagi ding patay ang cellphone niya dahil walang signal ang napupuntahan nitong place.
"I missed you." nagtatampong sambit ko sa kanya over the phone. Sa isang linggo, halos isa o dalawang beses lang itong nakakatawag. Hindi naman ako natatakot kasi may tiwala ako sa kanya. "Kailan ka uuwi?" sunod na tanong ko.
"A week more, Asawa koh. Konti na lang at matatapos na kami. If ever na mauna nang matapos ang shoot ko. I'll go home first. I missed you too, so much, Asawa koh." ramdam ko din ang lungkot sa boses nito. "How are you, Asawa koh? Are you in your office right now?"
"Yes, Asawa koh. I have an urgent meeting with a client. He's proposing some strategies for his case." sagot ko. Tinignan ko ang phone ko kung namatay ang tawag. Bigla kasing nanahimik sa kabilang linya. "Asawa koh? Still there?"
Narinig ko ang buntong hininga nito bago ito sumagot. "Still here, Asawa koh. How old is this client of yours?" napailing at napangiti ako sa tanong nito.
"He's thirty one and a bachelor in town, Asawa koh." I teased. Sa klase kasi ng tanong nito ay alam kong nagseselos at naiinsecure na ito.
"Who's with you?" mas lalong sumama ang timpla ng boses nito.
"None. Just me and my client, Asawa koh. Why?" nangingiting tanong ko dito. I know his jealous. Sa totoo lang ay kasama ko talaga si Lewis sa meeting na ito. Pinagtitripan ko lang siya.
"Schedule that next week. I'll go with you." halos matawa talaga ako sa inaasta nito. He's really jealous and that's for sure.
"Hindi pwede, Asawa koh. His schedule is too tight and we need to talk. Next week is his case hearing. It can't be cancelled." totoo naman ang mga sinasabi ko. I just lied about me going alone.
"I don't care. Just cancel that appointment." pinal na saad nito sa akin na nakapagpangiti pa sa akin. Samantalang halos sumabog na ito sa selos.
"But---"
"No buts. Just do it." hindi niya ako pinatapos na magsalita. Tumawa talaga ako na ikinairita niya sa kabilang linya. "What's funny?" seryoso nitong tanong sa kabilang linya.
"Nothing, Asawa koh. You're just cute when your jealous." pag amin ko dito.
"Tsk! Don't change our topic. Cancel that appointment. Kapag nalaman ko na natuloy ang meeting mo. I will make you regret." napataas ang kilay ko sa sinabi nito.
"Is that so? Are you threatening me, Asawa koh?" nakataas pa din ang kilay kong tanong dito.
"Are you threatened?" tanong nito pabalik.
"No." mabilis kong sagot.
"Don't be a hard headed woman, Asawa koh." pakiusap nito.
"This appointment won't be cancelled." pinal na sabi ko pero nangingiti talaga ako. Ang iritado nitong boses kanina ay parang sumusuko na.
"Okay, okay. You win. Just go with Lewis." sumusukong sabi nito nang nakikiusap.
"Kasama naman talaga siya, eh." saad ko.
"I thought you're going alone? Sabi mo kanina." tanong nito na parang nabuhayan pa ng loob sa sinabi ko.
"Did I say that?" nagmamaang maangan kong saad ko.
"You told that earlier, Asawa koh. Are you playing tricks on me?" nakahalata na ata ito sa ginagawa ko.
"Hindi ah." agad kong depensa pero natatawa talaga ako.
"Don't deny it, Asawa koh. You're making me jealous and it's driving me crazy."bulalas nito.
"Bakit kasi magseselos ka? Don't you trust me?" tanong ko at kinuha ang ballpen sa lamesa ko at pinaglaruan ito habang sumasandal ako sa swivel chair.
"I trust you so much, Asawa koh. Those mens..." putol nito at napabuntong hininga siya. "...sa kanila ako walang tiwala."
"Don't worry too much, Asawa koh. Ikaw lang sapat na." sagot ko dito. "We'll talk when you get back."
"Okay, Asawa koh. I missed you so much. Huwag mo na uulitin ang pagbubully mo sa akin ha? It's too frustrating hearing you talking to some mens out there without me. Nagseselos ako ng sobra." himutok nito.
"Opo, Asawa koh. Hindi na po mauulit." nakangiting sabi ko at umayos ng upo nang makita kong pumasok si Lewis sa loob ng opisina ko. Dumiretso ito ng upo sa sofa at pabagsak na humilata doon. "Weird." bulong ko na hindi nakaligtas sa pandinig ni Caine.
"What? Who's weird, Asawa koh?" tanong nito.
"Lewis. Nakakapanibago." sagot ko.
"Bakit naman?"
"Pabagsak siyang nahiga sa sofa. That's not him. Dapat nangungulit at nanunukso na 'yan, basta nakikita niyang kausap kita. But now..." putol ko at tinignan ang nakapikit na Lewis sa sofa habang ang braso nito ay nakapatakip sa kanyang mata. "...he's different. Parang may kakaiba dito."
"Then talk to him, Asawa koh." utos nito sa akin na agad kong sinang ayunan.
"Okay, Asawa koh. Call me kapag hindi ka busy at may signal ka ulit, ha." paalam ko dito pero nagsalita ulit ako nang maalala ko kung saan kaya ito sumagap ng signal para lang makatawag. "Wait, Asawa koh." pigil ko sa pagpatay nito ng tawag.
"What is it, Asawa koh?" nagtatakang tanong niya.
"Saan ka naman pumunta ngayon para sumagap ng signal?" tanong ko dahil the last time, eh, umakyat pa daw sila ng bundok para magkasignal lang. Tumawa ito sa kabilang linya.
"Huwag mo ng alamin, Asawa koh. Nakakahiya." saad nito. Dahil makulit ako ay pinilit ko siyang sabihin.
"Huwag na, Asawa koh. Ibubully mo na naman ako, eh." reklamo nito.
"Sige na." pamimilit ko. "I won't bully you and laugh." pagpupursige ko.
"Okay. Promise me first." paninigurado nito, pero hindi ako makapagpromise dahil ayokong baliin 'yon kapag nagkataon.
"I won't laugh, Asawa koh. Just tell me. Ang dami mong hanash." saad ko.
"I climbed a mango tree and now..." putol nito. Pinigil kong huwag matawa dahil hindi pa nito nasasabi lahat ng gusto kong malaman.
"And..." pagpapatuloy ko sa kanya.
"...and I don't know how to climbed down." tuluyan na akong natawa sa sinabi nito. My God! Umakyat siya sa puno ng mangga and now he's telling me that he don't know how to climbed down? Humagalpak talaga ako nang tawa.
"Aakyat akyat ka diyan tapos hindi mo alam bumaba? My god, Asawa koh!" bulalas ko habang tumatawa. Napatingin ako kay Lewis sandali dahil naramdamn ko ang paglingon nito sa akin.
Nginitian ko siya. Ngumiti naman ito pabalik pero makikita mo sa mga mata nito ang lungkot na hindi ko maipaliwanag. Natahimik ako nang pumikit uli ito.
"Something really is off with him. I got to go, Asawa ko. Mamaya na lang ulit kita tatawanan about your talent on climbing trees. I need to talk to Lewis. I think may problema nga ito." pagpapaalam ko dito at dahan-dahang tumayo.
"Okay, Asawa koh. Take care and huwag mong papabayaan ang sarili mo. I--" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya kasi I accidentally ended up the call. Tanungin ko na lang sa susunod na tawag nito kung ano 'yon.
Inilapag ko muna ang cellphone ko sa mesa pati ang hawak kong ballpen. Naglakad ako papalapit kay Lewis at umupo paside sa espasyo sa gitna ng katawan nito. Sa may parteng tiyan niya. Tinitigan ko siya at hinintay itong magmulat. Hindi ako nagsasalita dahil kilala ko ito. Kahit anong pilit mo ay hindi ito magsasalita at mananahimik lang. I just watch him and wait. Wala pa namang ilang minuto ng magsalita ito.
"Cupid strikes me." naguluhan ako sa sinabi nito kaya napakunot talaga ang noo ko.
"Who's Cupid? Do I know that?" nagtatakang tanong ko habang inaalala ko ang mga pangalan ng kaibigan namin. Nakita kong napasimangot siya. "What?" clueless kong tanong.
"Ang tanda mo na. Hindi mo pa kilala si Kupido? Panira ka talaga, Isabela." nakasimangot nitong sabi sa akin na ikinailing ko. Aba malay ko ba kung sino 'yang Cupid o Kupidong 'yan na sinasabi nito.
"Is it a must to know that person?" nakakunot ang noong tanong ko na ikinatawa nito.
"You're the famous Atty. Isabela Macabagbag. Scratch that, Valdez ka na pala ngayon pero hindi mo alam kung sino yan? Hay naku! Napag iiwanan ka na nga." tukso nito sa akin na ikinasimangot ko.
"Bahala ka diyan." inirapan ko ito at lumipat na lang sa kabilang upuan at umupo. "You're weird right now. You know."
Nakita kong lumingon ito sa akin kaya hinintay ko ang mata niyang tumitig sa akin.
"How weird?" tanong nito. He's really have this aura that's telling me his in deep trouble or something.
"Too weird." amin ko.
Napabuntong hininga muna ito bago umupo at sumandal. "I think love hit me, Isabela."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. "What are you talking about?" naguguluhan kong tanong. Dahil sa totoo lang ay wala pa itong pinakilala sa akin kahit isang babae na nagugustuhan nito. I see him flirt with random girls pero hanggang doon lang. Ni hindi nga nito niyayaya sa condo or hotel ang mga ito.
"I'm inlove, Isabela. And I'm f*****g doomed!" medyo malakas nitong sabi bago inihilamos ang dalawang palad nito sa kanyang mukha.
"Why?" hindi ko kailangang magsalita muna ng mahahaba sa ngayon. I only want to ask one word questions that can answer everything.
"She left me again and again." nanghihinang saad nito at tumingala sa kisame habang nakahilamos pa din ang kamay nito sa kanyang mukha. "Akala ko, mahal niya din ako. Akala ko lang pala 'yon. She only needs me to dig something from her past. And now, bigla na naman itong nawala for the second time."
Bakit parang kilala ko ang binabanggit nito? Pero impossible. Lewis don't fall for a woman lalo na kung kliyente namin. Nakatingin lang ako dito at hinihintay pa itong magsalita.
"Akala ko mahal na niya ako but it turns out na hindi pala. How could she do this to me? She said, she love me like how I love her. Bakit niya ako iniwan sa ganitong state? Bakit niya ako pinaniwala sa mga kasinungalingan niya? It f*****g hurts like hell, Isabela!" naawa ako dito nang makita kong tumulo ang luha nito sa kanyang pisngi. Mabilis akong lumapit sa tabi nito at niyakp siya nang mahigpit.
"Maybe, she has reason why she did that." mahina kong bigkas at hinagod ang likod nito nang maramdaman ko ang pagbasa ng damit ko sa aking balikat.
"I'm losing hope to hold onto her, Isabela. I've been giving her many chances but she always failed to fullfil. How can I trust her now?" lumayo ito sa akin at tinitigan ako sa aking mata. Umiling iling pa ito. "I'm tired of believing in her, Isabela. I'm giving her up."
Nalungkot naman ako sa hitsura nito. It's been his first heartbreak and I know it. Matagal ko na siyang kaibigan and ngayon ko lang siya nakitang ganito. His really miserable right now.
"Give Valerie time to think, Lewis. Baka umalis siya para makapag isip isip. If she trully loves you. Babalik at babalik siya sa tabi mo." payo ko dito at hinaplos ang pisngi niya.
"I give up, Isabela. I'm too tired of understanding her. If she don't want to be with me. Then don't. I'll let her go." nakita kong sumeryoso ang mukha nito at rumehistro ang galit.
"Don't, Lewis. Huwag kang magalit sa kanya. You don't know her situation. If you let her go then let her. Huwag kang magtanim ng galit sa dibdib mo. If you trully belongs to each other. Kahit ano pa ang mangyari magtatagpo pa rin ang landas niyo." nakita ko ang sakit na bumalot sa mata nito bago siya pumikit at pinilit na pinakalma ang sarili.
"I'll try, Isabela. Susubukan kong huwag magalit sa kanya." sambit nito bago nagmulat.
Ngumiti ako, "that's my Lewis. Ngiti na diyan. May appointment pa tayo mamaya with our client. Ayokong magmukhang security guard ang kasama ko." biro ko dito na ikinasimangot niya.
"Security talaga? Sa guwapo kong ito?" nagpogi sign pa ito sa harap ko na ikinangiwi ko at kunwari ay nagduduwal ako. "Ang sama mo talaga, Isabela." ngumuso ito.
"Stop pouting. You look like a duck." nakangiwing sambit ko at iniiwas ang mukha ko sa kanya dahil mukhang sasabak na ito sa giyera sa sama nang tingin sa'kin.
Nagkatinginan kaming dalawa at bigla na lang kaming nagtawanang dalawa. Atleast, I make him laugh kahit may mabigat itong dinadala. We talked and laugh until we're both silent and resting our body on the sofa. We stayed silent and smiled.
Hating the people you love doesn't mean you don't love that person anymore. Nakatatak lang sa isip mo na galit ka sa kanya dahil sa mga nagawa nitong kasalanan. But, try to find the love in your heart. It's still there and you just set it aside to feel the hatred you want to feel. Ang pagmamahal ay hindi puro saya. Kailangan ding may dulot itong sakit, pighati, at luha. Dahil dito ka tatapang at mas lalong magiging matatag para magmahal. Love doesnt measure on how long you've been together. It's measured on how strong you hold onto each other and giving the trust you deserved for each other.