Chapter 3

847 Words
Gabi na nang hindi sinasadyang magkita muli sina Maddy at Joel sa veranda ng bahay. Buong araw silang hindi nagkita matapos ang kanilang lakad downtown, pero ang tensyon ay nananatiling makapal sa hangin. Suot ni Maddy ang manipis na silk robe habang nakatayo sa gilid ng veranda, pinagmamasdan ang mga bituin. Malamig ang hangin pero mainit ang kanyang pakiramdam tila nilalagnat sa sobrang pagkalito. Hindi niya alam kung ang kaba ba niya ay dahil sa lamig ng gabi o sa presensya ng lalaking iyon. Napalingon siya nang makarinig ng yabag mula sa likuran. Si Joel. Suot ang itim na cotton shirt at pajama pants. May hawak itong dalawang baso ng whiskey. Bagaman madilim ang paligid, aninag niya ang pagkislap ng mga mata nito parang may lihim na binabalak. “Couldn’t sleep?” tanong nito, inilalapit ang isa sa kanya. “Hindi. Ang dami kong iniisip,” mahina niyang tugon habang inaabot ang baso. Nagdikit ang kanilang mga daliri mainit ang kanyang palad kahit malamig ang gabi. Tumayo ito sa tabi niya. “About what happened kanina?” bulong nito, ang dila halos dumikit sa kanyang tainga. Napasinghap siya, bahagyang umatras ngunit huli na. Naroon na ang init, ang tensyon. “Joel…” simula niya pero pinutol nito ang kanyang sasabihin. “You felt it too, didn’t you?” mahina nitong tanong. Lumapit pa ito, halos magdikit ang kanilang mga balikat. "This... tension." Mabilis ang t***k ng puso ni Maddy. “This isn’t right,” mahinang bulong niya. Pilit niyang nilalabanan ang kahinaan ng kanyang tuhod, ang nanginginig na dibdib. “But it feels right,” bulong ni Joel. “You want this as much as I do.” Napapikit si Maddy, pilit nilalabanan ang sariling damdamin. Ngunit nang maramdaman niyang hinawakan ni Joel ang kanyang baywang, napasinghap siya. Mainit ang kamay nito, matibay, may bigat na parang nag-uutos. “Joel... please...” pero mahina ang tinig niya. Hindi na niya kayang magpanggap. Alam niyang gusto rin niya at kinatatakutan niya iyon. Hinawakan ni Joel ang kanyang baba, pinaharap siya. Sa dilim ng veranda, malinaw na malinaw ang titig nitong puno ng pagnanasa. Dahan-dahan itong yumuko, ang labi halos dumikit sa kanya. “Stop me if you really want to,” bulong nito. Pero hindi siya gumalaw. Hindi siya tumutol. Kaya nang tuluyan siyang halikan ni Joel, nagpaubaya siya. Mainit, mapang-angkin, puno ng paghahangad ang halik nito at hindi niya kayang itanggi na matagal na rin niyang gustong maramdaman iyon. Lumalim ang halik. Hinapit siya ni Joel palapit, ramdam niya ang matipuno nitong dibdib sa kanyang katawan. Napasinghap siya nang maramdaman ang palad nitong dahan-dahang humaplos sa kanyang likod pababa sa kanyang bewang. Tila ba bawat galaw nito ay kabisado ang kahinaan niya. “Maddy...” bulong nito habang kinikilala ang hugis ng kanyang katawan. "Let me show you how much I want you," dagdag pa nito, tinanggal ang tali ng kanyang robe. Nanginginig siya pero hindi dahil sa lamig dahil sa init ng kanyang pagnanasa. Pumikit si Maddy, nilalasap ang sandaling iyon. Ngunit bago pa man tuluyang mahulog sa tukso, natauhan siya. Tinulak niya si Joel, pilit pinapakalma ang sariling hininga. Hindi ito tama. Hindi pa ngayon. “Hindi... hindi pwede,” mahina niyang sabi. “Hindi pa ngayon.” Tahimik si Joel. Tinitigan siya ng matagal bago dahan-dahang tumango. “I understand. But you can’t deny it, Maddy. You feel it too.” Umalis ito, iniwan siyang mag-isa sa veranda, nanginginig, humihingal, puno ng magkahalong takot at excitement. Sa kanyang dibdib, alam niyang ito’y simula pa lamang ng mapanganib na larong kanilang ginagalawan. Napaupo siya sa silya, pinipilit pakalmahin ang puso. "Anong nangyayari sa akin? Bakit parang gusto ko rin?" Pero hindi niya masagot ang sariling tanong. Sa isipan niya, naglalaro ang mga eksena kanina ang haplos, ang titig, ang halik. Nakakabaliw. Pumasok siya pabalik ng kwarto, pilit isinasara ang pinto sa mga alaala. Nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Ngunit kahit anong pilit niyang matulog, bumabalik-balik ang imahen ni Joel ang boses nitong paos, ang init ng kanyang hininga sa leeg niya, ang kamay nitong marahang dumadausdos sa kanyang balat. “Maddy…” sambit niya sa sarili, pilit pinapakalma ang puso. “Wag kang mahulog…” Pero huli na. Naroon na siya. At alam niyang sa bawat araw, mas lalo siyang mahuhulog sa bitag na ito sa lalaking hindi niya dapat gustuhin, pero gustong-gusto. Kinabukasan, paggising niya, ramdam pa rin niya ang init ng mga nangyari kagabi. Mabilis siyang naligo, nagbihis, pero kahit anong gawin, hindi niya matakasan ang alaala ni Joel. Sa breakfast table, naroon ito nakaupo, nakangiti, parang walang nangyari. Ngunit sa likod ng ngiti nito, ramdam niyang pareho silang may inaasahan pa. “Morning, Maddy,” bati nito. “Sleep well?” Tumango siya, pilit ngumingiti. “Yes... medyo.” Ngumisi si Joel. “Good. Because today, I’ll show you the rest of the estate.” Kumain sila sa gitna ng katahimikan. Ngunit bawat sulyap, bawat pagkakadikit ng kanilang siko, ay parang apoy sa kanyang balat. At sa kanyang isipan, isa lang ang tanong: Hanggang kailan siya makakatakas sa pagnanasa niyang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD