- Gail - Kanina pa ako hindi mapakali. Ang puso ko ay walang tigil sa lakas ng pagkakaba. Si Daddy Huateng. Simula nang magising ako ngayong umaga ay napansin ko na wala sa tabi ko si Lance. Dito lang kami natutulog sa malaking sofa bed sa office ni Daddy. Pagbangon ko ay sumilip ako sa may pintuan para sana tignan si Daddy pero nakasara iyon. Umahon ang kaba sa dibdib ko nang sunod-sunod na nagsipasok ang apat na doctor at limang nurse . Tinanong ko sila at sumagot naman ang isang nurse, hindi ko nga lang naintindihan. Lumuwang ang paghinga ko nang lumabas mula roon si Lance. “Anong nangyayari Lance?" “Stay here Babe." kalmado ang boses nito habang nagsusuot ng gloves. “Pero bakit sunod-sunod ang pagpasok ng mga doctor?" may halong takot at pag-aalala ang boses ko. Tinitigan a

