bc

My Step Father

book_age18+
246
FOLLOW
2.1K
READ
billionaire
forbidden
HE
age gap
arrogant
single mother
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
no-couple
like
intro-logo
Blurb

Si Joel Romano ay isang misteryosong, matipuno, at makapangyarihang lalaki na halatang sanay sa pagiging in control sa negosyo man o sa personal na buhay. Taglay niya ang matalim na titig na parang laging nagmamasid, kaya mahirap basahin kung ano ang nasa isip niya. May katamtamang tangkad 6'5, makinis ang kutis na may bahid ng lahing banyaga at laging mabango amoy mamahaling imported na pabango.

Tahimik siya, hindi madaldal, pero bawat salitang binibitawan niya ay may bigat. May natural siyang aura ng authority kaya madaling sumunod sa kanya ang mga tao pati ang nanay ni Maddy, na nabighani sa kanya ilang taon matapos pumanaw ang tunay na ama ni Maddy dahil sa cancer.

Minsang cold at minsang gentle si Joel, depende kung kanino siya nakikipag-usap. Sa harap ng publiko, perpekto siyang ginoo. Pero sa bahay, lalo na kay Maddy, may ibang klase siyang titig—may halong pag-aalaga... at may mga sandaling parang higit pa roon.

Kahit pa stepfather siya ni Maddy sa papel, hindi niya ito itinuring na tunay na anak. Malayo ang agwat nilang emosyonal lagi siyang nananatiling misteryosong presensya sa buhay ng dalaga. Hindi sila close pero simula nang tumira si Maddy sa ilalim ng iisang bubong kasama siya at ng kanyang ina unti-unting nag-iiba ang tension sa pagitan nila.

Lihim na pinagmamasdan ni Joel si Maddy lalo na kapag abala ito sa kanyang pagiging accountant. Gusto niyang makita kung paano ito nagiging seryoso, kung paano ito natataranta kapag nagkakamali, at kung paano ito nagiging inosente sa mga bagay na hindi nito alam… o baka nagkukunwaring inosente lang.

Ang pinaka-delikado sa lahat: Hindi malinaw kung hanggang saan kayang dalhin ni Joel ang pinipigilan niyang pagnanasa sa kanyang stepdaughter.

chap-preview
Free preview
Prologue
Tahimik ang gabi sa malaking bahay ng Forbes Park. Sa labas ng bintana, mahinang umuulan, ang bawat patak sumasalpok sa salamin na para bang may gustong iparating. Sa loob ng kwarto, nakatayo si Maddy Rodriguez, nakatingin sa dilim ng kalangitan, habang pilit nilalabanan ang kabang bumabalot sa kanyang dibdib. Ito na ba ang bagong simula? O simula ng kapahamakan? Limang taon gulang pa lamang siya nang pumanaw ang kanyang tunay na ama dahil sa cancer. Sa matagal na panahon, silang dalawa lamang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay. Kaya nang ipakilala ng kanyang ina ang bagong lalaki sa kanilang buhay si Joel Carson tila may matigas na pader ang itinayo niya sa kanyang puso. Hindi siya handang magbukas. Hindi siya handang magtiwala. Pero ngayon, ibang init ang dala ng presensya ng lalaki. Iba sa lahat ng naramdaman niya noon. Hindi ito pagmamahal ng isang ama. Hindi ito pag-aalalang walang bahid ng malisya. Minsan, kapag nagkakasalubong ang kanilang mga mata sa sala, sa hapag-kainan, o kahit sa gilid ng hagdanan, may kakaibang kuryenteng bumabalot sa kanyang balat. Para bang may gustong iparating ang kanyang katawan na ayaw tanggapin ng kanyang isip. "Maddy," bulong ng isang boses mula sa pinto. Malamig. Mababa. Nakakalusaw. "Bukas ang pinto mo. Hindi mo ba isasara?" Lumingon siya, dahan-dahan. Naroon si Joel, nakasandal sa frame ng pintuan, nakasuot ng puting sando at gray na pantalon. Malinis ang gupit, may bahid ng p*********i sa matalim na panga at matang mapanukso. "Hindi ko alam na... nariyan ka," nauutal niyang sagot. Pumasok ito ng dahan-dahan, pino ang bawat hakbang, parang pusa. "Hindi ka makatulog?" Umiling si Maddy. Maraming iniisip. Lumapit pa ito, hanggang maramdaman niya ang init ng katawan nito malapit sa kanya. Hindi siya makagalaw. Hindi makatingin. Para siyang nakuryente sa presensya nito. Wala kang dapat ipag-alala. Ligtas ka rito, bulong ni Joel, masyadong malapit sa kanyang tainga. As long as I’m here... walang makakagalaw sa’yo. Isang panginginig ang gumapang sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung kaba ba ito, o excitement. Joel... hindi ka ba dapat kay Mama ngayon? mahina niyang tanong. "Tulog na siya," simpleng sagot nito. Pero ikaw... gising pa. Bakit kaya? Hindi siya sumagot. Hindi niya kayang magpanggap. Hindi niya kayang sabihin ang totoo na hindi si Mama ang dahilan kung bakit siya gising. Na ang dahilan ay narito, nakatayo sa kanyang harapan. Huminga si Joel, malalim, mabagal, bago dahan-dahang tumalikod at lumakad pabalik sa pinto. "Goodnight, Maddy," sambit nito, malamig ngunit may halong apoy. At sa gabing iyon, habang nakahiga siya sa kama, hindi ang ulan ang iniisip niya. Hindi ang bagong bahay. Hindi ang kinabukasan. Kundi si Joel Carson ang bagong asawa ng kanyang ina. Ang lalaking hindi niya dapat gustuhin. Ang lalaking hindi niya dapat mahalin. Pero naroon na ang apoy. At hindi na ito basta mapapatay. Kinabukasan, maaga siyang nagising. Hindi dahil sa ingay kundi dahil sa panaginip isang panaginip kung saan naroon si Joel. Nakatayo siya sa may hagdanan, nakamasid habang siya’y bumababa, suot ang manipis na silk na nightgown. Hinahabol niya ang kanyang hininga, pero hindi makalingon. Naroon si Joel sa ibaba, naka-itim na suit, seryoso ang titig. Hindi siya makagalaw, pero alam niyang gusto niya itong lapitan. Nagising siya na pawis na pawis at kumakabog ang dibdib. Bakit ganoon ang panaginip niya? Sa pagitan ng takot at pagnanasa, hindi niya alam kung alin ang nanaig. Basta’t ang alam niya hindi iyon ang huli niyang panaginip tungkol kay Joel. Bumangon siya at nagbihis. Pagbaba niya, naroon na si Joel sa kusina, nagtitimpla ng kape. Suot nito ang simpleng gray shirt na hapit sa katawan at pantalon na nagpapakita ng porma ng kanyang matipunong katawan. Hindi niya mapigilang mapatingin sa mga braso nito malaki, matitigas, parang laging handang yumakap o... "Good morning," bati nito, ngiti sa labi pero matalim ang tingin. "G-good morning," sagot niya, pilit iniwas ang mga mata. "Nagising ka ba nang maaga?" tanong nito habang naglalagay ng kape sa tasa niya. "Uh... oo. Hindi makatulog kagabi," mahinang sagot niya. "Bakit kaya?" may biro sa tinig nito pero malalim ang tingin. Umiwas siya ng tingin at nagkunwaring abala sa paghalo ng kape. Naroon ang kanyang ina, abala sa pagtawag sa telepono sa sala. Malayo. Malaya silang dalawa sa kusina. "Maddy," bulong ni Joel, lumapit nang bahagya. Kung may kailangan ka... kahit anong bagay... sabihin mo lang. Nandito ako. Tumigil ang kanyang kamay. Hindi siya makatingin. "Salamat," mahinang sagot niya. Naramdaman niyang nakatingin pa rin ito. Matagal. Parang sinusuri siya. Bagay sa'yo ang kwarto mo. Pero mas bagay ka siguro sa guest room sa taas, bulong nito. "Mas maganda ang view roon." Nag-init ang pisngi niya. Hindi niya alam kung biro iyon o may kahulugan. Pero ang pagkakabanggit ng guest room kung saan minsang nag-stay ang mga bisita ni Joel ay nagdala ng ibang kiliti sa kanyang imahinasyon. Maddy, are you okay? tanong ulit nito, mas malapit pa ngayon. Ramdam niya ang hininga nito sa batok niya. Parang namumula ka. Mainit lang siguro ang kape, mabilis niyang palusot. Muli siyang ngumiti si Joel, pero hindi umalis sa tabi niya. Naramdaman niya ang kamay nito, bahagyang dumampi sa balikat niya. Saglit. Sandali lang. Pero sapat para kumabog ng todo ang kanyang puso. "Anak!" tawag ng kanyang ina mula sa sala. Halika rito, may ipapakilala ako sa'yo. Naputol ang tensyon. Huminga siya ng malalim, agad lumayo kay Joel at naglakad papunta sa sala. Pero ramdam niya ang tingin nito sa kanyang likod, sinusundan ang bawat hakbang niya. Sa araw na iyon, buong hapon silang naglibot sa bagong bahay ang gym ni Joel, ang wine cellar, ang home office. Lahat mamahalin, lahat imported. Pero hindi iyon ang iniisip ni Maddy. Kundi ang presensya ng lalaking iyon sa bawat sulok ng bahay. Bago matulog, lumabas siya ng kwarto para uminom ng tubig. Tahimik ang buong bahay. Pero nang pababa na siya ng hagdan, narinig niya ang mahinang tunog ng piano mula sa music room. Dahan-dahan siyang lumapit. Naroon si Joel. Nakatayo sa harap ng piano, pinapatugtog ang pamilyar na kanta. Isang Italian piece na madalas niyang marinig sa lumang vinyl ng kanyang ama noon pa. Hindi niya alam na marunong tumugtog si Joel. "Gising ka pa pala," sambit nito nang mapansin siya. "Hindi ko akalaing may makakarinig. Maganda, bulong niya. Saan mo natutunan yan? Sa Italy. Matagal na, sagot nito. Pero matagal ko nang hindi tinutugtog. Ngayon ko lang ulit naalala. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sandali. Mahaba. Walang nagsalita. Tanging ang malamig na simoy ng aircon at ang hinagpis ng piano ang saksi sa bigat ng katahimikan. "Gusto mo bang subukan?" tanong ni Joel, tinapik ang gilid ng piano bench. Umiiling si Maddy. Hindi ako marunong. "Madali lang. Tuturuan kita," malambing ang tinig nito. Lumapit siya, naupo sa gilid ng bench. Hawak ni Joel ang kanyang kamay, dahan-dahang pinindot ang mga tamang nota. Masyadong malapit. Masyadong mainit. Naramdaman niya ang palad nitong nakapatong sa likod ng kanyang kamay, matigas, magaspang, kumikislap ang sing-sing sa daliri ang singsing ng asawa ng kanyang ina. "See? Kaya mo pala," bulong nito. Maganda ang kamay mo. Mahahaba ang daliri. Napalunok siya. Hindi makagalaw. Joel... Hmm? "Baka magising si Mama." Ngumiti ito, isang ngiti na hindi niya maintindihan kung inosente o delikado. "Tulog na siya. At tayong dalawa lang ang gising ngayon." Muli siyang napatingin sa mga mata nito. Malalim. Maalab. Nakakalunod. Para bang hinihila siyang pumasok sa isang mundong hindi niya dapat pasukin. Biglang tumunog ang orasan sa dingding alas-dose na ng hatinggabi. Napaigtad si Maddy, agad tumayo, pilit ang ngiti. "I-I need to sleep," bulong niya. Goodnight, Joel. "Goodnight, Maddy," sagot nito, hindi inaalis ang titig. Pagbalik niya sa kwarto, agad niyang isinara ang pinto, nilock ito ng dalawang beses. Huminga siya nang malalim, nanginginig ang tuhod. Pero hindi ang takot ang dahilan ng panginginig na iyon kundi ang kakaibang pagnanasa na pilit niyang itinatanggi. Sa kama, nakahiga siya, nakatitig sa kisame. Ang bawat sandali ng gabi ay bumabalik sa kanyang isipan ang haplos sa balikat, ang hawak sa kamay, ang titig ng mga mata. Hindi siya dapat naaapektuhan. Hindi siya dapat nag-iisip ng masama. Pero alam niyang nagsimula na ito. At hindi na basta matatapos. Ang gabi ng kanilang paglalapit. Ang gabi ng kanilang lihim. Ang simula ng bawal na pagnanasa. Sa dilim ng kanyang kwarto, sa ilalim ng malamig na kisame, isang mahinang bulong ang kanyang narinig hindi niya alam kung mula sa isip niya o sa dilim: "You’re mine, Maddy. And soon... you’ll realize it too." At sa gabing iyon, sa unang pagkakataon, hindi niya itinatwa sa kanyang sarili si Joel Carson, ang asawa ng kanyang ina, ang lalaking hindi niya dapat mahalin... siya ang lalaking kinagigiliwan ng kanyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.2K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
59.9K
bc

The Ex-wife

read
239.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
2.0M
bc

Governor Hidden Mistress

read
49.5K
bc

Lara's Seduction

read
180.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook