Chapter 18

2125 Words
Isabela Hindi ko alam kung ano na ang gagawin namin sa pananahimik ni Kasandra. Ilang araw na siyang tulala kahit nga mga kaibigan nito ay nag aalala narin. Napatingin ako sa paligid para hanapin sina Ate. Napatingin ako sa likurang gawi ko. Nagtama ang mga mata namin ni Caine pero agad akong umiwas. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol kay Inang. Sinadya ko talagang hindi ito ipaalam sa kanya. Kaya nagulat na lang ako nang dumating din siya ng hapon, pagkadating namin. Ngayon, huling gabi na ni Inang. May nagkakantahan, madami ding nagsusugal sa gilid. Ako? Heto nasa likod ni Kasandra. Umiiyak na naman kasi ito habang nakahawak sa kabaong ni Inang. "Tahan na, Bunso." pagpapatahan ko dito pero hindi pa din siya tumigil. "Bakit Ate? Bakit si Inang pa?" humahagulgol na tanong nito sa akin na hindi ko alam kung paano sasagutin. Dahil sa totoo lang ay hindi ko din alam ang isasagot ko. "Tatagan mo ang loob mo, Bunso. Alam mong ayaw ni Inang na nakikita ka niyang ganyan. Isipin mo na lang na masaya na siya kasama ni Tatang, Bunso. Pare-parehas tayong hindi matanggap ang pagkawala ni Inang. Pero kailangan nating tanggapin ang nangyari. Tahan na..." niyakap ko ito at umiyak na din. Kanina ko pa pinipigilan ang iyak ko. Nang makita ko ang nakangiti ng mukha ni Inang sa loob ng kabaong nito ay hindi ko na napigiln pa. "Hindi ko alam kung kakayanin ko, Ate. Ang hirap." sumisinghot-singhot na sambit nito at yumakap nang mahigpit sa akin. "Alam kong mahirap, Bunso. Pero kailangan nating kayanin para kay Inang. Masaya na siya sa piling ni Tatang. Huwag na natin siyang pag alalahanin pa." tumango ito at mas isinubsob ang mukha nito sa balikat ko. Hinagod hagod ko naman ang likod niya hanggang sa tumahan na ito. Hinayaan ko lang siyang umiyak hanggang sa napansin ko ang pananahimik niya at minsanang paghikbi. Nagulat na lang ako nang lumapit si Caine sa amin at sinabi nitong nakatulog na si Kasandra. "She's asleep, Asawa koh. Do you need help?"natulos ako sa kinauupuan ko sa narinig kong itinawag nito sa akin. Galit ako sa kanya pero hindi ito ang tamang oras. "Salamat. Pabuhat na lang siya papuntang kuwarto namin." tumingin ako dito at agad namang iniiwas ng makitang mataman itong nakatingin sa akin. Dahan dahan kong ipinasa si Kasandra sa kanya. Sa sobra sigurong pagod nito ng mga huling araw ay hindi na nito naramdaman pa ang paglutang nito sa ere. Nang mailapag nito si Kasandra ay inayos ko muna siya at walang lingon likod na lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa labas at naglakad lakad hanggang sa makarating ako sa kubo. Naalala ko ang huling pagsasama namin nina Inang dito. Masaya at walang humpay na tawanan. Nang mapahawak ako sa poste nito ay padausdos akong umupo mismo sa buhanginan. Sobrang sikip ng dibdib ko ngayon at parang hindi ko na kakayanin pa. "Inang..." mahinang sambit ko at napayuko nalang sa aking mga tuhod at umiyak. Ilang araw ko ding kinikimkim ang pag iyak ko. Ayokong makita ng mga kapatid ko na ganito ako. Kung apat kaming ganito, walang mangyayari sa amin. Napatingin ako sa kamay na humawak sa balikat ko. Nang mapag sino ko ito ay hindi ko na tinignan ang mukha nito. Yumuko lang ako at umiyak nang umiyak. Nang yakapin niya ako ay hindi ako tumutol. Kailangan ko ngayon ng taong makakausap. Someone who will be there to comfort me. "I'm here, Asawa koh. Stop crying. Alam kong masakit sa'yo ang pagkawala ni Inang. I really can't stand seeing you like this. Where's the strong Isabela I know?" humikbi lang ako bilang sagot sa tanong nito. Hindi ko alam pero napapagaan nito ang loob ko. May mga bagay na hindi namin napagkakaintindihan sa ngayon. Pero isinawalang bahala ko muna 'yon dahil kailangan ko siya at the very moment. Yumakap ako sa kanya at patuloy na umiyak sa dibdib nito. Wala mang salita na lumalabas mula sa bibig ko ay alam ko na alam nito na hindi ko na kaya. Mas humigpit pa ang yakap nito sa akin at hinagod ang likod ko. "I'm here, Asawa koh." bulong nito bago nito hinalikan ang tuktok ng aking ulo. "Bakit ngayon pa? Bakit naman biglaan ang pagkawala niya. Hindi pa ako handa, Caine. Sobrang sakit..." hagulgol ko. "Cry all you want, Asawa koh. Andito lang ako. Hinding hindi ako aalis kahit anong mangyari." inilayo nito ng kaonti ang katawan niya sa akin para mahawakan nito ang baba ko at makatingin ako sa kanya. Pinunasan nito ang luha ko gamit ang daliri niya. Kahit anong pahid nito sa luha ko ay patuloy pa din ito sa pag-agos. Hindi ko alam kung paano ko patitigilin sa pagpatak ang aking mga luha. Basta ang alam ko ay nasasaktan ako at nalulungkot ako. Nang halikan nito ang noo ko ay napapikit na lang ako. Pagkatapos nitong halikan ang mga mata ko ay napamulat ako at napatingin sa mga mata niya. "I know this isn't the right time to talk about us, Asawa ko. But I cant endure the distance and the cold treatment your giving me. I cant bare to be like this. I miss you a lot, Asawa ko. Please talk to me." pakiusap nito. Matagal muna akong natahimik habang umiiyak bago tumango. Hindi ko nga alam kung para saan ang pagtango ko. I just want to say na papakinggan ko siya. But I cant barely talk dahil sa impit kong pag iyak. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko hinaplos ang mukha niya. "I know that I've been really unfair to you, Caine. And I'm sorry for that. I realized, na dapat hinayaan kitang magpaliwanag that time. But I choose to run away. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako nang makita kitang may kasamang iba." yumuko ako dahil nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya. "Sorry for that, Asawa koh. Inihatid lang talaga ako doon. That's a medical staff ng hotel. Bumagsak kasi ang katawan ko dahil sa naulan kami nang magshoot kami sa beach." paliwanag nito. "I understand you, Asawa koh. Huwag mo na akong layuan, Asawa ko. Its driving me crazy." pinagdikit nito ang noo naming dalawa at hinawakan nito ang magkabilaan kong pisngi. "I'll make it up to you, Asawa koh. I promise." Tumango ako, "Sorry din and thank you for being here with me kahit hindi kita pinapansin." Napanguso ako nang mahina itong natawa. "Ano namang nakakatawa?" "Wala naman, Asawa ko. I'm just happy. Akala ko tuluyan mo na akong iiwan. Natakot ako ng banggitin mo ang mga papeles na yun. Sobrang natakot ako. Please, dont you ever leave me." pakiusap nito at pumikit habang magkahinang pa rin ang noo naming dalawa. "Yes, Asawa koh. I wont. Just don't do that again. Lapitin ka kasi ng mga babae sa nature ng trabaho mo." sinimangutan ko siya. "Even if I'm surrounded with sexy and beautiful girls. They wont succeed in seducing me. Ikaw lang sapat na, Asawa ko. Kahit maghubad pa sila sa harap ko. I wont fall for them. Just you, Asawa koh. Only you..." sabi nito bago nito tinawid ang pagitan ng aming mga labi. Napapikit na lang ako at dinama ang paghihinang ng mga labi namin. Sa paraan ng paghalik nito sa akin ay nararamdaman ko ang pagsuyo at pangungulila niya. Walang pag aalinlangan ko siyang tinugon. Sa bawat haplos at hagod nito sa aking likuran ay nagbabatid sa akin ng kakaibang sensasyon. Lagi naman niya akong hinahalikan pero this alam ko na iba na ang nararamdaman ko. Nakapasok na ito ng tuluyan sa aking buhay. Nang maghiwalay ang labi namin ay nginitian ko siya habang ito naman ay pinupunasan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit umiiyak pa din ako. Ang alam ko lang ay gumaan ang pakiramdam ko. "Stop crying, Asawa koh." patuloy pa din ito sa pagpupunas ng luha ko gamit ang daliri niya. "Promise me one thing, Asawa koh." napatingin ulit ako dito ng may nagtatanong na mata. "Don't you ever think of annulling our marriage. Please..." Bahagya akong ngumiti dito. "Basta ba wala na akong makikita ulit sa kuwarto mong babae." dahan-dahan akong tumayo at pinameywangan ko pa siya bago ulit nagsalita. "Pasalamat ka at nakapag isip ako at nakinig ako sa paliwanag mo. Sa totoo lang..." iniripan ko ito. "Lewis started to process our papers." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito at parang hindi makapaniwala. That's when I got out my phone and dialled Lewis number. Ilang ring pa lang ng sagutin nito agad ang tawag ko. "Hey," paunang sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mata ni Caine. "Hey, I'm on my way there. Kaso parang medyo malayo pa ako." saad nito. "Did you started processing the annulment?" tanong ko. Nakita kong tahimik lang si Caine at parang naghihintay ng sagot mula sa kabilang linya. "Yes." sagot nito. "But, I didn't get the chance to send it to Judge Owen. Nasa bakasyon daw ito and he'll be back after a month. Don't rush things, Isabela. Pag usapan niyo munang mag asawa ang problema niyo. Hear his side, Isabela. Caine is a good man." lumuwang ang pagkakangiti ko sa sinabi nito. All this time, Lewis is siding Caine thtought out. Hindi man nito sabihin ay ramdam ko iyon. Nabulag lang siguro talaga ako ng selos ko. Tumingin ako sa mata ni Caine at nagsalita. "Drop that, Lewis. I will not pursue that annulment. We will work this out together. Thank you for being there for me and following my craziness. I love you, Lewis." seryosong saad ko. "I love you too, Isabela. No matter what will happen. I will always be here for you as your brother. Not by blood but by heart. Just follow what your heart tells you. Maaayos niyo ding mag asawa ang problema niyo. Just let him, Isabela. Let him..." tumango ako na para bang nakikita nito ang aking pagtango. Umupo si Caine sa kawayang upuan at niyakap ako mula sa bewang ko. Ipinulupot nito ang dalawa nitong kamay sa bewang ko. Napayakap naman ang kaliwang kamay ko sa leeg nito habang ang isang kamay ko ay hawak ang cellphone at kausap Pa rin si Lewis. "Thank you so much, Lewis. We will be okay and that's a promise. Ingat sa pagmamaneho. We'll wait for you." napatingin ako kay Caine ng tumingala ito mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. "Okay, see you, Isabela." paalam na nito. Hindi na nito hinintay pang sumagot ako. The line went dead. Pagkabalik ko ng cellphone ko sa aking bulsa ay hinawakan ko ang magkabilaan nitong pisngi at ngumiti. "Thank you, Asawa koh, for giving me the chance to explain. Thank you for believing in me. I wont let that happen again, Asawa koj. I promise..." nangangakong sambit nito. "Let's forget what happen, Caine. Don't make promises. Just do it. Let's start again and this time..." putol ko habang masuyong hinahaplos ang mukha nito. Napapikit ito at hinuli ng kanan nitong kamay ang isa sa kamay ko at pinananitili nito iyon sa kanyang mukha. "...let's take it to the next level." Bigla itong napamulat at hindi makapaniwalang tumingin sa kin. Caine is my first on everything. Alam ko na hindi na lang pagkagusto ang nadarama ko sa kanya. Gusto ko munang makasigurado sa sarili ko bago ko ito aminin sa kanya. "A-are you su-re?" halos mautal utal nitong tanong sa akin na tinanguan ko. "You're not joking atound? You're serious?" sunod sunod pa din nitong tanong na tinawanan ko. "I'm serious, Caine. I want to give it a try. I feel cared and safe with you around. Those days that we weren't together are those times I feel like dying because of loneliness. I missed you so much." pag amin ko dito. "I'm so very happy, Asawa koh. I dont know what to say right now. But I have one thing that I missed so so much." dahil nakaupo ito at nakatayo ako sa harap niya ay nakatingala pa rin ito. "Please call me Asawa koh again. I missed that, so damn much. Please..." ngumiti ako dahil hindi naman na nito kailangan pang makiusap pa sa akin. I missed that too. "Asawa koh..." lambing ko dito at mahigpit na iniyakap ang dalawa kong kamay sa leeg nito. "...please dont do things that will hurt the both of us." pakiusap ko dito at isinubsob ang mukha ko sa leeg nito. "I won't, Asawa koh. I won't..." sagot nito at niyakap na din ako nang mahigpit. We stayed like that for a couple of minutes bago namin naisipang bumalik na sa bahay para tumulong sa pag aasikaso sa mga taong dumating sa huling gabi ni Inang. Fixing and trying to gain the trust that was lost was very hard. Lalo na kung ang taong ito ay nasaktan mo ng sobra. But, let me tell you this. Sa pagmamahal, kailangan mong maramdaman ang sakit na dulot nito. Trust is hard to earn but easy to lose. When you get it from the people whom you love. Do everything not to break it. Because when someone's trust is broken. You will suffer and hard to bring it back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD