Maaga pa lamang ay nagising na si Maddy sa loob ng kanyang bagong kwarto. Malambot ang kama, malamig ang aircon, at amoy mamahaling linen ang bedsheet pero hindi siya mapakali. Sa kabila ng lahat ng ginhawa, ang puso niya ay puno ng kaba at pagdududa. Lihim na lihim ang bawat sulok ng bahay na iyon, at sa kabila ng marangyang itsura, may aninong bumabalot sa mga pader nito.
Dahan-dahan siyang bumangon, suot ang manipis na nightdress na puti. Lumapit siya sa bintana at pinagmasdan ang hardin. Malawak, berde, perpekto ang landscaping pero may kung anong lamig sa paligid. Parang may matang nakamasid mula sa di kalayuan. Muli niyang naalala ang titig ni Joel kagabi malalim, mapanukso, parang may gustong sabihin.
Naputol ang pag-iisip niya nang may marinig na mga yabag sa hallway. Agad siyang nagsuot ng robe at binuksan ang pinto. Si Joel. Nakasando lamang at jogging pants, pawisan, halatang kakatapos lang mag-workout. Umangat ang kanyang mga mata mula sa matipunong dibdib nito papunta sa mukha nitong seryoso pero bahagyang nakangiti.
“Good morning, Maddy,” bati nito, mababa ang boses.
“G-good morning,” tugon niya, pilit nilalabanan ang init na bumalot sa kanyang pisngi.
“Nagising kita?” tanong nito, lumapit nang bahagya. Ramdam niya ang init ng katawan nito mula sa distansya nilang dalawa.
“Hindi... ah, gising na talaga ako,” sagot niya. Napansin niyang basang-basa ang towel na nakasukbit sa balikat nito, pati ang mga patak ng pawis na dumadaloy sa leeg.
“Good. Ayaw kitang istorbohin sa unang umaga mo rito,” sabi nito, may kakaibang ningning sa mga mata. "Nag-breakfast ka na ba?"
"Hindi pa."
"Join me. I made coffee."
Hindi siya makatanggi. Parang may kung anong kapangyarihan ang boses nitong nagpapasunod sa kanya. Sumunod siya pababa sa kusina. Habang bumababa sila sa hagdan, pilit niyang ikinukubli ang pamumula ng kanyang pisngi, lalo na’t nararamdaman niya ang malamig na tingin ni Joel sa kanyang likod.
Pagdating nila sa kusina, amoy kape at toasted bread ang bumungad sa kanya. May inihandang dalawang tasa sa counter. Inabot ni Joel ang isa sa kanya, halos magdikit ang kanilang mga daliri.
"Thanks," mahina niyang sabi.
"Sleep well?" tanong nito habang umiinom ng kape.
Umiling siya. "Hindi masyado. Hindi pa siguro sanay."
Tahimik na tumango si Joel, pero hindi inalis ang tingin sa kanya. "Don’t worry. Soon you will. This house... grows on you."
Tumingin siya sa paligid malaki, tahimik, puno ng mga antigong gamit. Pero bakit pakiramdam niya ay para siyang nakulong sa isang hawla?
Hindi pa man siya nakakasagot, dumating ang kanyang ina mula sa sala, hawak ang phone. "Maddy, iikot tayo mamaya. Papakita ko sa'yo ang buong property," masaya nitong wika.
Ngumiti siya, pilit. Pero bago pa man siya makasagot, nagsalita si Joel.
"Ako na ang bahala kay Maddy mamaya. Gusto ko siyang ipakilala sa bagong investment ko sa downtown."
Lumingon si Grace, nagulat, pero ngumiti rin. "Talaga? Ay, buti naman. Maddy, sumama ka ha? Maganda 'yon."
"Ah... sige po," wala sa sariling sagot niya. Hindi makatingin kay Joel.
Natapos ang breakfast nang may katahimikan. Bawat sulyap ni Joel sa kanya ay parang humihila sa kanyang isipan hinihila sa isang mundo na ayaw niyang pasukin pero hindi rin matanggihan.
Pagkaraan ng ilang oras, naghanda na sila. Naka-simple siyang blouse at jeans, habang si Joel ay naka-dark blue polo at slacks. Habang nasa kotse, walang imik si Maddy. Ramdam niya ang matalim na tingin ni Joel sa bawat gilid ng kanyang mukha.
"Relax," bulong nito habang binabaybay ang EDSA. "Ayokong kinakabahan ka sa akin."
"Hindi ako kinakabahan," pilit niyang tugon.
"Liar," ngisi nito. "I see it in your eyes."
Lumingon siya, nagtagpo ang kanilang mga mata. Walang salita. Pero sapat na iyon para kumabog ang dibdib niya.Pagdating nila sa downtown, pinakita ni Joel ang bagong building na binili niya. Ipinaliwanag nito ang plano nitong gawing cafe at office space. Pero hindi doon nakatuon ang isip ni Maddy. Kundi sa bawat paglapit ni Joel. Sa bawat pagdampi ng kamay nito sa kanyang likod kapag may ipinapakita.
"Beautiful, isn't it?" bulong nito habang nakatayo sa rooftop, ang lungsod sa kanilang paanan.
"Oo... maganda," mahina niyang sagot.
"But not as beautiful as you," mahina nitong bulong sa kanyang tainga. Sandaling nagdikit ang kanilang balat balikat sa balikat. Para siyang kinuryente. Hindi siya makagalaw.
"Joel..." mahinang pagtutol niya. Pero nakangiti ito, parang walang mali sa sinabi.
"Let’s go back," yaya nito, pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. Tahimik siyang sumakay, ngunit ang puso niya hindi na tahimik. Bumibilis ang t***k nito, puno ng takot at excitement.
Pagbalik nila ng bahay, dumiretso siya sa kanyang kwarto. Napahawak siya sa dibdib, pilit pinapakalma ang sarili. "Maddy, ano ba 'to? Hindi tama… hindi dapat..."
Pero naroon pa rin ang init. Naroon ang mga mata ni Joel sa kanyang isipan. At alam niyang hindi pa ito ang katapusan simula pa lamang ito ng isang mapanganib na laro.
Nang maghahapunan na, tinawag siya ng ina niya mula sa ibaba. "Maddy, anak, bumaba ka na. Dinner is ready!"
Pagdating niya sa dining room, nandoon si Joel, nakaupo sa dulo ng mesa, nakatingin sa kanya. Tahimik ang hapunan pero ramdam ang tensyon. Tuwing makakasalubong ang tingin nila, may kakaibang kiliti sa kanyang sikmura. Pati ang ina niya, tila walang kamalay-malay sa lumalalim na tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Matapos kumain, niyaya siya ni Joel sa library. "I want to show you something," sabi nito. Sinundan niya ito sa malaking silid-puno ng libro at antigong kagamitan.
“Napaka-aliwalas dito,” sabi niya, lumilinga-linga.
“Dito ako madalas magpahinga,” tugon ni Joel habang pumipili ng libro. Inabot nito ang isang lumang album.
“Pictures?” tanong niya.
Tumango si Joel. “Of your mom... and you. I kept some of your childhood photos Grace gave me.”
Napangiti siya. “Talaga? Bakit mo tinago?”
“I wanted to know more about you... even before we met,” bulong nito.
Nag-init ang pisngi niya. Lumingon siya, pilit tinatago ang ngiti. "Creepy ka pala," biro niya, pero kabado ang puso.
“Or maybe just curious. Very curious about you.” Malamlam ang tingin nito.
Natigilan siya. Bago pa siya makasagot, may kumatok sa pinto ang kanyang ina.
"Maddy, pahinga ka na ha? Maaga tayo bukas."
"Opo, Ma. Susunod na po ako," sagot niya, nagpapasalamat sa pagkaudlot ng tensyon.
Paglabas ng ina, tumayo rin si Maddy. "I need to rest, Joel. Goodnight."
Lumapit si Joel, tumigil sa harap niya. "Goodnight, Maddy," bulong nito, mababa ang boses, puno ng kahulugan.
Mabilis siyang lumabas, pilit pinapakalma ang sariling dibdib. Sa bawat araw na lumilipas, lalong lumalalim ang kanilang lihim na koneksyon.