“E-EVIL???!!!” Magkakasabay na sigaw naming tatlo sa sobrang takot. Pati si John Marc ay natakot din, ha. Pero, in all fairness naman sa kanya, lalaking-lalaki pa rin siya sa paningin ko. Eh, sino ba naman ang hindi matatakot kung evil o demonyo na ang usapan? Saka, medyo paasa rin ang Ouija Board na ito, ha. Akala ko `yong letter “E” ay “Ella” na iyon naman pala ay “Evil”! Nakakaloka sa bangs na may split ends sa gitna. Gusto ko sanang tumakbo na palayo sa Ouija Board dahil patuloy sa paggalaw iyong planchette nang wala sa direksiyon. Parang batang natatae lang ang peg nito. Ayun na nga, gusto ko sanang tumakbo pero may malakas na puwersa na pumipigil sa akin para gumalaw. Malamang ay ganoon din si John Marc kaya hindi siya makaalis. “Anong gagawin natin?!” Histerikal-mode na si Nae Na

