KANINA pa nakahiga si Jianna pero kahit anong pilit niya sa kaniyang sarili ay hindi siya makatulog. Nakaramdam na siya ng antok kanina. Pumikit naman siya. Pero hindi talaga siya makatulog sa ideyang nasa labas lang ang lalaking labis niyang minahal noon ngunit labis ding nanakit sa puso niya hanggang ngayon. Tapos nakalapit lang uli ito sa kaniya nang ganoon-ganoon lang? Paano naman iyong ginawa nitong pagtalikod sa kasal nila noon? Ang paulit-ulit na pagtaboy sa kaniya? Ang ilang beses na pagsigawan ni Luther sa kaniyang mukha na hindi naman talaga siya nito mahal? Ang panloloko nito sa kaniya? Ang pagsira nito sa pagkakaibigan nila ni Ninang Lara? Napatiim-bagang si Jianna nang lingunin niya ang pinto na bahagyang nakabukas lang. Iniwan iyon ni Luther na ganoon lang para mabilis da

