Chapter 15

2131 Words
Isabela Dahil sa naudlot naming weekends, naging busy ako sa paghahanap sa witness namin. Sa nagdaang dalawang araw ay kasama ko siya laging naghahanap at nagtatanong-tanong. Pero ngayon araw ay kailangan na nitong bumalik sa trabaho niya. He needs to be in Cebu for a week. Ayaw sana nito kaso sinabi ko na ayos lang ako. Kasama ko naman si Lewis lagi. Nag alangan pa ito pero wala din itong nagawa. "My investigator reported to me that she's been seened around Cebu area. I don't exactly know where area is that. But my investigator listed some places." Lewis informed me na nakapagpatingin sa akin at nakapagpabalik sa huwisyo ko. "Are you sure about that?" naniniguradong tanong ko. Malaman ko palang na sa Cebu ang next destination namin ay natuwa ako. Maybe I can pass by Caine kapag natapos na kami sa paghahanap. "Yes. One is at Basilica Minore Church and the other are places with small communities. Parang sinasadya nitong hindi magstay sa iisang lugar lamang." pahayag pa nito. "I will be going this afternoon. Nakapagpabook na ako sa isang hotel sa Cebu City. I will start digging hanggang sa mahanap ko siya." napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Bakit wala ata akong alam tungkol sa pagpunta niya ora-orada sa Cebu? Hinarap ko siya. "Bakit wala ka atang sinasabi sa akin tungkol diyan? Tapos nakapagpabook ka na. Are you planning on  leave me behind, Braganza?" seryosong tanong ko dito na ikinakamot nito sa kanyang batok. "It's not what you think, Isabela. You're a busy person at madami ka pang tambak na pipirmahan." nag-aatubiling sambit nito. "I don't care about this papers." turo ko sa mga papeles na nagkalat sa mesa ko. "Ang importante sa akin ay ang mahanap natin siya agad. We have two weeks more bago ang hearing. And I want to personally find her." "Sorry, Isabela. I'll just add one more room sa pinareserve ko." sabi nito at parang hindi makatingin sa akin ng diretso. "It's okay, Lewis. Alam mo naman na kapag ganitong problema, eh, maaasahan mo ako at hindi mo ako mapapaiwan ng basta basta lang." saad ko. "Again, I'm sorry. I'll go ahead. I'll call the hotel and pack my things too." paalam nito na tinanguan ko. Inayos ko muna lahat ng papeles sa mesa ko at isinilid lahat iyon sa attache case ko. Dadalhin ko na lang sila para kahit nasa Cebu ako, may matapos pa din. Nang matapos kong maayos ang opisina ko ay agad na akong umuwi sa bahay para makapag-empake. Gabi na nang makarating kami sa hotel.  Mas minabuti muna naming magpahinga na lang bago namin umpisahan ang paghahanap kinabukasan. Pagpasok ko sa hotel room ko ay agad kong inilagay sa gilid ng kama ang maleta ko at umupo sa kama. Naisipan kong tawagan si Caine pero hindi ko muna sasabihing nandirito ako sa Cebu. Gusto ko siya isurprise bukas ng gabi pagkatapos naming maglibot para hanapin si Valerie. Nang tawagan ko siya ay walang sumasagot. Nakailang rings na pero ganoon pa din. Dinial ko ulit pero ganoon pa din. Tuluyan na akong nainis ng pangatlong ring, wala pa ding Caine na sumagot sa tawag ko. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Nang makita kong late na ay napabuntong hininga na lang ako. "Baka tulog na 'yon." sambit ko at inalis muna ang sapatos ko bago humiga. Gusto ko sanang maghalf bath kaso tinatamad na akong bumangon. Hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Lewis para maghanap. Una naming pinuntahan ang maliliit na communities kung saan unang nakita si Valerie. "Hello po." bati ko sa may ari ng store sa isang baryo. "Hello din, Ineng. Bagong salta ata kayo dito?" balik bati nang matanda sa akin at nagtanong habang pinupunasan ang mesa na nasa harapan ng tindahan nito. "Sa katunayan po niyan. May hinahanap lang po kaming tao. May nakapagsabi po kasi sa amin na nakita po nila ito dito sa lugar niyo." saad ko. Napatingin naman sa akin ang matanda at umupo sa may kawayang upuan. "Maupo ka muna, Ineng. May litrato ba kayo ng hinahanap niyo?" tanong nito na tinanguan ko saka tumingin kay Lewis na nakaupo sa katapat naming upuang gawa sa kawayan. "Lewis, akina yung litrato ni Valerie. Baka nakita na ni Manang." sabi ko kay Lewis. Agad namang kinuha ni Lewis ang litrato sa bag niya at iniabot sa akin habang nagpupunas ng pawis nito sa noo. Agad kong tinanggap at agad na lumapit sa matanda saka pinakita ang larawan. "Parang pamilyar ang mukha ng babaeng ito." sabi ng matanda na tila ba nag iisip pa. Hindi naman ako nagsalita, hinintay ko lang na magsalita ulit ito. "Tama!" malakas na sambit nito na nakapagpaliwanag sa mukha ko at tumitig dito. "Kilala niyo po ba siya, Manang? Kailangang-kailangan po kasi namin siyng makita." seryosong sabi ko sa matanda. "Oo galing nga dito 'yang babaeng 'yan. Ang natatandaan ko, kay Ka-Mario siya nanuluyan ng tatlong araw pero umalis din." bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi nito. "Tanungin niyo si Ka-Mario baka alam nito kung saan pumunta 'yang babaeng 'yan." nabuhayan naman ako ng pag asa sa sinambit nito. "Maraming salamat po, Manang. Kung hindi niyo po mamasamain. Pwede ko po bang malaman kung saan ang bahay ni Ka-Mario?" tanong ko. Tumango ito, "diretsuhin mo lang itong daang ito, Ineng. Sa dulo, may likuan sa kaliwa. Lumiko ka doon, pagkatapos may makikita kang kubo na gawa sa pawid. Sa likod ng kubo na 'yon naninirahan si Ka-Mario." tumayo na ako at yumuko dito bilang pasasalamat. "Maraming salamat po, Manang. Malaking tulong na po sa amin ang sinabi niyo. Pasensiya na po sa abala." pasasalamat ko at humingi na din ako ng tawad. Siyempre naistorbo ko siya sa gingaawa niya. "Walang anuman, Ineng. Masarap sa pakiramdam ang makatulong. Parang init na init na po ang nobyo niyo." napamulagat ako at natawa sa sinabi ng matanda. "Hindi ko po siya nobyo, Manang. Kaibigan ko lang po siya." saad ko saka bumulong sa matanda. "Saka malakas po ang topak niyan kung minsan." napatawa ang matanda saka tumingin kay Lewis na nakakunot na ang noo sa pagtataka. "Hindi halata, Ineng. Sa guwapo niyang 'yan, hindi mo pagkakamalan." sabay kaming natawa ni Manang. Nang tumigil na ito sa pagtawa ay agad kaming nagpaalam. Nakipagkamay muna ako dito saka nagpasalamat ulit bago kami tuluyang umalis. Habang naglalakad kami sa bako-bakong daanan ay siniko ako ni Lewis. Alam kong nacucurious siya sa pinag-usapan namin ng matanda dahil hanggang ngayon ay hindi na maalis alis ang kunot sa noo nito. "Anong sinabi mo kay Manang at bakit ang lakas ng tawa niya habang nakatingin sa akin?" tanong nito habang naglalakad kami. Tumawa lang ako at hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko na lang na hindi na ito sumasabay sa paglalakad ko. Nang mapatingin ako ay nakatigil ito sa gitna ng daan at nakasimangot. Natawa na naman ako. "Tama na 'yang pagpapacute mo, Lewis. Hindi mo bagay kasi hindi ka naman cute." biro ko dito at nginitian siya. "Ano ba kasing sinabi mo kay Manang at tinawanan niya ako?" tanong uli nito. Hindi talaga ito titigil hangga't hindi nito nalalaman ang sinabi ko. "Wala 'yon, Lewis." nagpatuloy ako sa paglalakad. "Isabela naman, eh. Hindi matahimik ang utak ko kapag hindi ko nalaman 'yon. Malay ko ba kung pinagkakanulo mo na ako." nakasimangot na saad nito. Napatingin ako dito at tinapik ito sa balikat. "Ang sabi ko sa kanya..." sinadya kong bitinon ang sasabihin ko. "Pabitin, eh, noh, Isabela? Diyan ka talaga magaling." mas lalong sumama ang mukha nito kaya natawa na naman ako. "Sabi ko ang guwapo mo kaso ang lakas lang ng topak mo kung minsan." napangiti naman ito sa sinabi ko pero maya-maya lang ay napasimangot din ito. "Pinuri mo na nga ang kaguwapuhan ko. Ininsulto mo naman sa huli. Ikaw na talaga, Isabela." inirapan niya ako. "Pasalamat ka nga pinuri pa kita, eh." mas lalo namang bumusangot ang hitsura ng mukha nito. Naawa naman ako kasi talagang hindi na ito naglakad. Tumigil na ito sa gitna ng daan at nakahalukipkip na doon at tinalikuran ako. "Childish." nakangiting bulong ko sa isip ko. "Halika na, Mr Handsome. Biro ko lang 'yon. Ang sabi ko kay Manang,  ang guwapo mo tapos mahilig ka sa chocolate." napaharap ito sa akin. "Talaga? Hindi mo ako binibiro? Baka sinasabi mo lang 'yan." napailing na lang ako. "Hindi kita binibiro, Handsome. Halika na at baka mangitim ka pa diyan sa sikat ng araw. Sunbathing lang ang peg mo?" napangiti na ito nang tuluyan. Nang talikuran ko siya ay nakita kong humabol na ito sa akin sa paglalakad. Nang marating namin ng bahay ni Ka-Mario ay hinarap naman niya kami. Pero laking dismaya namin ng sinabi niyang hindi daw sinabi ni Valerie kung saan ito tutungo. Bagsak ang balikat naming nagpaalam kay Ka-Mario. Sunod naming pinuntahan ay ang pangalawang komyunidad. Katulad ng una ay hindi din niya sinabi sa tinuluyan niya kung saan ito tutungo. Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa sa resulta. Dalawang baryo lang ang pinuntahan namin pero inabot na kami ng hapon. Sobrang layo kasi ng pagitan ng dalawang baryo. Napagdesisyunan namin ni Lewis na bumalik na sa hotel at ipagpapabukas na namin ang pagpunta sa Basilica Minore. Pagod kaming nakarating sa hotel dahil halos isang oras din ang ibiniyahe namin. Agad akong nagpaalam kay Lewis na magpapahinga muna dahil pupuntahan ko si Caine mamaya. Habang nasa daan kami paakyat sa hotel suite namin ay panay ang tukso nito sa akin na nginitian ko lamang. Bahala siya, basta ang importante ay masaya ako sa piling ni Caine. Nang makarating na ako sa kuwarto ko ay agad kong hinilatasa kama ang pagod kong katawan. Ini-alarm ko muna ang phone ko bago ako tuluyang pumikit. At dahil na rin siguro sa pagod ko ay nakatulog agad ako. Nagising ako sa ingay na nagmumula sa phone ko. Nang tignan ko ay nag aalarm na pala ito. Pinatay ko na ito at dahan-dahang bumangon. Nang mahimasmasan na ako ay agad kong kinuha ang tuwalya at mabilis na pumasok sa banyo para maligo. Ang lawak ng ngiti ko habang naliligo. Iniisip ko pa lang na makikita ko na si Caine ay nagpapasaya na sa akin. Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita dahil sa trabaho nito. Lagi naman itong tumatawag pero parang hindi sapat 'yon. Nang matapos na akong maligo ay agad akong nagbihis. Tinawagan ko na lang si Lewis na aalis na ako. Kinuha ko kanina ang susi sa kanya para hindi ko na siya maistorbo pa. Lulan na ako ngayon ng kotse papunta sa shooting area nila Caine. Ang alam ko ay halos isang oras at kalahati din ang biyahe. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Nang makita kong seven na ng gabi ay napangiwi ako. "Gising pa kaya 'yon pagdating ko?" tanong ko sa sarili ko. "Malay mo, Isabela." sagot ko sa sarili ko saka napatawa. Naloloka na ata ako kasi kinakausap ko at sinasagot ko ang sarili ko at the same time. Hindi naman ako nagkamali. Eksaktong eight thirty nang makarating ako sa resort na tinutuluyan nito. Agad akong nagpark sa harap ng hotel at bumaba na. Nang makalapit ako sa receptionist ay agad kong tinanong kung saan ang kuwarto ni Caine. Magalang naman itong nagtanong. Nang sabihin kong asawa niya ako ay agad nitong binigay ang room number nito. Nakangiti akong naglalakad papunta sa kanya. Nang makapasok na ako sa elevator ay hindi na maalis alis ang ngiti sa labi ko. Nang marating ko na ang numero ng kuwarto nito ay agad akong kumatok. Nakailang katok na ako pero wala pa ding nagbubukas. Nang pihitin ko ang seradura ay bukas ito. Nagtataka man ay hindi ko na iyo isinaisip pa. Baka nakalimutan lang niya itong ilock.  Agad akong pumasok at hinanap iyo sa sala at kusina pero wala ito. Nang mapatingin ako sa kuwarto ay napangiti ako. Naglakad ako papunta doon at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Ang ngiting nakapaskil sa labi ko ay unti-unting napawi nang mapatingin ako sa kama nito. Hindi pa nila ako napansin na nakatayo sa pinto. Hindi ko alam kung bakit parang nadudurog ang puso ko sa nakita ko. Sunod-sunod na namalisbis ang luha sa aking mga mata. Tatalikod na sana ako ng marinig ko ang boses ng babae. "Who are you?" nagtatakang tanong nito. Humarap ako sa kanila. Nakita kong nagmulat ng mata si Caine at napabangon ng makita ako. Nakita kong napahawak ito sa ulo niya pero hindi ko na ito pinansin. Mabilis kong nilisan ang kuwarto nito. Halos takbuhin ko na nga palabas para lang makaalis. Naririnig ko pa ang malakas na pagtawag ni Caine sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinakinggan pa. Diretso ang daloy ng luha ko hanggang sa makarating ako sa kotse ko at tuluyan nang umalis. Sakit, kaakibat 'yan kapag nagmamahal ka. Hindi mo masasabing hindi ka masasaktan. Oras na sumuong ka sa tinatawag nilang pag ibig ay pumayag ka sa mga consequences na maaari mong maramdaman. Sa love, kadalasan ay makakaramdam ka ng sobrang sakit pero isipin mong mabuti. Love is indeed a pain in the heart. But, it will always lead you to find your true happiness in life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD