“I have a question, and I'm begging you… please tell me the truth. I want to hear the truth. Totoo bang nakulong ka nang dalawang taon sa Pinas?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Luther sa narinig. Gulat na napatitig siya kay Jianna. "P-aano mo nalaman ang tungkol doon? Who told you about that?" he whispered, his voice trembling. "I called Lara. At siya ang nagsabi sa'kin tungkol doon." Lumambot ang anyo niyo. "So, totoo nga? Na nakulong ka for two years?" Hindi siya sumagot. Hanggang sa mga oras na iyon ay bumibigat pa rin ang dibdib ni Luther sa sinapit niyang iyon. At mukhang sapat nang kasagutan ang pananahimik niya para maintindihan ni Jianna ang sagot niya. "Luther." Jianna's face softened even more. Namamasa na rin ang mga mata nang hawakan nito ang kamay niya. "You don't

