Chapter 1

971 Words
Tahimik ang biyahe pauwi ni Maddy Rodriguez habang binabaybay ng taxi ang kahabaan ng Forbes Park. Sariwa pa sa kanyang isip ang huling beses na nandoon siya pitong taon na ang nakakalipas, noong graduation ng high school, bago siya lumipat ng Maynila para mag-aral ng kolehiyo. Noon, maliit lang ang bahay nila sa Laguna. Ngayon, mansion na sa isa sa pinakamahal na village sa bansa ang uuwian niya. Lahat dahil sa bagong asawa ng kanyang ina si Joel Carson. Sa bawat pag-ikot ng gulong ng taxi, dama niya ang unti-unting pagbigat ng kanyang dibdib. Naghalo-halo ang emosyon sa kanyang isipan tuwa, kaba, takot. Nais niyang makita ang kanyang ina, ngunit hindi niya maalis ang tanong sa kanyang isip Paano kung totoo ang lahat ng sinasabi ng mga tao tungkol kay Joel? Na masyado itong misteryoso. Masyado itong kontrolado ang lahat. Paano kung hindi niya ito kayanin? Pinilit niyang iwasan ang mga mata ng driver na panay ang sulyap sa kanya sa rearview mirror. Baka halata nito ang panginginig ng kanyang kamay habang hawak ang strap ng kanyang bag. "Laban, Maddy," mahina niyang bulong sa sarili, pilit pinapalakas ang loob. Mabigat sa dibdib ang nararamdaman ni Maddy habang papalapit sila sa gate. Hindi niya sigurado kung excitement ba ito o kaba. O baka galit? Hindi pa rin niya matanggap kung paanong ang ina niyang si Grace ay mabilis na nag-asawa muli, matapos ang pagkamatay ng kanyang ama sampung taon na ang nakalilipas. At hindi basta ordinaryong lalaki ang pinakasalan nito isang kilalang businessman, half-Filipino, half-Italian at higit sa lahat, labing-isang taon ang tanda kay Maddy. “Ma’am, andito na po tayo,” sambit ng driver, sabay lingon sa kanya. Nagbayad siya at marahang bumaba ng taxi. Huminga siya nang malalim bago hinarap ang malaking itim na gate. Sa bawat hakbang palapit dito, dama niya ang pag-igting ng kanyang dibdib. Para siyang batang nawawala sa gitna ng malawak na gubat hindi sigurado kung may mabait o mabangis na nilalang ang sasalubong. May tumunog na bell mula sa loob, at ilang sandali pa bumukas ito. Si Joel ang nagbukas. Napatigil si Maddy. Hindi niya inasahang ang lalaking ito na sa mga litrato lamang niya nakikita ay mas matangkad, mas gwapo, at mas intimidating sa personal. Suot nito ang simpleng puting polo, naka-roll up ang manggas, at dark slacks. Malinis ang gupit, bahagyang may balbas, at may matalim na titig na parang sinusukat siya mula ulo hanggang paa. Pakiramdam niya, hubad ang kanyang kaluluwa sa ilalim ng tingin nito. "Welcome home, Maddy," malamig pero magalang nitong bati. Ang boses mababa, paos, parang laging may nakatagong lihim. “Hi... Sir Joel,” mahina niyang sagot, pilit pinipigilan ang panginginig ng tinig. Bakit ba ganito ang epekto sa kanya ng lalaki? Hindi ito dapat. Hindi normal. “Just call me Joel. We’re family now, aren’t we?” may bahid ng biro sa boses nito, pero ang tingin seryoso, malamlam. Sa bawat salitang binibitawan nito, para bang may kahulugan na siya lang ang dapat makaunawa. Dumating si Grace mula sa loob, nakangiti, masayang sinalubong ang anak. Anak, kamusta ang biyahe? Okay lang po, Ma. Mahigpit silang nagyakap, pero ramdam niyang may nakatingin sa kanila. Nang lingunin niya si Joel, hindi ito bumitaw sa pagtitig. May bakas ng ngiti sa labi nito, ngunit hindi umabot sa mga mata. Halika na, ipapakita ko ang kwarto mo, yaya ng kanyang ina. Habang umaakyat sila sa hagdan, napansin ni Maddy ang bawat sulok ng bahay mamahaling muwebles, imported paintings, malalaking salamin. Malayo sa simpleng pamumuhay nilang mag-ina noon. Hindi niya mapigilang isipin kung paano nagbago ang lahat nang pumasok si Joel sa buhay nila. At bakit kahit ang simpleng hagdanan ay parang may dalang bigat sa bawat yapak niya?“Si Joel ang nagdesign ng karamihan dito. May taste ang asawa ko, di ba?” kwento ng kanyang ina habang nililibot siya. Pero hindi iyon ang iniisip ni Maddy. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang malamig na titig ni Joel sa kanyang likuran. Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya o totoo pero may kakaiba sa paraan ng pagtingin nito. Parang sinusundan siya, parang binabasa ang laman ng kanyang isipan. Pagkapasok sa kwarto, nilapag niya ang kanyang mga gamit. Malaki, maliwanag, may sariling banyo. Pero hindi siya mapakali. Para bang may bumabagabag. Tumayo siya sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang malawak na hardin sa ibaba. "Kaya ko ba talaga 'to?" tanong niya sa sarili. "Makakatagal ba ako rito na siya ang kasama araw-araw?" Kinagabihan, habang nag-aayos ng gamit, may kumatok sa pinto. "Maddy, okay ka lang ba?" boses ni Joel. Muli, ang boses na iyon malamig pero may kakaibang init. "O-opo," mabilis niyang sagot, pilit na tinatago ang pagkabigla. "Just checking. If you need anything, I’m just down the hall," sabi nito bago tuluyang umalis. Ngunit kahit nagsara na ang pinto, parang naiwan pa rin ang presensya nito sa loob ng kwarto. Nakatayo siya doon, hawak ang drawer, pilit pinapakalma ang sarili. Napalunok si Maddy. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Hindi dapat. Hindi pwede. Sa halip na maibsan ang kaba, lalo pa itong tumindi. Para siyang nilalamon ng sariling isipan, naguguluhan kung dapat bang matakot o magtaka sa nararamdaman. Pero sa gabing iyon, bago siya nakatulog, huling pumasok sa isip niya ang malamlam na tingin ni Joel at ang kakaibang init na bumalot sa kanyang dibdib. Isang tinging hindi niya makalimutan. Isang tinging parang nagsusumamo. Parang may hinihingi. "Ano ba 'to, Maddy..." mahinang bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. "Bawal ito. Hindi tama." Pero kahit anong pilit niyang alisin sa isip ang imahe ni Joel ang mga mata nitong parang nang-aakit, ang boses nitong mababa at malambing hindi niya magawa. At sa dilim ng kwarto, mag-isa niyang hinarap ang katotohanan: nagsisimula nang mabuo sa puso niya ang isang lihim na hindi niya kayang aminin... kahit sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD