Chapter 16

2099 Words
Isabela Pagkabalik ko sa hotel na tinutuluyan namin ay agad akong humiga sa kama padapa at hinayaan ang sarili kong ilabas lahat ng sakit. Hindi ko alam kung bakit parang nagkapiraso-piraso ang puso ko. Sobrang sakit nang nararamdaman ko at hindi ko na ito maipaliwanag pa. Ang usapan namin ay walang babae sa buhya nito bukod sa akin. Pero ano 'yong nadatnan ko kanina? He's with someone else! And take note. Sa tinutuluyan nitong kuwarto. "Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kahapon at madalang kang tumawag! Yun pala, may pinagkakaabalahan ka!" sigaw ko at mas humagulgol pa. Narinig kong tumunog ang phone ko pero hinayaan ko lamang ito. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ito. "Damn you!" sigaw ko. "Nagtiwala ako sa'yo! Pero anong ginawa mo?!" napatihaya ako at pinakatitigan ang kisame. Biglang pumasok sa isip ko ang eksenang naabutan ko. Kahit anong gawin ko ay hindi maalis sa isip ko ang nakita kong babaeng kasama niya at halos nakayakap na sa kanya. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iyak ko. Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng personal ringtone ko. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang phone ko sa bag. Nang makita ko ang pangalan ni Ate Katherina ay mapait akong napangiti. Gusto kong umiyak sa balikat niya para mawala ang sakit pero ayokong mag alala sila sa akin. Pagkasagot ko ng tawag ay kumabog nang malakas ang puso ko nang marinig ko ang pag iyak ng nasa kabilang linya. "Ate Katherina, why are you crying?" kinakabahang tanong ko. "Si I-nang..." mas lalo naman akong kinabahan sa binanggit nito. Halos lumabas na sa dibdib  ko ang aking puso dahil sa pagtibok nito nang malakas. "A-nong si I-nang, Ate? May nang-yari ba?" nagkandautal-utal na ako sa pagtatanong dahil sa sobrang kaba. "Tell me, she's okay, Ate." pakiusap ko dito. Pero nang umiyak ito nang mas malakas pa ay parang dinudurog mas lalo ang puso ko. Naririnig ko sa kabilang linya ang pagpapatahan ni Kuya Marco sa kanya pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak. "Just go home, Isabela. Dito na namin ipapaliwanag sa'yo." mababanaag mo sa boses ni Kuya Marco na umiyak din ito. "No, Kuya. Tell me now. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman." pilit ko dito. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito bago ulit nagsalita. "We rushed Inang to the hospital this morning. And as of now..." he paused and breathe heavily. "...Inang is in state of coma." Nabitawan ko ang telepono ko at dire-diretso na namang naglandas ang aking mga luha. "No. Kuya Marco is lying." umiiling iling ko pang sambit habang pinupulot ang phone ko. Kuya Marco never lie to us kaya ang hirap tanggapin. Nang tignan ko ang screen ay naka-on pa din sila kaya minabuti kong magsalita ulit. "It's not a good joke, Kuya Marco. Bawiin mo ang sinabi mo." medyo tumaas ang boses ko. "Don't raise your voice to your Kuya Marco, Isabela!" galit na sigaw ni Ate Katherina. Bigla naman akong natauhan sa ginawa ko. "I'm sorry, Kuya and Ate." nakayuko ko nang sabi habang umiiyak ulit. "Hindi ko sinasadya. Na-carried away lang ako dahil sa pag alala. Please forgive me." hingi ko pa din ng tawad sa kanila "We understand you, Isabela. Just go home. We'll wait for you. I need to hang up. Kailangan kong patahanin ang Ate mo dahil simula kanina pa ay iyak lamang ito nang iyak. Makakasama sa kanya ang sobrang pag iyak." tumango-tango ako habang umiiyak pa din. Nang mawala na ito sa kabilang linya ay nanghihina akong napadausdos sa kama. "Bakit ganito?" humahagulgol kong tanong sa kawalan. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa tumayo na ako at kinuha na ang bagahe ko. Saktong pagbukas ko ng pinto ay ang nag aalalang mukha ni Lewis ang nabungaran ko. "Marco called--" hindi ko na siya pinatapos pa dahil yumakap na agad ako dito. Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil parang sasabog na ang puso ko sa sakit at pag aalala. "Everything will be just fine, Isabela." bulong nito sa akin habang hinahagod nito ang aking likuran. "Inang will recover. Hindi  niya kayo iiwan ng basta basta lang. Cheer up!" pinasigla nito ang boses nito pero umiiyak pa din ako. Alam ko na hindi kami iiwan ni Inang pero may parte ng puso ko na sumisikip kapag naaalala ko siya. "Let's go, uwi na tayo ng Manila." napatingin ako dito kahit umiiyak pa ako. Umiling ako, "you stay here, Lewis. I can manage to go home. Ikaw na muna bahala ang maghanap kay Valerie. We must find her before the hearing." Tumango ito. "Okay. Atleast, I can take you to the airport." hirit pa din nito na agad ko na lang tinanguan. Wala akong lakas ngayon para makipagtalo. Pinunasan muna nito ang luha ko bgao niya kinuha ang maleta ko at inakay niya na ako palabas ng kuwarto. Pagdating namin sa receptionist ay agad akong nagcheck out. Wala pang ilang minuto ay lulan na kami ng kotse ni Lewis papuntang airport. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na namamalayang umiiyak na naman pala ako. Hindi ko kasi maiwasang mag alala para kay Inang. Sumasabay pa si Caine sa isip ko. Ipinilig pilig ko ang ulo ko para maalis sa utak ko si Caine. There is no room for Caine right now. We agreed in one condition but he failed. Saka ko na aayusin ito kapag maayos na ang lagay ni Inang. Taimtim na akong nagdadasal habang nasa biyahe kami papuntang airport. Nang makarating na kami ay agad akong pumasok. Buti na lang ay may connection si Lewis kaya madali na lang kaming nakakuha ng plane ticket ko pabalik. Inihatid ako ni Lewis hanggang sa may pasukan. Niyakap ko muna ito bago ako ngumiti. Alam kong pilit na ngiti lamang ito pero gusto kong makita nitong ayos lang ako. Khait alma ko sasarili kong hindi. "Faking your smile isn't a good idea, Isabela. Sometimes, you have to let it go. You have to cry and let it out. Kailangan mo 'yon, Isabela, you have to be strong enough to face it all. Basta tandaan mo lang na andito lang ako lagi." payo nito sa akin na ikinatango ko. "Thank you, Lewis, for always being there for me. Kahit lagi kitang binubully. Alam mo namang mahal na mahal kita. Thank you so much. Ingat ka dito. Kung talagang hindi mo siya mahanap, just let it be. Hindi naman siguro ikakasira ng imahe natin ang isang pagkatalo." saad ko dito na ikinatapik nito sa balikat ko. "Don't worry, Isabela. I will find her no matter what. Bago dumating ang hearing ay nakita ko na siya. Trust me, Isabela. We will win." paninigurado nito sa akin. Kahit kailan talaga ay positive ito lagi. "Take care, Lewis. Mauuna na ako." paalam ko dito. Tumango na ito bago niya ako niyakap at hinagod ang likod ko. "Take care too, Isabela. Just always pray. You know him, he can do impossible things. Just trust him. I love you my little sister." humigpit ang yakap ko dito. Sa kanya ko kasi nararamdaman ang pakiramdam na magkaroon ng kapatid na lalake. Nang kumalas ito sa akin ay ngumiti ito at pinunasan ang luha ko. "Stop crying. Pumapangit ka na niyan, oh." tuluyan akong napatawa sa sinabi nito. "Thank you, Lewis. I love you too. See you." paalam ko dito at nag umpisa na akong maglakad patungo sa loob. Isang sulyap muna at kinawayan ko ito bago ako tuluyang nakapasok. Nang makapasok ako sa loob ng eroplano ay agad akong naupo sa designated seat ko at tinanaw ang labas. Makulimlim ang kalangitan at parang nagbabadya ito ng ulan. Parang umaayon ang kalangitan sa nararamdaman ko. If only I could fly back home, ginawa ko na. Ayokong makita si Inang sa ganoong sitwasyon. It's breaking me apart. Umiiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makarating ako ng Manila. Pagdating ko sa hospital ay mas lalong nanlumo ang pakiramdam ko nang makita ko ang histsura ni Inang. She's lying on a hospital bed with tube on her mouth. Tapos may kung ano-ano pang nakakabit na dextrose sa magkabilaan nitong kamay. "How is she, Ate Katherina? Anong nangyari kay Inang?" umiiyak na tanong ko habang nakaupo ako sa tabi nito at nakahawak ako sa kamay ni Inang. "Sinabi ng doctor na hindi naagapan ang heart attack niya. Kung hindi pa siya hinanap at tinignan sa kuwarto nito ay malamang na wala na si Inang sa mga oras na ito. Hindi niya sinasabi sa atin na may nararamdaman na pala itong kakaiba sa katawan niya." umiiyak ding sagot ni Ate Katherina sa akin. Niyakap siya ni Kuya Marco at pinapatigil dahil makakasama na talaga dito ang sobrahang pag iyak. "Alam na ba ito ng dalawa?" tanong ko at nang maalala ko si Kasandra ay natakot ako. Alam naming tatlo kung gaano maaapektuhan ito kapag nagkataon. "Si Pamela, pumunta saglit sa hospital na pinagdudutihan niya para magleave. Si Kasandra naman..." napatigil ito sa pagsasalita at tumingin sa akin ng nag aalala. "...hindi ko pa sinabi dahil baka anong gawin nito. Ipapasundo ko siya kay Kuya mo mamaya pagkatapos ng klase niya." tumango tango ako at inihilig ang mukha ko sa kamay ni Inang. Kahit sa ganitong paraan lang ay maramdaman ko ang init ng palad nito. "Gagaling si Inang, Ate. Tignan niyo. Magigising na siya bukas. Alam naman nating lahat na hindi tayo kayang iwan ni Inang, 'di ba, Ate?" tumingin ako kay Ate. Tumango ito habang nagpupunas ng luha. "Siyempre naman. Kaya huwag ka nang umiyak, Isabela. Bukas ay magigising na si Inang. For now, hayaan na muna natin siyang magpahinga." sumang ayon naman ako sa sinabi ni Ate Katherina. Ilang minuto pa ang nakalipas ng dumating na si Pamela. Katulad ko ay mugto din ang mga mata nito dahil sa pag iyak. Nang makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin at yumakap habang umiiyak din. "Bakit kay Inang pa nangyari ang ganito? Ang lakas lakas niya pa kahapon habang kausap ko. Pinagluto niya pa ako." umiiyak nitong sumbong habang nakaluhod sa akin at nakayakap sa aking bewang. Hinagod ko ang buhok nito at itinaas ang mukha niya. "Tama na, Pamela. Magiging okay lang si Inang. Tignan mo, gigising na 'yan bukas at papagalitan niya tayo." biro ko. Sinusubukan kong pagaanin ang loob nito kahit alam ko naman sa sarili ko na parehas lang kami nang nararamdman. Magsasalita sana ito ng biglang tumunog ang telepono niya. "Sasagutin ko lang ang tawag ate baka importante." paalam nito sa akin na tinanguan ko. Pinunasan ko muna ang luha nito bago tinulungang tumayo. Nang makalabas na ito ay napatingin ako kay Inang. Malungkot akong nakatitig sa hitsura nito. Napatingin kami ni Ate Katherina sa pinto nang marinig namin ang boses ni Kasandra na umiiyak. Nag aalala ako para dito dahil alam naming lahat na siya ang pinakamahina sa aming apat. Pagbukas ng pinto ay tumambad sa amin ang umiiyak na Kasandra. Mugto na ang mga mata nito. Halata sa mata nito ang matagal ng pag iyak. Nang tumakbo ito papunta sa tabi ni Inang ay mas lalong lumakas ang hagulgol nito. Niyakap nito si Inang. At pilit na ginigising. Lumapit na ako sa kanya at  hinila ito ng kaonti palayo kay Inang. "Kasandra, kailangang magpahinga ni Inang. Magigising din siya." pagpapagaan ko sa loob nito. Pero tinignan niya lang ako habang umiiyak. "Paano, Ate? Kung ano-ano ang nakakabit kay Inang. Sabihin ninyo sa akin na maayos lang siya at gigising din siya agad." humahagolgol nitong sabi at humawak na sa kamay ni Inang habang nagmamakaawang nakatingin sa amin. Naaawa ako sa hitsura nito. Kahit pagaanin ko ang loob nito ay alam ko na hindi ito basta basta maniniwala. Matalino siyang bata at alam ko na bago ito pumunta dito ay alam na nito ang kalagayan ni Inang. Lumuhod na lang ako dito at mahigpit itong niyakap. Ayoko sanang umiyak sa harapan nito pero wala naman akong magawa dahil kahit ako ay pinanghihinaan din ng loob. Sa nalaman ko kay Kuya Marco ay nag aalala din ako. Pero pilit kong pinapatatag ang loob ko. "Gigising si Inang, Kasandra. Hindi niya tayo iiwan. Magpakatatag ka at magdasal tayo lagi. She will survive, Kasandra. Malakas si Inang at ayaw niya tayong iwan." sabi ko dito at hinahagod hagod ang likod niya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito. Nanatili kaming nakayakap sa isat isa hanggang sa lumapit na si Ate Katherina  at Pamela sa tabi namin at yumakap din ng mahigpit sa amin. Having struggles in life makes you realize your worth. Hindi sa lahat ng oras ay kaya niyong harapin lahat ng pagsubok nang mag isa niyo lang. Sometimes you need someone's help to ease your fear and loneliness. Dahil alam niyo sa sarili niyong hindi niyo kakayanin ng mag isa lang. Be brave enough to face and ask for help. Huwag mong solohin dahil andiyan sila para tulungan ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD