ANG NALALAPIT NA PAG-ALIS

2147 Words

ILANG ARAW na ang dumaan pero hindi pa rin nagkaroon ng lakas ng loob si Jianna na tanungin si Luther tungkol sa sinabi ni Ninang Lara na pagkakakulong nito. Bagaman at hindi na sinabi ng dating kaibigan ang dahilan ng pagkakakulong nito. Sa kabila ng galit niya rito, parang hindi kakayanin ng dibdib ni Jianna ang ideyang iyon. Iisipin pa lang niya na nanatili sa loob ng kulungan si Luther ay naiiyak na siya. Naaawa siya. Two years in prison was no joke. At iyon ang rason kung bakit hindi siya nag-uusisa. Natatakot siyang malaman ang katotohanan. Dahil ngayon pa lang ay nadudurog na ang puso niya. Magaan at maayos na ang pakiramdam ni Jianna nang magising siya isang umaga. Anim na araw na rin siyang nananatili sa apartment ni Luther. At sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ito pumasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD