NAGISING si Luther nang maramdaman niyang may katabi siya sa kama. Bahagya pa siyang natigilan nang makita niya si Jianna na mahimbing na natutulog sa tabi niya. He smiled. Ilang araw na rin simula nang ilipat niya sa kaniyang bahay ang kaniyang mag-ina. Pero kagabi lang pumayag si Gale na solong matulog sa sariling silid nito. Kaya nakahirit siya kay Jianna na matulog ito sa silid niya. Napuno ng emosyon ang nakangiting mga mata ni Luther na tumagilid siya ng higa at humarap kay Jianna. Hindi niya akalain na makakaramdam pa siya ng ganoong kasiyahan. Simula nang mamatay ang kapatid niya, hindi na niya alam kung paano ang maging totoong masaya. Puno ng pag-iingat na hinaplos niya ang pisngi ni Jianna para hindi ito magising. Ngayon pa lang yata ito nakatulog nang maayos. Simula k

