Chapter 17

2078 Words
Caine Simula nang magwalk out si Isabela sa hotel room ko that time ay hindi ko na siya nakita pa. Sinundan ko siya kahit sobrang sama ng pakiramdam ko pero hindi ko na siya inabutan. Kinabukasan, bumalik na din ako ng Manila kahit hindi pa tapos ang shooting. Alam naman nila na masama ang pakiramdam ko kaya pumayag na sila na mauna na akong umuwi. Pagdating ko sa bahay namin ay hindi ko na siya nakita. Wala namang nagalaw sa mga gamit nito. Pero ilang araw na ay hindi pa rin siya umuuwi dito sa bahay. Sinubukan ko siyang puntahan sa opisina nito pero nakaleave daw siya. Pinuntahan ko din ito sa bahay nila pero lagi itong wala. Ang ginawa ko na lang ay inabangan ko na  ito hanggang sa makauwi siya. Nang makita kong papasok ang sasakyan nito sa bahay nila ay agad akong lumabas at pumasok na sa gate na pinasukan ng sasakyan nito. Pqgkababa pa lang nito ng sasakyan ay agad ko siyang niyakap mula sa knayang likuran. Sobrang namiss ko siya pero tahimik lang itoat hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan nito. "Please, let's talk, Asawa koh." pakiusap ko dito. Nanatili lang siyang walang imik. "I can explain everything. Wala akong ginagawang masama. She just came to help me. Walang namamagitan sa'min ng babaeng 'yon. Please believe me." pagsusumamo ko. "I don't need your explanation, Caine. Our deal is broken and you must stay away." malamig nitong saad sa akin. "No. Hindi pa tapos ang ugnayan natin, Asawa ko. Just let me explain. Ipapaliwanag ko sa'yo ang nangyari. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Please, believe me." mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya pero nanatili itong nakatayo lamang. "Bitaw." isang salita lamang ang binigkas nito pero maraming kahulugan. Umiling ako, "I can't, Asawa koh. I just can't let go. Let me explain." "Nothing to explain, Caine. I have no time for this today. Just please, hayaan mo na muna ako." nakikiusap na sambit nito. "Give me a little time to explain. Hindi ako nagloko. She just help me. I promise." pagpapaliwanag ko. "Are you done? I heard enough, Caine. Let go. Marami pa akong gagawin and it doesn't  include talking to you. Just wait for the papers, Caine. Wala na dapat tayong pag usapan pa. Maliwanag ang usapan natin noon. But you broke it. Let's face it, Caine." parang piniga ang puso sa sinabi nito. "No, Asawa ko. We need to talk and clear things between us. Nagsisimula pa lang tayo, Asawa koh. I made a mistake. But please, pag usapan natin ito." pakiusap ko. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang nakayakap sa kanya. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg nito. "Wala na tayong pag uusapan pa, Caine. Get lost. Ayoko nang makita ka. You broke it and nothing to fix." agad nitong kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Dahil mas malakas ako ay hindi nito natanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Pinilit ko siyang iniharap sa akin. Nang maiharap ko na ito sa akin ay nakita ko ang walang emosyon nitong mata. Hinawakan ko ang magkabilaan nitong pisngi at hinaplos ito. "Sorry, Asawa ko. Please... Let's fix this. Ayokong mawala ka." puno ng pagsusumamo ang pakiusap ko. Umiling lamang ito sa akin at hindi na muling nagsalita pa. Nang inilapat ko ang labi ko sa labi nito ay hindi siya tumugon. Doon nawasak na nang tuluyan ang puso ko. "Mahirap ba sa'yong pakinggan ang paliwanag ko, Asawa ko? I didn't do anything. That girl you were saying is our medical team at inaalalayan lang niya akong humiga dahil masama ang pakiramdam ko at nahihilo ako. You see it in a wrong way, Asawa ko. Please... hindi kita niloloko. Kahit kausapin mo pa 'yong babae na 'yon." pagpipilit ko pa ngunit nanatili itong tahimik. "Let's talk some other time, Caine. I have so many important things to do that doesn't include you. Just stay away, will you?" walang emosyong pakiusap nito sa akin na ikinalaglag ng balikat ko. Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa mukha niya at tumayo sa harap nito. Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang itong tumalikod at naglakad na papasok. Bago pa man ito makapasok sa pinto ay tumigil ito. Nabuhayan naman ako ng loob dahil doon pero agad ding bumagsak nang marinig ko ang sinabi nito. "You know your way out. Just help yourself." saad nito at tuluyan ng pumasok sa loob. Bagsak ang balikat kong naglakad papalabas ng garahe nila. Ayoko pa sanang umalis kaso halata ko naman na ayaw niya akong pakinggan at kausapin. "Babalik na lang ako." sambit ko habang nakatingin ako sa bahay nila mula sa aking kotse. Nagtagal pa ako doon ng isang oras hanggang sa naisipan ko ng umalis. Bibigyan ko muna siya ng sapat na oras para makapag isip. Dumiretso ako sa bar ni Morgan. Dahil hapon pa lang ay siya lamang ang nandoon para asikasuhin ang bar nito. Nagulat pa ito nang makita niya akong umupo sa tabi nito. "Oh, what brought you here?" tanong agad nito at nakangiting humarap sa akin. Bago ako sumagot ay humingi muna ako ng alak sa waiter. "Give me your hardest drink." utos ko na agad nitong sinunod. "You didn't answer my question. What brought you here? Did you and Isabela had a fight? Hindi ka naman siguro maglalasing kung walang problema." sabi nito pero hindi ko siya pinansin at napabuntong hininga na lamang. "Staying silent is more visible than talking. Spill, bro." hindi ko siya tinignan bagkus ay ininom ko lahat ang laman ng ibinigay ng waiter na alak ko at pinasalinan ko pa ito. "Woaahh! Hindi ka naman siguro maglalasing, Caine?" gulat na tanong nito pero sinagot ko lang ito ng sunod na pag inom sa alak. "Wait there, Caine. Hindi masosolusyunan ng alak ang problema mo. You can tell me or the others." suhestiyon nito na inilingan ko. "Nothing I can do. f**k this life!" sigaw ko. Buti na lang ay wala pang tao dito sa bar dahil close pa sila. "You can do anything, Caine. Just give her time." payo nito. "It's been five days, Morgan. f*****g five days! But she insisted talking to me! And then she told me just to wait the papers! We doesn't even talk to fix it. Nagdesisyon na agad siya." nanlulumong saad ko at ininom ulit ang alak sa baso ko. "Baka naman may pinagdadaanan siya or  may nagawa kang mali?" tanong nito. "She mis-understand everything, Morgan. Akala niya siguro ay babae ko 'yong medical team na babae na umalalay sa akin sa hotel room ko sa Cebu." paliwanag ko. "Cebu?" kunot noong tanong nito sa akin. "How did she get there?" ako din mismo ay hindi alam kung ano ang ginagawa niya doon. She didn't mention to me that she'll go and visit me there. "I dont know, Morgan. I was shocked too. Hinabol ko siya kahit nahihilo ako pero hindi ko na siya inabutan pa. I even called her a million times pero hindi na nito sinagot ang tawag ko." malungkot kong kuwento dito. "I dont know what to say, Caine. Kahit saang anggulo mo tignan ay nakita ka niya with some other girls. Talagang iisipin nito na babae mo siya. In your hotel room and kayong dalawa lang. Talagang mag iisip ng iba 'yon. Hindi siya pinanganak kahapon, Caine. She have her mind and we cant handle what she thinks. Bigyan mo na lang siya ng oras para makapag isip. Kapag makita mo na siyang ayos ay doon mo siya kausapin." dagdag payo nito sa akin. "I cant live without her, Morgan. Nasanay na akong kasama siya. And it f*****g hurts me na malaman na wala itong tiwala sa akin. It hurts like hell." pag amin ko dito. "She just needed time to think, Caine. Give her that." napatingin ako dito sa sinabi nito. "If I gave her that. Will she come back?" tanong ko. Hindi ito sumagot. " See..." sambit ko at tinungga ulit ang alak. "Nothing is impossible, Caine. Kung alam mo naman sa sarili mong wala kang ginawang mali. Be confident na maaayos mo din ang gusot sa pagitan niyo. I'll leave you here. May lakad ako and I dont want her to wait much longer." paalam nito sa akin na ikinangiti ko. "You really get along with Magenta pretty fine, Morgan. Goodluck." tinapik ko ang balikat nito. "Thank you, Bro. Just like you, we have so many things in our pocket pero hindi namin hinahayaang talunin kami nito. We can make solutions and so do you. Cheer up! Maaayos niyo din yang gusot niyo. Tiwala lang." tumayo na ito at tinapik nang mahina ang balikat ko bago ito tumalikod at umalis na. Naiwan akong nakayuko at nag iisip. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. All I know is that I want her to talk to me. Gusto kong iexplian sa kanya at ipaintindi dito na hindi ko sinira ang kasunduan namin. "Akala ko may lugar na ako sa puso niya. Wala pa pala." malungkot kong saad at uminom na lang. Kahit anong inom ko ng alak ay hindi pa din maalis sa isip ko ang sakit. Umasa akong may lugar na ako pero nagkamali pala ako. Ang dali niya akong husgahan ng hindi man lang niya pinakinggan ang paliwanag ko. Nang maramdaman ko ang pagkahilo ko ay agad akong tumayo at nagbayad bago umalis. Dumaan muna ako sa bahay nila at nanatili doon ng isang oras bago tuluyang umuwi. Kinabukasan, napabangon ako sa tunog ng telepono ko. Sa pag aakalang si Isabela ito ay mabilis pa sa alas kuwatro akong bumangon at tinungo kung nasaan ang telepono. "Asa--" naputol ang pagtawag ko dito ng marinig ko ang boses ni Morgan sa kabilang linya. "Do you heard the news, Caine?" napakunot ang aking noo sa sinabi nito. "What news are you talking about? I just woked up." sabi ko at tumingin sa orasan sa dingding. "Alas onse pa lang ng umaga, Morgan. Ano namang balita ang hindi mo nasabi kagabi sa akin at tinawagan mo pa ako ngayon?" "Wala ka ngang alam, Bro. Isabela needs you right now." dahil sa sinabi nito ay agad akong napatayo sa kinauupuan ko at napamulat ng mata. "What do you mean, Morgan. Get straight to the point." kinakabahan ako sa maaari nitong sabihin. "Their Inang died this morning and we both know that she really love her Inang so much." bago pa man nito naituloy ang sasabihin niya ay pinutol ko na ito. "It's not a good joke, Morgan. Who told you that?" medyo napapataas na ang boses ko sa sinabi nito. Sa halos isang buwan kasi naming mag asawa ni Isabela ay ilang beses ko na itong nakasama. She's really kind and easy to love. "It's not a joke, Caine. Magenta told me that. Kasama niya ngayon si Isabela and she's crying all her heart out. She needs you." hindi ako nagdalawang isip na tumungo sa loob ng closet ko at naglabas ng aking isusuot. "Salamat sa pagsasabi sa akin, Morgan. I got to go. Kailangan ako ng asawa ko and I must be there by her side right now." paalam ko dito. "Your always welcome, Bro." pinatay ko na ang tawag at nagmadali na akong pumasok sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas na din ako ng banyo para magbihis. Hindi ko nga alam kung ilang minuto lang ang itinagal ko sa banyo basta ang importante sa akin ngayon ay makarating sa tabi nito. Kahit alam ko na galit pa ito sa akin ay okay lang. Basta ang sa akin ay nandoon ako sa tabi niya kung kailan kailangang kailangan niya ako. Mabilis akong nakarating sa hospital na tinext ni Morgan sa akin. Pagdating ko doon ay wala silang magkakapatid. Ang nadatnan ko lang ay ang asawa ng panganay nilang kapatid. Nang makita niya ako ay agad akong nakipagkamay at nangamusta. He told me that the burial is on their province. Nang tanungin ko si Isabela ay umuwi daw silang magkakapatid para kumuha ng mga gamit nila pauwing probinsiya. Hindi na ako sumunod sa bahay nila. Hiningi ko na lang ang adress nila sa probinsiya para agad akong makasunod sa kanila. Hindi naman ako nabigo dahil agad nitong binigay ang address. Nag usap pa kami sandali hanggang sa magpaalam na akong kukuha din ng gamit ko at susunod sa mga ito. Pumayag naman ito at ibinilin nito si Isabela sa akin. Losing someone in your life gives you so much heartaches and bitterness. Pero wala tayong magagawa dahil may plano ang Diyos sa lahat ng pagsubok at trahedyang dumating sa mga buhay natin. Learn to accept it and think of the possibilities. When the door closes there will always be a window that are always open. May plano ang Diyos at magtiwala lang tayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD