Chapter 13

2071 Words
Caine Being with her is happiness. Una ko pa lang siyang nakita noon ay naatract na talaga ako sa kanya. She's really are a beauty. Kapag nakikita ko siya sa mga trial courts and cases na hawak nito, talagang sobrang humahanga ako. She's so hot while interrogating people in their seat. "Hintayin mo na lang ako sa kotse, Asawa ko. I'll just talk to my client then alis na tayo." nakangiting saad nito pagkalapit niya sa akin. Katatapos lang nang hearing ng kasong hawak nito. Napatango ako, "Okay, Asawa ko. Just don't make me wait too much longer." Nakangiti itong tumango bago ako hinalikan sa aking pisngi. Nang makaalis na ito sa aking harapan ay hinawakan ko ang pisnging hinalikan niya. Ito ang unang paghalik nito sa akin. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. "A simple act coming from her makes me feel loved. Sana mahalin mo na rin ako." bulong ko habang nakatingin sa gawi nitong nakikipag usap sa kanyang kliyente at pamilya nito. Tumayo na ako at naglakad na palabas ng Trial Court. Sandali lang naman ang pinaghintay ko bago ito dumating. "Sorry kung pinaghintay kita. We discussed some matters over there. Binilinan ko lang yung kliyente ko." hinging paumanhin nito nang makapasok na ito sa loob ng kotse. Nginitian ko siya, "It's okay, Asawa ko. No harm done, saka sandali lang naman akong naghintay." saad ko. "Salamat. Saan tayo?" tanong nito. Pinaandar ko muna ang sasakyan bago ako sumagot. "It's almost four in the afternoon. Magmeryenda na lang muna tayo. Babalik ka pa ba sa office mo?" tanong ko. "Hindi na, Asawa ko. Maaga na lang ako bukas para ayusin 'yong mga naiwan kong mga papers. Saka gutom na ako, hindi pa ako kumain ng tangahalian." nañakunot ang noo ko sa sinabi niya. Agad kong iginilid ang kotse ko at humarap dito. "Hapon na and yet, hindi ka pa nananghalian? Did I not tell you not to starve yourself to death? Tsk!" inis na sambit ko dito. "Sorry... Sadyang busy ako kanina para maalala pa ang kumain, Asawa ko. Madami kasi akong pending files na babasahin at pipirmahan. Then itong hearing ko. Kaya nakaligtaan ko." paliwanag nito na ikinabuntong hininga ko. "Dapat, kahit na anong busy mo. Huwag na huwag mong kakalimutang kumain. Magkakasakit ka sa ginagawa mo, eh." pangaral ko dito. "Oo na po, Asawa ko. Hindi na po mauulit." nakangiti nitong saad at inihilig ang ulo nito sa aking braso na siyang ikinangiti ko. "Tara na po, Asawa ko. Gutom na gutom na po ako." aya pa nito. Agad kong pinaandar ang sasakyan ko at naghanap na ng pinakamalapit na kainan sa lugar. Nang makahanap ako ay agad akong nagpark at sabay na kaming lumabas. Pagpasok pa lang namin ay hindi ko na mapigilang hindi magselos sa mga matang nakatingin sa kanya. Habang naglalakad kasi ito ay hindi mapuknat puknat ang mga mata ng mga kalalakihang kumakain sa restaurant. Binulungan ko siya, "see those bastards?" sabi ko sabay tingin sa paligid. Kunot noo naman itong tumingin sa akin bago niya nilibot ng paningin nito sa mga tinitignan ko. "They are looking at you since we enter that damn door. Lipat na lang kaya tayo." iritado kong suhestiyon dito na ikinatawa lang nito nang mahina. "Nagseselos ang asawa ko." tukso nito at pilyong ngumiti sa akin na ikinasimangot ko. "Sinong hindi magseselos. Tignan mo naman silang makatingin sa'yo. Parang hindi ako nag eexist sa tabi mo." nakasimangot ko pa ding sabi dito na ikinatigil nito sa bakanteng mesa at humarap sa akin. "Don't, Asawa ko. Alam mo namang pihikan ako at hindi basta basta nagkakagusto sa kung sino man. Sasabihan kita kapag may natipuhan na ako." nakangiting sabi nito sabay kindat pa sa akin na ikinasalubong ng kilay ko. Pinaghila ko na lang siya ng upuan at hindi na kumibo pa. I know, I'm jealous, dagdagan pa nang pang aasar nito. Nang tuluyan na itong makaupo ay agad akong umupo sa harapan niyang upuan. Hindi ko pinansin ang mapang asar nitong ngiti. Tinawag ko lang yung waiter at nag order na ng iba't-ibang klase ng ulam para dito. Knowing that she starve herself until now. Hindi ko mapigilang mag-alala. "That's too much." sabi niya. Hindi ko siya pinansin at umorder na ng inumin namin. "I'd go for a mango shake, Asawa ko. Ayoko ng softdrinks." "Okay," sagot ko at pinahalata ko sa kanya ang inis ko. Hindi man niya ako tinutukso sa salita, pero mas malala ang ngiti niyang mapang asar. "Stop that, Isabela. I swear. I'm irritated." "Ang bilis namang mapikon ng asawa ko." patuloy pa ding asar niya at tumingin sa akin. "All eyes on you, lalo na 'yang mga lalakeng 'yan. Then nang aasar ka pa. Isa pa, Isabela . You know that I always walked out." seryosong saad ko nang makita kong nginitian nito ang isang lalake na nakaupo  malapit sa amin. "Stop smiling." "And why would I do that?" nakangiti pa din ito habang nakataas ang kilay niya. "It annoys me, Isabela. Big time." walang emosyong sambit ko at tinitigan nang masama ang lalaking nginitian nito. "I'm jealous." tatayo na sana ako para magwalkout ng bigla itong lumipat sa tabi ko. "Napaka-seloso naman ng asawa ko. I'm just teasing. Kain na tayo?" aya nito na para bang walang nangyari. Sakto kasing dumating ang mga inorder kong pagkain. Tumango nalang ako, "kumain kang mabuti. Ayokong pinapabayaan mo ang sarili mo." sinandukan ko ng kanin at ulam ang plato nito. "Opo, Asawa ko. Tama na ang simangot diyan." ngingiti-ngiti ito habang nakatingin sa akin. "You keep on smiling to them. How would I stop?" inis pa din ako pero pinagsisilbihan ko siya. Naglalagay ako ng iba't-ibang putahe ng ulam ang plato niya. "Okay, hindi na ako ngingiti sa kanila. I just smiled at them dahil mga kakilala ko sila. It's a greetings for them dahil hindi mo naman siguro ako papayagang lumapit sa kanila, 'di ba? Sa hitsura mong 'yan?" umiiling iling pa ito bago sumubo. "Just eat. Too much talking, Asawa ko." saad ko at binuhusan ng tubig ang walang laman nitong baso. Nagsimula na din akong kumain kasabay niya. Nang matapos kaming kumain ay uuwi na dapat kami. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko at lumapit sa amin. "Caine?" hindi ko nilingon ang tumawag sa akin. Nakatingin ako kay Isabela habang nakataas ang kilay nitong nakatingin sa taong papalapit. Napalunok ako. Nang makalapit na ng tuluyan sa amin ang babae ay nakilala ko na ito. She's my co-model sa isang summer team ng isang company. "It's been a while, Caine. How are you?" tanong nito sabay halik nito sa magkabilaan kong pisngi. Iiwas sana ako kaso nakahalik na siya. "I'm okay. And you?" balik kong tanong dito sabay layo ng mukha ko sa mukha niya. Umupo naman si Venice sa tabi kong upuan at yumakap sa braso ko. "I miss you. Hindi ka na dumalaw sa condo ko." napatingin ako kay Isabela. Kinabahan ako ng makita kong ang sama ng tingin nito sa akin at kay Venice. "Siya nga pala, this is Isabela. My---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang nagsalita agad ito. "It seems na madami pa ata kayong pagkukuwentuhan ng kasama mo. Parang miss na miss niyo ang isa't-isa. Mauuna na ako, baka makaistorbo pa ako. I'll just take a cab." halata mo ang galit sa mukha nito. Magsasalita pa sana ako ng bigla na itong tumalikod at naglakad na paalis. f**k! Venice ruined my day with her. Mahabang paliwanagan na naman ito. "Excuse me, Venice. I got to go. My wife will kill me after what you say and did." nakita ko ang paglaki ng mga mata nito sa narinig niya. "What? You're married?" gulat nitong tanong na tinanguan ko. "Yes and that girl is my wife. And now..." tumingin ako sa naglalakad na Isabela sabay tingin ulit dito. "...I'm sure she's mad. I got to go. See you when i see you." tuluyan ko nang paalam at tumakbo na papunta sa direksiyon nito. Buti na lang ay nabayaran ko na kanina ang bill namin. Paglabas ko ng restaurant ay pasakay na ito ng taxi. "f**k!" mura ko at pinilit na hinabol ang taxi kaso nakaalis na ito. Agad akong pumunta sa sasakyan ko at pumasok. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan at sinundan ang taxi na kinalululanan nito. Napahinga naman ako nang maluwag ng makita kong pauwi sa bahay namin ang daang tinatahak ng taxi. "Thank God!" bulalas ko at sinundan pa din ang taxi. I know that she's aware that I am following her. Pagparada ng taxi sa harap ng gate namin ay agad ito bumaba at tumayo sa tabi ng taxi. Agad ko namang ipinarada ang sasakyan ko sa likod ng taxi at agad na bumaba. "Pakibayaran 'yong patak ng taxi. I don't have cash in my pocket. Iniwan ko ang bag ko sa kotse mo." alam kong galit ito dahil hindi man lang ito ngumingiti at sobrang seryoso niya. Nang tumalikod na ito at pumasok sa gate ay napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa taxi para magbayad. Nang makaalis na ang taxi ay agad kong pinabukas 'yong gate sa guwardiya at ipinasok na sa loob ang aking kotse. Nang maiparada ko na ay agad na akong bumaba dala ang mga gamit nito. Kinakabahang naglalakad ako papasok ng bahay. Pagpasok ko ay wala ito sa sala. Dumiretso na ako sa kuwarto namin. Doon ko siya nakitang nakaupo sa kama at tahimik. Inilapag ko muna ang mga gamit nito sa sofa bago lumapit dito at tumabi. "Hey, asawa ko." kinakabahang tawag ko dito. Walang sagot mula dito. "Look, she's just my co-model sa isang brand ng summer clothing. Nothing happen between us." paliwanag ko. "Hinihingi ko ba ang paliwanag mo? You can go and chat with some random girls everywhere. Huwag lang sa harap ko." hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nito dahil hindi ito nakatingin sa akin. "Saka, may co-model bang pumupunta sa condo ng babae?" tumingin ito sa akin at tumayo. Naglakad ito papuntang terrace. Napalunok ako, "Damn! Galit siya." mahinang mura ko at sinundan ito. "Look, asawa ko. Pumunta ako with my friends there. Hindi ako nag iisa. Pakinggan mo naman ako." pagsamo ko dito at yumakap mula sa likuran niya. Laking pasasalmat ko naman dahil hindi niya tinanggal ang pagkakayakap ko. "We are only married in papers. Wala naman akong karapatan sa mga gagawin mo. It's your life after all." pinatong ko ang baba ko sa balikat nito. "We made an agreement that we'll work this out together, Asawa ko. Trust me. Walang namamagitan sa amin ng babaeng 'yon. I know she likes me but I dont like her. And she knew that. Please, pansinin mo naman na ako." pakiusap ko dito at mas isiniksik pa ang mukha ko sa leeg nito. "Pinapansin naman kita, ah. Hindi naman ako galit." naramdaman ko ang pagbuntong hinga nito. "I'm sorry. Alam kong may usapan tayo na dapat walang lalapit sa akin at maging clingy na babae. Mabait naman ako this past two weeks, di ba? Wala akong tinignang ibang babae bukod sa'yo." humarap siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "I'm sorry too. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita nang makiya kong lumapit siya sa'yo. Tapos gustong gusto mo naman." napangiti ako nang umirap ito sa akin. "Pasalamat ka at sumunod ka kaagad sa akin. Kung hindi, bahala ka na sa buhay mo." "Siyempre, ikaw ang susundan ko. Ikaw kaya ang asawa ko. No woman can replace you. Ikaw lang sapat na." kinindatan ko ito bago ninakawan ng halik sa kanyang labi. Nakita kong lumaki ang mga mata nito bago ako kinurot sa aking tagiliran. "Namimihasa ka na sa pagnanakaw mo ng halik sa akin, ha." ngumiti na ito. "Gusto mo naman." tukso ko dito na ikinapula niya. "Masyado kang bilib sa sarili mo, Asawa ko. Huwag masyado." inirapan niya ako at tinalikuran ako. Tumingin ito sa swimming pool. "Langoy tayo?" aya ko dito na ikinaharap niya ulit sa akin at ngumiti. "I would love that. Sandali, magbibihis lang ako." excited na paalam nito. Hinalikan niya muna ako sa pisngi ko bago siya pumasok at dumiretso sa dresser niya. Nakangiti akong nakatanaw sa swimming pool. Sa dalawang linggong pagsasama namin ay nasasanay na ako sa presensiya nito. Nararamdaman kong nakakapasok na ako sa buhay nito. Masaya ako sa takbo ng relasyon namin at sana ganito na lang hanggang sa mahulog na ito ng tuluyan sa akin. Loving someone, is better than leaving the one. Alam nating mahirap magmahal ng walang kasiguruhan. Pero, kapag ibinalik naman nito ang pagmamahal na inaasahan mo. Daig mo pa ang nanalo sa jackpot sa saya. Love is a feeling that you can never imagine to feel. If it reach you, don't waste your time. Let him/her feel all the love you can give.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD