Chapter 9

1339 Words
Himbing pa si Maddy nang bumangon ako. Hubo’t hubad pa rin siya, balot ng kumot, mahimbing ang tulog, walang kamalay-malay sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin ngayong gabi. Napatingin ako sa phone ko habang binabasa ang text mula kay Franco—kanang-kamay ko sa negosyo at sa ilalim ng mundo ng mafia. “Boss, confirmed. May nagbabantay sa compound. Kabilang grupo. Hindi natin tauhan.” Fucking f**k! Hindi pa tapos ang gabing ‘to. Isinuot ko ang pantalon at leather jacket ko, siniguradong naka-silencer ang Glock ko. Lumapit ako kay Maddy, hinalikan siya sa noo. “Stay safe, baby…” bulong ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Sa labas, malamig ang hangin. Matingkad ang buwan, malinaw ang paligid ng malawak naming property sa Rizal. Tahimik ang paligid, pero ang kalmadong ‘to nakakatakot. Kapag ganito ka-linis ang hangin, ibig sabihin may masamang balak ang mga hayop na ‘yan. Sumakay ako sa itim kong pick-up at pinindot ang comm sa dashboard. "Franco. Status." “Boss... dalawang SUV, black. Parked sa may kabilang hill. Di tauhan ni Sir Martinez. Mukhang may bagong pumapasok. Posibleng ang sindikato ni El Toro... ganti sa huling shipment natin sa Batangas.” “s**t,” bulong ko. El Toro. Isang lumang kalaban. Akala ko wala na sila. Pero mukhang gumaganti. “May armas ba ang mga gago?” tanong ko habang binubusisi ang Glock ko. “Full load. High power. Parang gusto kang dukutin, Boss. O baka si Maddy ang target nila…” Nanlamig ang batok ko. f**k. Si Maddy. Hindi ko papayagang madamay siya sa gulong ‘to. “Prepare two snipers sa East tower. Lahat ng entry point, i-lock. Walang lalabas, walang papasok. Ako ang lalapit sa mga hayop na ‘yon,” utos ko. "Copy, Boss. Magiging hell para sa kanila ang property mo ngayon." Mabilis kong pinaandar ang sasakyan, nagmaneho papunta sa hill area kung saan nakita ang mga kalaban. Bawat metro ng lupa, kabisado ko. Bawat liko, bawat puno parang palad ko na. Pagdating ko sa lugar, pinatay ko ang makina. Tahimik. Dumukot ako ng night vision goggles tatlong lalaki. Isa nakabantay, dalawa nakaupo sa SUV, may hawak na assault rifle. "Mga gago... akala niyo kaya n'yo ko pasukin sa teritoryo ko?" bulong ko. Dahan-dahan akong gumapang pababa sa damuhan, patungo sa likuran ng SUV. Ramdam ko ang adrenaline parang dati, nung wala pa si Maddy, puro dugo, puro giyera ang mundo ko. Nang makalapit, hinugot ko ang Glock, nilabas ang knife ko. Una kong nilapitan ang bantay sa labas isang tusok sa leeg, walang kaluskos, bagsak. Kasunod ang driver pinutok ko ang silencer. Bago makasigaw, basag na ang bungo niya. Isang natira ang lookout. Bigla siyang lumingon, pero huli na isang bala sa sentido, bagsak. Tatlo. Malinis. Walang ingay. Pero habang nililimas ko ang bulsa nila, narinig ko ang static ng radio nila. “Unit 2, status? Repeat, status report!” Fuck. Alam nilang tahimik ang team nila. Darating ang reinforcements. "Franco, incoming kaaway. Ilang minuto lang." bulong ko sa comm. “Boss, 3 more SUVs paparating. Full squad. May RPG pa. Di 'to simpleng padala. Gusto ka nilang burahin.” “Palaban. Gusto nilang tapusin na ang laro. Sige, pagbibigyan ko sila.” Napangisi ako. Matagal ko nang gustong bumalik sa ganitong aksyon. Bumalik ako sa pick-up ko, nilabas ang AR-15 ko, nag-charge ng bala. "Franco, spread out the boys. No mercy. Silipin n’yo ang West Ridge baka may backup pa sila roon. Bawal silang makalapit sa bahay. Nandoon si Maddy." “Copy, Boss. Giyera na ‘to.” Nakita ko sa salamin ang paparating na headlights. Malapit na ang mga hayop. Pumwesto ako sa itaas ng isa sa mga bunker, nakatutok ang baril. Isa… dalawa… tatlong SUV. Bumaba ang mga armado fully loaded, mga tattooed na gago mula Mexico, mukhang mga tauhan ni El Toro. Pamilyar ang lider nila si Carlos "El Diablo" Mendoza, dating assassin, matagal ko nang gustong patayin. "Joel Romano!" sigaw niya. "Lumabas ka, coward! Or kukunin namin ang babae mo!" Putang ina ka. Sumilip ako sa scope. Pinutok ko ang sniper isang ulo sabog. Nataranta ang grupo niya, nagsitago. "Move! Flank them!" sigaw ko sa radio. Dumagsa ang mga tauhan ko mula sa east flank. Automatic fire. Pumutok ang granada sa kanan. Mga kalaban, bagsak isa-isa. Bumaba ako sa bunker, sumugod, sunod-sunod ang bala mula sa AR ko. Dalawang kalaban sumabog ang dibdib. Isang tumakbo sinaksak ko sa tagiliran, bagsak. "Boss, clear sa West Ridge!" sigaw ni Franco. “Secure Carlos! Don't kill him!” utos ko. Pero sa dulo ng gulo, nakita ko si Carlos tumatakas, duguan ang balikat, papunta sa gubat. “Gago ka, you can't escape!” Sumugod ako, hinabol ko siya. Mabilis ang lakad ko sa gubat, kita ko ang dugo sa mga dahon. Hanggang nakita ko siya hingal, nakasandal sa puno. “Joel… spare me… babayaran ko…” "f**k you." Pinutok ko ang tuhod niya. Napasigaw. “Walang makakalapit kay Maddy. Walang makakasira sa akin.” Lumapit ako, nilapit ang Glock sa sentido niya. “Tell El Toro... I’m coming for him next." BANG. Tahimik na ang gabi. Isa na lang ang problema ko ang sindikatong gumagalaw sa likod nito. Pero hindi ko hahayaang madamay si Maddy. Lalaban ako hanggang dulo. Bumalik ako sa bahay. Si Maddy, gising na, naghihintay sa veranda, balisa. "Joel! Ano'ng nangyari?! Bakit may putok ng baril?!" Lumapit ako, niyakap siya ng mahigpit. “Shhh… I handled it. Safe ka na, baby. As long as I’m here, walang makakagalaw sa’yo. Ever.” Pero sa isip ko hindi pa tapos ang laban. Darating pa ang totoong giyera. At sa gabing iyon, nagsimula ang totoong buhay ko bilang mafia kingpin at protector ng babaeng pinakamahalaga sa’kin. Magdamag akong nakatayo sa terrace ng mansion habang hawak ang phone ko. Tahimik ang paligid pero ang isip ko gulo. Hindi na ito basta raid o warning shot. Seryoso ang galawan ng La Sombra at El Toro. "Boss," tawag ni Franco sa comm line. "Confirmed. May galaw ang grupo sa Laguna base. May nagbabantay sa Batangas port. At may bago silang hinihintay na shipment ng armas galing Mindanao." Tangina. Malaki 'to. "Kailan darating ang shipment?" "Within the week. Pero may masama pa merong bagong player sa South. Hindi Mexican, hindi Filipino... Chinese Triad daw ang kausap ng La Sombra. Baka joint operation ‘to." Napatitig ako sa malayo. "Hindi sila titigil hanggang hindi nila nakukuha ang gusto nila... si Maddy." "Boss, gusto mo bang i-evacuate si Ma'am Maddy?" "No. Hindi siya aalis dito. Mas safe siya rito kaysa kung nasa labas siya. We defend this ground." Tinawagan ko si Salazar arms supplier ko. "I want new weapons. Lahat ng klase. RPG, grenades, sniper rifles, kahit mortar. Padala mo dito bukas." "Copy, Boss Joel. Full stock." Pagkababa ko ng tawag, may nag-text. Unknown number: "Lord of the South... You can’t win this war. Surrender the girl or bury your empire." Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko hahayaang hawakan nila si Maddy. "Franco, mag-double guard sa buong perimeter. Sniper sa North tower. I-ready ang tunnels. Kung aatake sila, dito natin sila ililibing." "Copy, Boss." Ilang minuto pa, kumalabog ang gate. "Boss! SUV na may foreign plate number! Chinese driver! Ayaw tumigil!" "Fire warning shots!" Pero bumaba ang driver, nakataas ang kamay. "Message from Guangzhou! La Sombra sends regards." Piniringan ko siya at dinala sa basement. "Sino ka?" "Middleman lang... La Sombra wants you to meet... tomorrow... Cavite docks. Midnight. Alone." "What if I refuse?" "Then Maddy dies." I punched him in the face. Blood dripped onto the floor. "Franco, i-secure ang docks. Double team. May setup 'to." "Boss... baka gusto mo nang umalis si Maddy habang may oras pa." Tumingin ako sa bintana. Sa itaas, nakita ko si Maddy. Nanunubig ang mata, hawak ang dibdib. Hindi ko siya iiwan. Hindi ko siya bibitawan. "Hindi. Lalaban tayo." Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang totoong simula ng giyera. Hindi na ito warning. Hindi na ito laro. Ang susunod na gabi, maaaring ang huling gabi ko. Pero basta buhay si Maddy mananalo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD