Isabela
Nililibot ng aking mga mata ang kabuuan ng bahay na nilipatan namin ni Caine. Ang akala ko ay dadalhin niya ako sa condo nito. Hindi ko inaasahang bahay mismo ang titirhan naming dalawa. Hindi ako prepared dahil ang nasa isip ko ay ang condo nito.
It's been two days ng sabihin ko sa pamilya ko na may asawa na ako. Hindi sila naniwala sa sinabi ko. Kailangan muna nilang makita ang sinasabi kong asawa ko bago sila maniwala sa mga pinagsasabi ko. Naalala ko pa nga 'yong sinabi ni Kasandra sa akin.
"I'm married." sambit ko na ikinatawa nilang lahat. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?
"Nakakatawa, Ate Isabela. Ikaw? May asawa na? Himala! Magugunaw na ba ang mundo, Ate?" itinaas niya pa ang dalawang kamay niya na para talagang naghihintay ng himala galing sa kisame ng bahay. "Kailan pa nagkaroon nang pakialam si Ate sa mga lalake? As far as I remember, halos deadma nga silang lahat sa'yo. Konting lapit pa nga lang, basted na agad. Then your telling us na may asawa ka na? Praise the Lord!" bulalas nito na ikinatawa ulit nilang lahat.
"Hmmmp! Hindi ako nagbibiro. May asawa na talaga ako." seryosong saad ko na hindi talaga nila pinaniwalaan. Bakit ba napakahirap nilang maniwala tungkol sa bagay na 'yan? Masisisi ko ba sila? Napailing na lang ako.
"Paano kami maniniwala kung wala ka namang maipresinta sa aming lalake na naging asawa mo? No boyfriend since birth ka, Isabela." taas kilay na sambit ni Ate Pamela sa akin.
"He's busy. He's an international model. May shooting siya sa studio nila ngayon kaya hindi ko siya kasama." saad ko na ikinatingin nila sa akin nang hindi pa din naniniwala. Napanguso tuloy ako, "hindi ba kapani-paniwalang may asawa akong international model?"
Sabay-sabay silang umiling. Samantalang si Inang ay nakangiti lang sa tabi at hindi umiimik.
"Sa taray mong 'yan, Ate? Paano ka nagkaroon ng asawa? Namikot ka ba, Ate? Sabihin mo ang totoo sa amin. Tatanggapin ka naman namin, Ate Isabela." nanunuksong tanong ni Kasandra na ikinairap ko.
"Sa ganda kong ito? Talagang mamimikot pa ako? " tanong ko sa kanila. Nang maalala ko ang nangyaring kasalan ay napangiwi talaga ako. Hindi naman tamang term ang pikot pero parang ganoon na rin dahil pinilit ko siyang makasal sa akin. Ni hindi ko nga siya binigyan ng options.
"Bakit parang hindi ata sang-ayon ang mukha mo sa sagot mo, Isabela?" nakangising tanong ni Ate Katherina na ikinahinga ko nang malalim at pasalampak na naupo sa tabi nito.
"Ang totoo niyan..." putol ko at tumingin sa kanilang lahat. Wala si Kuya Marco dahil may importante itong meeting. "...parang ganoon na rin 'yon kasi hindi ko siya binigyan ng options." pinaglalaruan ko ang daliri ko sa kamay habang nagsasalita.
"Wait... What do you mean na parang ganoon na nga? Don't tell me na pinikot mo nga siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate Pamela sa akin. Tumingin ako sa kanila at nakangiwing tumango.
"Oh my God!" sabay-sabay nilang bulalas na tatlo maliban kay Inang.
"Is that true?" dagdag pa ni Kasandra at mas lumpait sa puwesto namin.
"Ikaw? Namikot? Unbelievable!" bulalas pa din ni Ate Pamela at tumabi sa tabi ko.
"Anong pakiramdam ng ikaw ang namikot, Isabela? Buti hindi ka tinakbuhan?" natatawang tanong ni Ate Katherina na ikinanguso ko.
"As I said, hindi ko siya binigyan ng options. Basta pinaset ko na agad ang kasal. Akala ko ay dare lang 'yon sa pagitan nmaing lahat, hindi ko naman alam na totoo palang kasal ang ginanap nang gabing 'yon. Thanks to Owen. Kaya pala may pinirmahan kaming papeles." paliwanag ko sa kanila.
"Hindi pa din kami naniniwala. Di ba, mga Ate, Inang?" tanong ni Kasandra kina Ate Katherina, Ate Pamela at kay Inang. Tumango naman sila bilang pagsang ayon sa sinabi ni Kasandra. Ano pa bang patunay ang gusto ng mga ito, eh, kinuwento ko na nga ang katotohanan sa kanila.
"Promise! May asawa na talaga ako." sabi ko sa kanilang lahat kaso nakatingin lang sila sa akin na talagang hindi sila naniniwala. Seryoso na ako't lahat lahat, wala pa din naniniwala? Aba! Ang titindi nilang paniwalain.
"Hindi kami naniniwalang may asawa ka na. Kailangan mo siyang iharap ngayon, kung talagang may asawa ka na nga?" hamon ni Ate Pamela sa akin na ikinnguso ko. Is that even necessary?
Napabuntong hininga na lang ako. "Okay, I'll call him. Pero hindi ko maipapangakong makakapunta siya dahil busy siya ngayon sa shooting niya." babala ko sa kanila. Nang tumango silang lahat ay agad kong tinawagan si Caine.
Napabalik ako sa huwisyo ko nang biglang may nagsalita sa aking tabi at hawakan ang aking kamay.
"Did you like it?" nakangiting tanong nito na tinanguan ko.
"Malaki na ito para sa ating dlaawa. Mas okay sana kung simple lang ang bahay. Ayoko ng masyadong malaki." sagot ko dito nang nakangiti at inilibot nang muli ang mata ko sa kabuuan ng bahay.
"Do you want to make any changes sa bahay natin?" tanong uli nito kapagkuwan.
Napatingin ako dito at umiling, "This house is beautiful and amazing, Caine. Hindi mo naman ako kailangang itira sa ganito karanyang bahay. I can deal and live any where."
Ito naman ngayon ang umiling. "Gusto kong ibigay lahat para sa asawa ko. Gusto kong maging comportable ka sa bahay natin. Ayaw mo ba dito? Bibili na lang ako ng iba. Sabihin mo lang."
Tumingin ako dito dahil sa sinabi niya. Parang nagsasalita lang ito na parang namimigay lang ng pera. I know he's rich pero parang nagsayang naman na siya ng pera kung bibili ulit ito ng panibagong bahay.
"This house is beautiful, Caine. Binili mo ba itong bahay?" naniniguradong tanong ko dito na inilingan niya.
"This house?" tanong nito at inilibot ang mga mata nito sa kabuuan ng salas. "Matagal ko nang pinagawa ito para sa magiging asawa ko. Sa katunayan, natapos na ito last year pa, kaso wala pa akong asawa. Until you came into my life, nagbago ang lahat. Ang sabi ko sa sarili ko, dito kita ititira at ang mga magiging anak natin."
Napatigil ako sa sinabi niya. Handa na ba akong magkaanak? Ang usapan namin ay susubukan muna. Bakit napunta na agad sa mga anak anak na 'yan? Mas lalong hindi pa ako ready sa mga ganoon.
"Wait? Anak? Susubukan pa lang naman natin kung magwowork 'di ba?" humarap ako dito at naguguluhang nagtanong.
Ngumiti siya, "advance lang ako mag isip, Isabela. I'm a positive thinker after all. No room for negativity."
Napahinga na lang ako nang mlalim saka humarap ulit sa salas at pinagmasdan ang kabuuan. Nang magsawa ako ay nag umpisa na akong maglakad papuntang kusina, sa garden at sa iba oang parte ng bahay. Napa-wow talaga ako nang makita kong may pool area dito at may parang kubo sa gilid. It was my dream. Gusto ko na kapag nagkaroon ako ng sarili kong bahay ay may swimming pool. And this? Super ganda and I really love it!
Medyo nailang pa ako nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa aking likuran. Kahit naiilang ay hinayaan ko na lang ito sa ginawa niya. Inisip ko na lang na gusto ko ding subukan. Ayoko namang maging unfair sa kanya. Nang pumayag ako sa gusto nito ay pinangako ko din sa sarili ko na gagawin ko din ang lahat para maging fair sa kanya.
"Sunod ka na lang sa taas. Iaakyat ko lang mga gamit natin sa magiging kuwarto natin." tumango ako. Nang kumalas ito sa pagkakayakap nito sa akin ay parang may naramdaman akong kakaiba. I can't tell nor name it right now dahil bago pa lang ako sa mga ganito. I'm not used into this kind of feelings. Wala akong kaide-ideya.
Nang makaalis ito ay agad din akong sumunod sa kanya. Naabutan ko siyang paakyat na ng hagdan habang bitbit nito ang mga gamit ko. Natawa pa nga ako dahil pinagsabay-sabay nitong bitbitin ang lahat ng gamit ko paakyat.
Isipin mo na lang ang hitsura niya habang may hawak na dalawang luggage bag. Tapos may hawak pang isang traveling bag sa kaliwang kamay nito. At ang isang bag pa na nakasabit sa kanang kamay nito ay alam kong medyo mabigat dahil mga bags ko iyon at mga suit cases. Tuluyan na akong natawa ng humarap ito sa akin at ngumiti. Paano ba naman ikinuwentas niya sa leeg niya ang isa pang bag na may mga lamang papeles. Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan ito.
"Tulungan na kita, Caine. Bakit naman kasi pinagsabay-sabay mong dalhin. Puwede namang balikan na lang 'yong iba." sabi ko dito habang inaalis ang nakakuwintas sa kanyang bag.
"Ayoko kasing pagbuhatin ka. Ako ang lalake kaya dapat ako ang gagawa niyan." sabi nito na ikinakurot ko sa pisngi niya.
"Ang sipag talaga ng asawa ko. Pero hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Ang mag asawa dapat nagtutulungan." sabi ko. Nang mapatingin ako dito ay sobrang lawak ng kanyang ngiti na halos mapunit na ang mga labi nito. "What's with that weird smile, Caine?"
"I'm just happy. Ngayon ko lang kasi narinig mula sa'yo ang words na asawa ko. Can you call me that more often? Kinikilig ako." napatulala ako sa huling sinabi nito. Siya? Kinikilig? Hindi naman na ata kapani-paniwala 'yon.
Tumango na lang ako, "'yon lang ba? I can do that. I told you that I'll cooperate right? You have my word, asawa ko." nginitian ko siya at nagpatiuna nang umakyat sa hagdan nang makuha ko ang dalawang bag mula sa kanya.
Hindi ko maiwasang mangiti habang naglalakd paakyat. Ewan ko ba kung bakit parang nagustuhan ko ding tawagin ito sa endearment na 'yon. It's was exciting.
Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko dahil napakadami namang pinto ang nakikita ko. Paano ko malalaman kung saan ang kuwartong sinasabi niya. Alangan namang buksan ko sila isa isa?
"Second door from your left, Asawa ko." napatingin ako dito dahil sa sinabi niya. I frozed when I heard the same endearment na tinawag ko sa kanya. Bakit parang kinilig din ako? "Hey, are you okay?" tanong nito nang makalapit siya sa akin ng hindi ko namamalayan.
"Yes, I'm o-kay." halos mautal ako sa pagsagot ko. Behave Isabela! Tinawag ka lang na asawa ko para ka nang naestatwa diyan. Gather all your thoughts! Pinapagalitan ko na ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko.
"Tara na!" masigla ng bati ko para pagtakpan ang pagkatulala ko kanina. Nagpatiuna na akong naglakad at binuksan ang sinabi nitong pinto.
Pagbukas ko ay napamangha talaga ako sa kuwarto. It was a huge room. Naglakad ako papasok at ibinaba ang mga bitbit ko sa sofa na nadaanan ko. Nilibot ng mga mata ko ang palibot ng kuwarto hanggang sa mapabaling ako sa nakasaradong pinto ng balkonahe. Sakto namang pumasok si Caine dala-dala ang mga bag ko at inilapag sa paanan ng kama.
"Nagustuhan mo ba, Asawa ko?" tumango ako sa tinanong niya.
"I love this room, Caine. It's so comfy, tapos may terrace pa. I love it here." bulalas ko.
"What happen to asawa ko as endearment? I love it when you call me that." napatigil ako sa paglabas ng terrace nang marinig ko siya. Tuningin ako dito at ngumiti.
"I forgot, Asawa ko. I'm sorry. Hayaan mo, sasanayin ko na ang sarili kong tawagin kang Asawa ko. Just bare with me, hindi pa kasi ako sanay. Ikaw pa lang ang pangalawang lalake na nakapasok sa buhay ko." sabi ko dito.
"It's okay. I'm thankful to hear that from you. Atleast, I know that your trying your best to try our marriage." masayang sambit nito.
"Ayokong maging unfair sa'yo. Ako ang may kasalanan kung bakit nandito tayo sa sitwasyong ganito. And ayoko namang wala akong gawin. Just tell me what to do. I'm clueless." amin ko dito.
"Even me, Asawa ko. But I will do everything to make you happy and for you to love me. Everything, asawa ko. Just let me."
Tumango ako, "when I agree, I will never take my words." nginitian ko siya at inaya itong tumambay sa balkonahe.
Trying to love someone isn't that bad at all. You have many choices to choose. It's either to let them in or out. Sa pagmamahal,kusa itong nararamdaman ng puso. Just let our heart feel it.