Mabigat pa rin ang dibdib ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Ang malamig na tiles ng sahig ay nagpaparamdam sa akin ng katotohanan na ang lahat ng nangyari kagabi ay totoo. Hindi ito panaginip. Hindi ko basta-basta mabubura sa isip ko ang haplos ni Joel, ang kanyang mga labi, ang init ng kanyang katawan laban sa akin. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ako nagpaubaya kahit pa alam kong mali. Pero sa bawat pagpikit ko, nararamdaman kong mas malakas ang aking pagnanais kaysa sa aking takot.
Bumuntong-hininga ako. Kailangan kong bumaba. Ayokong magduda si Mama. Hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit magdamag akong balisa. Pero paano kung makasalubong ko si Joel? Kaya ko ba siyang harapin na parang walang nangyari? O baka matutunaw ako sa bawat titig niya?
“Good morning, anak,” bati niya. “Kumusta ang tulog mo?”
“Okay lang po, Ma,” sagot ko, pilit na ngiti. "Medyo nanibago lang."
“Natural lang 'yan. Bago ang paligid. Pero masasanay ka rin.”
Naputol ang usapan namin nang bumukas ang pinto ng veranda. Si Joel. Suot ang puting polo shirt, bahagyang nakabukas ang unang butones. Mukha siyang presko, pero ang mga mata niya tila ba ako lang ang laman ng isipan niya.
“Good morning,” bati nito, nakatingin diretso sa akin.
Napayuko ako. “Good morning.”
“Ready ka na ba mamaya? I promised to give you a tour, remember?”
Ngumiti si Mama. “Sumama ka na, Maddy. Para makilala mo ang property.”
Wala akong nagawa kundi tumango. “Sige po.”
Natapos ang almusal nang may mabigat na katahimikan. Ramdam ko ang sulyap ni Joel paminsan-minsan. Para akong sinusunog ng titig niya. Pagkatapos, nagpaalam si Mama na may pupuntahan sa club. Naiwan kaming dalawa ni Joel.
“Ready?” tanong niya, hawak ang susi ng kotse.
“Ready,” sagot ko, pilit nilalabanan ang kaba.
Habang nasa sasakyan, wala kaming imikan. Nakatingin ako sa bintana, pilit iniiwasan ang mga mata niya. Pero ramdam ko ang init ng kanyang presensya. Minsan, mapapatingin ako at mahuhuli siyang nakatitig. Ngumiti lang siya. Lalo akong nataranta.
Dumating kami sa isang malawak na bahagi ng property. May maliit na lake sa gitna, may gazebo at mga bangko. Tahimik. Malayo sa bahay. Perfect para sa private conversation o para sa mga lihim.
“Ganda, di ba?” bulong niya sa likod ko. Lumingon ako. Nakatayo siya sa likod ko, sobrang lapit. “Paborito ko dito. Walang istorbo.”
“Maganda nga po,” sagot ko, nanginginig ang boses.
Hinawakan niya ang balikat ko. “Maddy… about last night ng paano ako muntik bumigay.
Wala pong nangyari,” putol ko agad. Ayokong pag-usapan. Ayokong maalala ku
Humakbang ako palayo. “Joel, please... tama na. Mali ito.”
“Pero totoo. Huwag mo nang itanggi.” Lumapit siya. “Hindi ako titigil hangga’t hindi mo inaamin.”
Napaatras ako hanggang sa maabot ko ang poste ng gazebo. Trap na trap ako. Pinagmasdan niya ako, mabagal ang paglapit. Huminto siya ilang pulgada mula sa mukha ko.
“Bakit ka natatakot, Maddy?” bulong niya. “Dahil ba sa akin? O dahil sa sarili mong nararamdaman?”
Hindi ako makasagot. Alam kong tama siya. Takot ako dahil totoo ang nararamdaman ko.
Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Mainit ang palad niya. Napapikit ako.
“Hindi kita pipilitin,” mahina niyang sabi. “Pero hindi rin ako aatras. Alam mong gusto mo rin.”
Bigla siyang umurong, naglakad palayo. Naiwan akong humihingal, nanginginig.
“Balik na tayo,” sabi niya. “Ayokong mahuli tayo ni Grace.”
Tahimik kaming umuwi. Sa kwarto ko, napahiga ako, pilit binubura ang lahat sa isip ko. Pero imposible. Selyado na si Joel sa bawat sulok ng puso ko. Kinagabihan, hindi ako makatulog. Naglakad-lakad ako papuntang veranda. At naroon siya. Nakatingin sa buwan.
“Hindi ka pa rin makatulog,” sabi niya. “Hindi,” sagot ko.
Lumapit siya. “Ako rin.” Naramdaman ko ang init ng katawan niya. Gusto ko siyang tulakin pero gusto ko ring manatili siya roon. Nahulog ang katahimikan sa pagitan namin. Hanggang sa maramdaman ko ang palad niyang humawak sa kamay ko.
“Maddy... mahirap pigilan, pero pipilitin ko. Para sa'yo,” bulong niya.
Napatingin ako. Tapat ang mga mata niya. Walang biro.
“Hindi ko sisirain ang tiwala mo,” dagdag niya. “Pero huwag mo akong iwasan.”
Tahimik akong tumango. Ngunit bago siya tumalikod, hinila niya ng marahan ang kamay ko, marahan akong inilapit sa kanya. Ramdam ko ang init ng dibdib niya sa aking noo habang pinipikit ko ang aking mga mata. Para akong bata sa bisig ng panganib alam kong masama pero gusto kong manatili.
“Alam mo bang mahirap kang hindi mahalin, Maddy?” bulong niya. "Araw-araw kitang tinitingnan, at araw-araw akong nahuhulog sa'yo."
“Joel…” mahinang tawag ko, nanginginig.
“Hindi ako gagawa ng hakbang na ikasisira mo,” dagdag niya. "Pero gusto kong malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin."
Hinaplos niya ang pisngi ko bago tuluyang tumalikod. Naiwan akong nakatayo sa veranda, dama ang mabigat ngunit matamis na tensyon sa pagitan namin.
Bumalik ako sa kwarto ko, pero hindi ko magawang pumikit. Hinaplos ko ang pisngi ko, kung saan dumaan ang mainit niyang palad. Ang puso ko’y kumakaba pa rin, naninibugho, nalilito, at hindi alam kung susuko ba o lalaban. Sa gabing iyon, humiga ako habang pinagmamasdan ang kisame, nag-iisip. Paano kung tama si Joel? Paano kung ang nararamdaman ko ay higit pa sa dapat? At paano kung hindi ko na siya kayang layuan? Pinikit ko ang mga mata ko, umaasang bukas ay mas malinaw na ang lahat. Pero sa puso ko, alam kong magsisimula pa lang ang laban ng puso ko.