SAGLIT lang na natulala ako pagkakita sa babae na nasa salamin. Natatandaan ko pa naman ang face ni Ella dahil sa picture na ibinigay sa akin ni John Marc pero hindi ko masigurado kung siya ito. Duguan kasi ang mukha ni ateng multo. OA ang scary-effect niya, ha. Effort! Huminga ako ng napakalalim at talagang tinapangan ko ang aking sarili para kausapin siya. “E-ella? Ikaw ba si Ella Javier?” tanong ko. Pero biglang nawala iyong babae sa salamin! “Saglit lang! Hoy!” natataranta kong pinaghahampas ng bahagya `yong salamin sa may aparador. Ano ba `yan? Snob masyado, biglang nag-disappear. Sasabihin ko ito bukas kay John Marc. For sure, matutuwa iyon kasi kahit paano ay nagpakita sa akin si Ella. Kung si Ella nga iyon. Naghanap na ako ng damit sa may aparador. Hindi naman ako nahirapan d

