“ELLA! Ikaw nga!” Masayang turan ko. Sa wakas, nakita ko na rin siya. Tumango siya. “Ako nga ito…” “Ikaw nga, Ella!” “Ako nga…” “Ella, ikaw—“ “Leche! Ako nga!” Highblood na naman siya. “Matagal ka nang gustong makausap ni John Marc. Alam mo ba iyon?” “Alam ko… Pero, gustuhin ko man siyang kausapin, hindi ko magawa. Ikinulong ako ni Devilo dito…” “Devilo? Sino naman iyon?” “Ang demonyong sumapi sa’yo. Nasa katawan mo siya, Iska. Em Em Impyerno ang tawag sa lugar na ito. Isang lugar na dinidevelop ni Devilo para maging pangalawang impyerno. Kinukumpetensiya niya si Satanas kaya naman nangunguha siya ng kaluluwa para dalhin dito at pahirapan. Kaya kapag may chance siya, kuha lang siya ng kuha gaya ng ginawa niya nang mamatay ako. At gaya rin ng ginawa niya sa’yo!” Ah, okey. Kuha ko

