“OUIJA Board?” Kunot-noong tanong ni John Marc sa akin. Nakatingin siya sa board na hawak ko. Hindi ko mawari kung bumilib ba siya sa idea ko o hindi. “Yes, Ouija Board. Nabasa ko kasi sa internet na ito ang ginagamit ng mga ispiritista para makausap ang mga ghost! Saka, no’ng elementary kami, naglaro kami nito. Pero sa cartolina nga lang kasi wala kaming budget for this.” Tinapik-tapik ko pa ang Ouija Board. “Talaga? Ginawa niyo `yan dati?” “Oo naman!” “May nakausap kayong multo?” “Hmm… Wala. Pero kahit na. Malay mo, this time may makausap na at si Ella pa, `di ba? Saka malaki ang chens lalo na at may ability na akong makakita ng mga multo na iyan.” Biglang natahimik si John Marc. Tiningnan lang niya ako na parang hinuhubaran ang buong pagkatao ko. Grabe naman siya kung tingnan ako.

