First Morning with Mr Monfort

1316 Words
LUMIPAS ang gabi at walang Theo na dumating. Kinaumagahan nag-ayos si Chasty at bumaba. “Maam gising na pala kayo,” sabi ni Amelia, “magandang umaga po.” “Hi and good morning too, Amelia. Umuwi ba si Theo?” “Naku, Maam hindi ko po alam.” Bakas ang pagkadismaya ni Chasty. “Alam mo ba kung saan ang condo unit niya?” “Hindi po ba niya sinabi sa inyo?” Ngumiti ng bahagya si Chasty at umiling. “Eh baka pwede po na kayo na lang ang mag-usap,” saad ni Amelia na nakatayo sa harap niya. “Ipaghahanda ko po muna kayo ng makakain, kagabi kasi kinakatok ko po kayo pero hindi na po niyo ako pinagbuksan, nag-alala po si Manang Liza baka gutom kayo,” saad nito. “No I am okay, hindi naman ako nagugutom kaya ‘di na ako nag-abala pa na bumaba.” “Naku huwag niyo na po gawin ulit baka mapagalitan kami dahil hindi ka maasikaso ng maayos,” pag-aalala ni Amelia. “Pasensiya na, Amelia.” “Sige, Maam bababa po muna ako, ipaghahanda ko po kayo ng agahan.” Tumango lang si Chasty. Bumaba rin siya dahil gusto niya makapag-ikot sa labas. Pagkababa nito ay hinahagilap ng kaniyang mga mata kung may makikita ba siyang mga larawan sa dingding o kahit saan na sulok, subalit wala. The interior looks so simple, halos walang dekorasyon maliban sa naghahabaang mga kurtina. “Wala ba mga kapatid si Theo? I don’t remember other family members na naroon sa wedding. I only met his grand dad and father,” naisip niya lang. Naglakad ito patungo sa garden at doon naabutan niya na abala ang isang lalaki na may katandaan na rin, naggugupit ng mga tuyo na dahon. “Hi!” bati niya rito. “Ako po si Chasty.” Yumuko ng bahagya ang matanda at ngumiti, “magandang umaga, maam. Marahil kayo po ang asawa ni Sir Theo.” Tumango si Chasty at lumapit pa. “Araw-araw po ba niyo ginagawa ‘yan?” “Oo, Maam ayaw kasi ni Sir na natutuyuan ng dahon ang mga pananim. Katulad lang ng mommy niya noon, araw-araw ‘yon magtanggal ng tuyo na dahon sa mga pananim niya.” “So may mommy pala siya,” bulong sa isip. “Ah kung ok lang po, nasaan po ang mommy niya?” Hindi agad sumagot ang matanda. “Mukhang hindi ma-kwento si Sir Theo sa inyo, ayoko po siya pangunahan,” sagot ng matanda. “Ah— ayos lang po, naiintindihan ko naman,” bakas ang pagkahiya sa mukha ni Chasty. Nilibang na lang ang sarili sa pagtingin sa mga namumulaklak na nga orchids na nakaayos batay sa klase nito. Those flowers looks expensive na halatang rare collections. Maya-maya pa ay dumating si Amelia. “Maam nakahanda na po ang hapag, samahan ko po kayo sa dining,” saad nito. “Ah oo, susunod ako.” Pagdating sa dining ay hindi lubos akalain ni Chasty ang nakita. “H-hi!” bakas sa mukha ang pagkamangha gayun din ang gulat dahil sa nakitang nakaupo sa mahabang mesa. “Oh youre here,” he said with a cold voice. Nakabihis na siya at mukhang papasok agad ito ng opisina. “Come and take a seat,” saad niya. Lumapit si Chasty at naupo. “I didn’t know that youll be here,” mahinahon niyang sabi. “I dropped by to check on you, sabi nila hindi ka kumain kagabi.” She blushed dahil hindi niya madedeny. “I don’t want that to happen again, Chasty. Baka mapagalitan ako ng dad mo na pinababayaan kita. Just tell Amelia or Liza kung ano ang gusto mo, they will cook it for you,” he told her. “I am sorry!” “For now, I accept that. Let’s eat,” nagsimula na si Theo na kumuha ng kakainin nito. Gano’on din si Chasty. Tahimik at tanging kubyertos lang ang maririnig sa pagitan ng dalawa. “By the way, can I go to dad’a house?” Theo stopped and looked at her crossing his fingers as he leaned his elbow on the table. Tumingin siya kay Chasty. The third tile they look at each others eyes. “Is there something wrong?” “Wala naman, I just think na may kailangan akong kunin,” paliwanag niya. “Sure!” He gazed at her as he allowed her. “That smile, looks so sweet on him, bakit malimit siya ngumiti?” she talk to herself again pero narinig na ‘yon ni Theo. “Thanks! And— can I borrow a car? Nakita ko may naka garahe sa labas.” “Oh that one?” binalikan ni Theo ang pagkain. “Pasasamahan kita sa driver, para hindi ka na mapagod pa.” “Oh! Hindi na kailangan, kaya ko naman.” “Then I insist.” “Okay,” hindi na siya nakipagtalo. “Theo,” natahimik siya saglit dahil napaisip, “would it be okay if I take a job sa company ni Dad? Naisip ko lang kasi, now that we are married, I think I should have my share,” saad niya. “Is that how they raised you?” tanong nito na tutok ang titig sa kaniya. “Of course! I think I have to do something,” she insisted while her brows moved. “Well my take on that? I disagree.” “But—“ Theo put down the utensils and sipped on his tea. “Just give me time,” saad niya kay Chasty at tumingin sa kaniyang relos. “I think I got to go,” muli niyang pamamaalam. Tumingin lang si Chasty sa kaniya. Pinilit ang sarili na tumayo para man lang sana humalik sa pisngi nito to do her part as a wife. But Theo did not gave a little chance na magawa ‘yon ni Chasty. “It’s okay if you are not comfortable yet,” mahinang sabi nito at tumalikod. Her heart beat began to trouble her. Ngayon lang yata siya nakaramdam ng kaba. O baka naman napahiya siya sa lagay na ‘yon. Halos nangalahati na nga rin ang kain niya. Kaya naman tumayo siya at tinawag si Amelia. Mabilis naman itong lumapit. “Iligpit mo na siguro,” utos nito. “Lalabas nga pala ako, pakisabi sa driver na samahan ako sa bahay namin.” “Opo maam. Ipahahanda ko po ang sasakyan. Sinubukan pa ni Chasty na maabutan si Theo pero nakaalis na raw ito sabi ni Lodo, ang hardenero. SAMANTALA SA BAHAY NG MGA PRIETO. “Wow you’re here,” Lorin said. “So how’s the honeymoon?” “Pag-uusapan pa ba natin ‘yan? Na-miss ko kayo rito,” saad niya pa nang magharap sila. Ikinulong ni Chasty sa kaniyang braso ang braso ni Lorin. “Tita I want to work!” “Aba-aba! Napag-usapan niyo ba ni Theo, ‘yan?” “Oo pero sabi niya saka na lang.” “Now that you are married, you are bound to the rules, alam mo na—“ “Can I just stay here with you, guys? Hindi ko yata kaya magtagal doon,” sabi nito. “Nagrereklamo ka na agad? You know what, I think you should learn how to take care of your husband now that you are married. Naaral naman ‘yon at naniniwala akong kaya niyo naman itaguyod ang pagsasama niyo,” Lorin told her. “Tita what did you do before? Lorin just kissed her habang naka-akbay ito sa kaniya papasok sa bahay. “As a wife, you must learn how to get along with your husband. Hindi ako naniniwala na hindi mo matututunan na mahalin ang batang ‘yon.” “Tita I am afraid I may fail.” “Marraige works better when you are one. Isa pa, for our business, Hija.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD